Chapter 12 : Room

26 11 10
                                    

Irene's POV

Nandito lang ako sa labas ng emergency room, at inaantay ang sagot ng doktor.

Umalis ang SV dahil pinatawag sila ng doctor, kaya mag-isa lang akong nag-aantay ng resulta.

Habang nakaupo ako, ipinagdadasal kong sana walang masamang mangyari kay Carlos.

Nag vibrate ang phone ko at nakita kong may one message ako galing kay kuya Tristan

Nag vibrate ang phone ko at nakita kong may one message ako galing kay kuya Tristan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumakbo para agad na makadating sa room niya.

Nakangiti akong tumatakbo dahil sa excitement na nararamdaman ko.

Nang malapit nako sa kwarto ni Carlos, nakita ko doon si kuya Tristan, na nakayuko at parang malalim ang iniisip.

Nilapitan ko ito at tinapik ang balikat, "Kuya? Bakit nandito ka?" Tanung ko.

Tumingin ito nang may lungkot sa mga mata at pilit na ngumiti.

"Go inside, they're waiting for you." Mabigat ang mga salitang binibigkas niyang tumatama sa puso't isip ko.

Unti-unting nawala ang bakas nang ngiti sa mga labi ko at unti unting binuksan ang pinto.

Nakita kong naka upo sa sofa ng mini sala ng private room sila Gab, Kin at Shawn.

Si Michael na nasa gilid ng kama ni Carlo--

Napasinghap ako sa nakita ko. Nanghihina yung mga tuhod ko na gusto ko nang bumagsak.

May isang taong nakatalukbong ng isang puting kumot at hindi humihinga.

"W-what's happening?" Pilit ang ngiting tanung ko sa kanila.

Nagloloko lang naman sila diba? This is just one of their pranks.

"A-alam niyo kung isang prank lang 'to, it's not fu--"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may iabot sakin si Justine na isang t-shirt na sobrang dumi at puro paint ang mantsa.

"A-ano 'to?"

Pilit ko siyang tinatanung kung parasaan ito pero hindi niya ko sinasagot, bakas sa mga mata niya na galing siya sa pag-iyak.

Hindi ko pa din maintidihan ang mga sunod sunod na nangyayari at na bablanko ang isip ko, hindi nag poprocess sa utak ko ang nangyayari.

"Nag collapse siya nang dahil sa puyat, pagod at ang hindi pagkain nang maayos at tama sa oras, wala siyang maayos na tulog nang 2 weeks, na pressure siya at hindi iyon kinaya nang puso at buong katawan niya." Pag sasalaysay sakin ni Michael habang nakatingin sa katawang nasa kama.

Tumulo nalang bigla ang mga luhang kanina ko pa pinipiit dahil baka joke, prank o kalokohan lang nila 'to.

Nilingon ko yung nasa kama at dahan-dahang lumapit sakanya. Unti-unti kong tinatanggal ang kumot sa mukha nang taong iyon.

I Wouldn't Mind [On-Going] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon