Chapter 9 : Hot Seat!

29 9 0
                                    

Gabriel's POV

Nandito kami ngayon sa Greenfield University ng 5 AM ng umaga, para sa planong sinasabi ng dakilang si Michael.

Hindi ko alam kung bakit ba ko sumama samantalang wala din naman akong gagawin.

Napapapikit na ako sa sobrang kaantukan ko ng bigla akong ginulat ni Shawn.

Muntik na kong mapalundag sa gulat, "Ano bang problema mo?" Tanung ko dito.

"Wag kang matulog, wag kang unfair." Pamimiit nito sakin.

Inirapan ko lang ito at pumikit ulit, kesa inaaksaya ko ang oras ko sa pakikipag usap sa walang kwentang plano nila ay mag papahinga nalang ako.

"Gan'to kasi yan, makikipag kompitensya ka kay Joshua, sa pamamagitan ng jack 'en poy." Sabi ni Michael na ikinagulat ng lahat.

Hindi na ko nagulat sa sinabi niya dahil na puyat ako dahil sa plano niyang yan.

Gusto pa nga niyang gamitin yung bestfriend ni Irene na si Ysa para maging judge

Hindi ko nalang sila inintindi at dahil nawala na din ang antok ko ay iginala ko nalang ang tingin ko sa paligid.

Wala akong nakikitang ibang tao kun'di ang mga officers at teachers palang ang pagala-gala sa ganitong oras.

Masyado pang maaga ang 5 AM para sa 7 AM naming pasok.

Naisipan kong lumipat sa ikalawang pwesto ng table bago ang kinaroroonan ng SV, ikakabit ko na sana ang earphone ko sa tenga ko nang bigla itong malaglag mula sa pag kakahawak ko.

Dadamputin ko na sana ito, nang nakita kong naapakan yun ng isang babaeng hindi ko 'man lang makita ang mukha dahil sa bangs nito.

Tinignan ko naman ang earphone kong nasira ang kaliwang parte nito. Pero mabuti nalang at mukhang hindi naman niya masyadong naidiin ang pag kakaapak kaya maayos ayos pa ito.

Sinundan ko siya dahil gusto ko sanang papaltan yun. Hindi sa wala kong pampalit pero dahil sa bago na din ito sa paningin ko kaya siguro naging interesado akong makita siya at kilalanin ang mukha niya.

Mayamaya, nakita kong lumiko ito patungo sa gymnasium.

Pag liko niya dito ay tanging entrance ng gym nalang ang bumungad sa kanya.

Napansin kong medyo napakamot pa ito ng ulo.

"Excuse me?" Tanung ko dito.

Napatalon naman ito ng bahagya sa gulat at nilingon niya ko.

"Ahm, anong hinahanap mo?" Tanung ko dito.

Nararamdaman kong mukhang nawawala siya dito sa campus.

May inabot itong papel sakin at nakaka sigurado akong galing yun sa office.

"4th year, section 1." Pagbabasa ko dun sa nakasulat.

"N-nawawala yata ko..." Mahinang sagot nito pero sapat lang para marinig ko. "Alam mo ba kung saan yan?"

Nakita kong medyo namumula ito kaya binilisan ko nalang ang pag tuturo ng direksyon dito.

Pagkaturo ko ay nag bow ito sakin ng halos tatlong beses habang nag tha-thankyou sabay takbo palayo.

That girl is really weird..

Aalis na sana ko ng makaalis na yung babae pero bigla kong nakitang lumabas mula sa gym si Ysa kaya hinabol ko ito.

Hinawakan ko yung palapulsuhan niya para mapigilan ko ito sa paglalakad.

Nang lingonin niya ko ay may pag tataka sa mukha niya.

I Wouldn't Mind [On-Going] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon