Chapter 15 : Anonymous

19 2 0
                                    

Irene's POV

"Omg, omg, Gorg, kaunting buwan nalang, bakasyon na natin o-my-gosh bakasyon naaaa!" Pasigaw ng malakas ni Ysa, habang nagtatatalon pa.

Tumango-tango ako sa kanya, habang sinasabayan siya sa pagsigaw at pagtalon, kasi hindi ko din maiwasang magpakawala ng feels dahil kahit 'man ako ay excited na din para sa bakasyon.

"Gorg, ano kayang magandang puntahan, or gawin sa bakasyon? Tara sa beach, shopping, or pahinga muna?" Pag-iisip ni Ysa.

"Oo nga Gorg, kahit ako, hindi ko din alam uunahin ko sa sobrang daming options." Sagot ko sa kanya.

Napapaisip tuloy ako nang tuluyan, ano nga ba ang gagawin ko? Pero syempre nasa una na si mommy, dahil tuwing bakasyon talagang lagi ko siyang dinadalaw para mag-kwento sa kanya. Minsan kasama ko si kuya, minsan ako lang mag-isa, dipende sa trip ni kuya kung sasabay sakin o ano.

"Gorg, nakaisip ka na?" Tanung nito sakin.

Nakakaapat na tanung na siya niyan sakin kanina pa.

"Oo."

"Waaaah! Ano? Share ka naman!" Pangungulit niya.

"Pupunta muna ko kay mommy." Sabi ko sa kanya.

"Ay Gorg siya nga pala, ikamusta mo nalang ako kay tita okay? Hindi kasi ko makakapunta eh. Alam mo na." Paalala niya sakin.

Minsan ko na siyang nakasama sa pag dalaw kay Mommy noon.

"Gorg, kain muna siguro tayo ngayon?" Suggest ko.

"Oo Gorg, mabuti pa nga." Pag sang-ayon niya.

Nag punta na kami sa canteen para kumain.

Hindi ko makakasabay si Carlos dahil hindi sila pumasok ng SV.

Ang dahilan ni Justine ay inaya daw siya ng mommy niyang lumabas, si Shawn naman ay mag rerelax, si Kin as usual may date daw, si Michael naman dumating ang parents galing Italy, si Gab naman ay may iniiwasan dito kaya 'daw' nag-absent, si kuya ay may pupuntahan kasama daw 'yung kaibigan niya, si Carlos naman ay dahil tinatamad naman, ang galing nang mga dahilan diba? Halos lahat sila busy. Pinaalala pa nga ni Carlos na huwag daw muna siyang mamiss dahil papasok naman daw siya bukas. Ang kapal diba?

Nang makapunta kami sa canteen ay napansin naming madami na ang kumakain kaya halos lahat ng upuan ay occupied na.

"Gorg, mukhang kailangan nating kumain nalang sa labas or magpa deliver." Sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan pa din ang mga tao sa canteen.

"Ayoko, ilang araw na akong hindi nakakakain sa school, pati ano ba? Ako nalang ba lagi mag-aadjust?!" Sabi niya na parang may galit sa mga pananalita niya.

Nagulat ako sa inasta niya kaya napatingin ako sa lukot na mukha nito.

"Anyare? Seryoso ka?" Tanung ko dito.

Napatingin naman siya sakin at tumawa.

"Gaga, chos lang!" Sabi niya na may kasama pang hampas.

Ang weird nitong si Ysa .

"Gorg ayun oh, may isang table na hindi pa nauupuan." Turo niya dun sa pinaka dulong upuan.

Tumakbo siya papunta don at biglang umupo ng mabilis, daig pa niya ang shooting star sa bilis, sa bilis mawala. Ay putspa, nadamay ako sa kahuhugot ni Ysa.

Tinignan ko lang siya at kinawayan niya ko sabay sinenyasan na pumunta ko sa kinaroroonan niya. Naglakad na ako papunta sa kanya habang nakangiti pero habang naglalakad ako ay biglang may tumabig sakin na nagmamadaling umupo atsaka may paa na biglang humarang sa dinadaanan ko.

I Wouldn't Mind [On-Going] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon