Chapter 13 : Kimchi!

20 5 15
                                    

Irene's POV

"Sir, ito na po yung bill ni Mr. Montaverde. Sa counter nalang po bayaran." Sabi nung nurse kay Michael habang itinuturo niya kami sa counter.

Nag smile lang ako at nauna na sa counter. Ayon kasi sa doctor, the more na mapaaga ang balik ko, dun naka dipende ang paglabas ni Carlos, so as expected maaga pa ko sa guard gumising.

"Ayan na, Mic, bigay mo na yung bill para--" natigil ako sa pagsasalita ng makita kong wala si Michael sa likod ko, iginala ko yung tingin ko at nakita kong hawak niya yung kamay nung nurse na nagturo samin sa counter.

"Free ka ba mamay--" Hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil lumapit ako sa kanya, at hinampas ito "Mic, yung bill, kadiri ka talaga." Sabi ko dito at inirapan siya.

Nang bayaran ko na yung bill gamit credit card ni Carlos ay dumeretso na ako sa room niya.

Pagpasok ko sa kwarto niya ay medyo nakaramdam ako ng awkward atmosphere sa paligid kaya tinignan ko sila isa-isa.

"A-anong meron?" Tanung ko sa kanila para mabasag yung katahimikan.

"We should talk." Sabi sakin ni kuya Tristan at hinigit ako palabas ng kwarto.

"T-teka kuya, ano bang nangyari?" Tanung ko dahil naguguluhan ako sa inaasta niya.

"Sigurado ka bang papatawarin mo na siya?" Tanung nito sakin.

"Oo, hindi naman masamang bigyan siya ng second chance kuya." Walang alinlangang sagot ko suot ang maaliwalas na ngiti.

"Napaikot ka na naman niya? At pumayag ka naman sa kanya?" He almost shouted.

"H-ha? Sino ba may sabing pinaikot niya ako kuya? He deserve to be forgiven dahil alam kong seryoso siya."

Medyo nawawala na yung ngiti ko dahil pa seryoso ng paseryoso ang tanung niya.

"Irene, you should think about it first." Pag kukumbinsi niya, "Ayoko lang mangyari ulit ang ginawa niya sayo noon."

"I already think about it! You don't need to remind me, past is past, people change! Kung ito lang ang pag-uusapan natin, sorry kuya pero wala akong dahilan para hindi pa siya patawarin dahil I LOVE CARLOS." Sandali akong huminto "Kuya, you don't have to worry, I know what I am doing." I gave him my convincing smile to convince him what my point is.

Ang gulo ni kuya, dati lang para siyang kanang kamay ni Carlos kung maka tulong siya tapos ngayon ayaw niya na, aish! Ang gulo niya.

"Sorry." Mahinang sabi sakin ni Carlos, pagpasok ko sa kwarto.

Tinignan ko siya at nawala ang pag ka kunot ng noo ko. I don't know what does it mean but I decided to smile instead.

"Nga pala, ok na yung bill Conan, pwede ka ng lumabas mamaya sabi nung doctor." Pag iiba ko sa usapan.

"Talaga? Yes! Guys, alam na ha? Inuman naaaa!" Sigaw ni Shawn sa tuwa.

"Sige. Ako na bahala kung san." Segunda ni Kin.

"Hindi na ako magpapaka kill joy, we should celebrate this." Sabi pa ni Troy.

"Sama ko, sama ko! Para masaya kayo." Pag eksena ni Justine.

"HAHAHAHAHA! Wala ka ngang sense of humor eh, cry baby!" Pag kontra naman sa kanya ni Michael.

"Hahaha, sige guys, treat ko na kayo." Pagboboluntaryo ni Carlos kaya napatingin ako dito.

"Hoy hoy hoy! Sino may sabing iinom ka? Manahimik ka sa bahay niyo! Appendicitis ang sakit mo tapos sasabakan mo ng alak? Di pwede." Kontra ko dito.

I Wouldn't Mind [On-Going] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon