Chapter 7 : Another Plan

54 8 0
                                    

Carlos's POV

Naiinis. Disappointment.

Yan 'yung lagi kong naiisip at nararamdaman. Hindi naman sayang sa effort, pero kasi yun na yun eh. Konti nalang, nag simula na nga yung kanta pero wala na pala siya.

Hindi namin naituloy yung gagawin naming surprise.

Simula kahapon pag-uwi ko, nasa kwarto lang ako.

Nakakainis kasi 'yang Joshua na yan. Nabalitaan kong kaya pala siya umalis dahil tumawag yun. Tss.

Ano ba siya ni Irene? Sila ba? Anong commitment meron sila?

Huli na ba ko?

Damn it!

Habang nakadapa ako sa kama ko nag vibrate yung cellphone ko.

Wala na sana kong balak tignan yun at papatayin ko sana ng makita ko yung nag text

You recieved 1 message

Binuksan ko yung messages at nakita kong galing yun kay Michael,

Binuksan ko yung messages at nakita kong galing yun kay Michael,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Patay talaga 'to saking Michael na 'to, mamaya.

***

Pagpasok ko sa hideout namin naabutan ko sila dun lahat.

"Buti naman dumating kana." Sabi sa akin ni Kin.

Nagtinginan naman sila sakin na bagong dating. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kin at umupo na lang ako.

"Sayang naman yung surprise natin." Nang hihinayang na sabi ni Justine sakin.

Kung anong nararamdaman nilang panghihinayang, mas sobra pa dun yung nararamdaman ko.

Pinag-isipan namin 'yung mabuti tapos mababaliwala lang? Sino ba naman ang hindi manghihinayang.

"Hayaan niyo na. May next surprise pa naman eh." sabi ni Shawn at saka lumapit sa akin at tinapik ang braso ko, "Cheer up, guys! H'wag mawalan ng pag-asa, Plan B palang naman 'to, eh. May Plan C pa!"

"Yeah! Kaya h'wag ka ng sumimangot diyan Carlos." Sabi ni Kin, "Shawn's right. Kaya ang kailangan natin ngayon is to think a new surprise na wala ng eeksena!"

Salamat talaga kasi nandyan sila para i-cheer up ako na, kaya pa, na may pag-asa pang magkabati kami ni Irene, ni Amy.

Nanahimik nalang ako habang sila nag-iisip sila ng panibagong surprise.

"Fuck! Aray!" Narinig kong inda ng kung sino sa kusina.

"BWAHAHAHA! Ano Tristan James? Kaya mo pa?" Pang-aasar na sigaw ni Justine dito.

"Fuck you. Pag natapos ko 'to patay ka sakin. Wag kang kakain." Balik na sigaw nito kay Justine

Nagtawanan naman sila pwera kay Justine na napakamot sa ulo.

I Wouldn't Mind [On-Going] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon