Chapter 16 : RV TO SV?!

27 0 1
                                    

Irene's POV

Nasa kwarto ako ngayon, nakahiga sa kama at nakatulala sa ceiling. Kung ordinaryong araw lang ito ay siguradong bored na'ko sa ginagawa ko't lumabas na'ko mag-isa at nagpunta sa mall o kaya naman ay nasa garden.

Pero isa 'tong kakaibang araw para sakin, ito 'yung araw na hindi ko maigalaw ang buong katawan ko dahil sa panghihina.

Hindi ko nga alam kung 'yung katawan ko ba 'yung nanghihina o 'yung puso ko. Ayaw kong gumalaw o kung maaari ay ayoko nang lumabas pa sa kwarto.

Habang tulala ako'y may kumatok sa pintuan, hindi ko iyon pinapansin, patuloy lang akong nakatitig sa ceiling.

"Princess? Hindi ka ba kakain? Kanina ka pa nasa kwarto mo ah? Stop being lazy, halika na." Sigaw ni kuya sa labas. Nagulat ako sa sigaw niya kaya agad agad kong pinunasan yung mga luhang kanina pa tumutulo sa mata ko.

"Hmmm." sabi ko.

Nang bubuksan niya na 'yung pinto ay nag kunwari akong tulog at humarap sa terrace para hindi makita ni kuya 'yung pamamaga ng mga mata ko.

Naramdaman kong naglalakad siya palapit sa pwesto ko at umupo nang dahan-dahan sa kama, "Irene, may problema ba?" umiling lang ako bilang sagot.

Nag pakawala nang malalim na hininga si kuya at hinagod hagod 'yung likod ko.

"Wala kong alam sa nangyari sa'yo, but as your kuya, alam mong malalaman at malalaman ko 'yun kahit mag sinungaling ka." Sandali siyang huminto at nag patuloy, "If you need someone who'll comfort you, I'm here, and always be. As for now, alam kong gusto mong mapag-isa, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka."

Tumayo na siya at naglakad papuntang pintuan. Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at tumingin sa kanya.

"Kuya.." I said, it's almost a whisper

Lumingon naman siya sakin habang suot ang pang kuyang ngiti niya. He used to smile at me like that when he knew I'm not feeling well, his smile's gives me strength to smile. He never fails to make me better.

"Can I hug you?"

Alam kong ang childish ne'tong act ko pero 'yun lang kasi 'yung kailangan ko ngayon, comfort, love, hug and care from the people I love.

"Yes you can, Princess." Walang alinlangang sagot niya.

Lumapit naman siya sakin at binigyan ako nang mainit at mahigpit na yakap.

"Thanks kuya, for always showing love and care for me. Thank you because you're not letting me to feel that I'm alone. Thank you for understanding my childish side and I'm really thankful because you're my kuya."

"Ofcourse, I shall do it to you my lil sis, it's my responsibilities as your kuya, gwapong kuya." sabi niya, "Ang you're still my little sister, kahit lumaki ka na at naging gan'to kakulit." Sarkastikong sabi niya habang tinatap 'yung ulo ko.

Napatawa lang ako sa sinabi niya at bahagya siyang hinampas sa likod. Naghiwalay na kami sa yakap namin. Paghiwalay namin ay bigla siyang tumingin sa mga mata ko na parang may sinusuri.

"Did you cry?" Nagbago 'yung tono ng boses niya. He really can imitate my dad's voice, "N-no."

Please, sana maniwala siya.

"Si Carlos ba?" Tanung niya sakin na may pagbabanta sa boses.

"Hindi ah." Mabilis na sagot ko.

"Edi sino?" He asked impatiently.

Nag-isip agad ako nang maidadahilan at nag libot nang tingin, "Ano kasi, si ano... Yung ano na—"

"Teka, ano 'yang mga sugat mo sa mukha? Yang putok mo sa la— Fvck! Don't tell me." Hindi niya maayos ang pagsasalita niya dahil sa naiisip niya.

I Wouldn't Mind [On-Going] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon