Chapter 5 : Surprise

52 9 0
                                    


Irene's POV

"Mommy? Pano ba mag patawad ng tao? Bakit sa kanila ang dali lang? Bakit pag mismong ikaw na ang gagawa, mahirap?"

"Mommy, bakit ba kasi wala ka dito sa tabi ko? Wala na tuloy akong kakampi."

"Even kuya? Parang hindi niya na 'ko naiintindihan. Ugh! Bakit ba kailangan mo pa pong mawala?"

"Bakit lagi nalang akong naiiwan at nasasaktan?"

Nararamdaman ko yung mga luha ko, na pumapatak sa pisngi ko.

I can't stop my tears from falling.

Para na 'kong baliw sa pag sasalita ko mag-isa, dito sa simenteryo kung saan naka libing si mom.

My mom's gone pero hanggang ngayon wala pa ring balita about sa suspect, baka nga ngayon ay ibinasura na nila ang kaso na 'yun.

Kasabay din nun ang pag-iwan ni Carlos sakin.

Siguro kaya ganun nalang ang galit ko sa kanya, kasi wala siya sa tabi ko nung oras na sobra ko siyang kinailangan.

Pinaasa niya kong hindi niya ko iiwan, kahit wala na ang mommy ko hindi kami mag kakahiwalay.

Pero kinabukasan din nung araw na sinabi niya sakin yun. Nawala nalang siya ng parang bula.

Ni hindi siya nag text, nag chat o kahit sulat manlang. Wala.

Kanina pa ko nag mumukmok dito sa simenteryo at mag-isang nagsasalita.

Lagi naman akong pumupunta dito kapag punong-puno na yung nararamdaman ko. Kapag hindi ko na kayang dalhin mag isa, si mommy lang ang karamay ko.

Pinunasan ko na yung luhang kanina pa dumadaloy sa pisngi ko at tumayo na,

Bago ko umalis sa harap ng puntod ni Mommy nag-paalam muna ko.

"Mommy, I will find those suspect who killed you. I promise." Pangako ko sa kanya.

At sumakay na sa kotse.

***

Simula nung nangyari kahapon, hindi ko pa pinapansin si kuya.

May part sa puso ko na, gusto kong mag sorry sa kanila dun sa inasal ko kasi sa totoo lang, nagustuhan ko talaga yung boses niya. Ayy, hindi I mean yung kanta pala.

Nakatingin lang ako sa bintana, pinagmamasdan yung mga taong akala mo pinag sakluban ng langit at lupa kung makakunot noo.

"Irene, hindi ako sanay ng ganyan ka. Look, I'm sorry. It's just that.. I want you to be happy. I know and I can see it in your eyes that-" huminto siya sandali at pinagpatuloy ang sasabihin niya.

"That you still love him."

What? Is that what I feel? Am I still in love with him? Nagsimula nang magaway ang puso at isip ko.

Irene, hindi. Nakukonsensiya ka lang. 'Yan ang sinasabi ng isip ko.

Oo, tama. Nakukunsensya lang ako sa ginawa ko kahapon.

No, hindi. Tama ang sinabi ng kuya mo. That you still have feeling for him. Sabi naman ng puso ko.

Hindi ko maintindihan. I'm really confuse

"Irene?"

Hindi ko naririnig si kuya dahil sa malalim ang iniisip ko.

"Uy? Irene? It's just that.. I'm really sorry, dahil hindi ko manlang inisip ang mararamdaman mo.."

Hindi ko lang siya pinansin at bumaba na ako tutal nahinto na naman niya yung kotse.

Hindi ko na siya nilingon. Baka 'kala niya, Tss. May kasalanan pa siya sakin.

I Wouldn't Mind [On-Going] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon