Day 29-30 : First Reply

10.5K 362 17
                                    

First reply
-----

"How's school, Helga? Hirap ka pa rin sa mga chem subjects mo?" tanong ni Dad sa kin.

Iniurong ko yung sitaw ng kare-kare na nasa plato ko gamit ang tinidor. Nagdi-dinner kami.

"Medyo po, Dad. Pero nag-e-extra aral po ako. Tinutulungan ako ni bestie."

Tumitig lang sa 'kin si Daddy. Hindi ko malaman kung convinced sa sinabi ko or what. Malamang, siya na naman ang unang titingin ng test papers ko bukas sa Chem.

"May test ka bukas, right?"

Uminom muna ako ng tubig.

"Yes po, Dad. Magrerebyu nga po ako mamaya bago matulog," sagot ko kahit ang totoo, tinatamad ako.

"Good. Show me your test results tomorrow."

Sabi na nga ba.

Hindi na lang ako kumibo kay Dad. Tss. Lagi naman kaya nilang tinitingnan ang test results ko. Tapos, dalawa lang ang reaksyon nila ni Mommy ; either ngingiti dahil mataas ang scores o mabablangko ang mukha kapag mababa. Sasabayan ng counseling of why I should do better next time. Kasi kapag doktor ako, buhay ng tao ang nakasalalay sa 'kin. Tiwala rin. Integrity. Dapat mapagkakatiwalaan ako at katiwa-tiwala. Hindi pwedeng mag-slack off.

Ang sarap talagang sabihin na halaman ang passion ko. Halaman ang gusto kong gamutin at paramihin. I-cultivate at i-breed. I-ensure na healthy at abundant sa ecosystem. Hindi naman lesser passion ang botany, 'di ba?

Kaso... hindi pa pwedeng sabihin.

"Baby, eat your veggies. Itinatabi mo na naman," sabi ni Mommy.

Ngumiti ako kay Mom at kinabig ang mga sitaw sa plato ko. Tinusok ko ng tinidor. Isinubo. Pinagulong ko sa dila ko ang gulay.

Na-overcook ni Manang Patring. Binagalan ko ang nguya para hindi na muna ako matanong.

Nang nanahimik na 'ko, napunta kay Kuya ang atensyon. Siya naman ang in-interrogate. But unlike me, pabibo si Kuya. Nasa isip at puso ang lahat ng major niya. Madaldal pa. Mabuti na rin para tahimik akong makakain.

Pagkatapos ng dinner, nag-wine sina Mommy at Daddy sa living room. Kami naman ni Kuya, diretso na sa kuwarto para mag-aral.

Umupo ako sa study table ko. Tumitig sa reviewer na ginawa namin ni bestie kanina. Ang daming words sa yellow paper. May illustration pa ni bestie. Titigan ko pa lang, inaantok na 'ko.

Mabuti man lang sana kung may inspirasyon e.

Napatingin ako sa cellphone ko. Ilang days na ba mula no'ng nag-message ako kay Ash? First day ng June... so, 29 days.

Naningkit ang mata ko. Grabeng lalaki. Puro seen sa loob ng 29 days.

Bumuntong-hininga ako, dinampot ang cellphone ko at binuksan ang messenger.

Ashton Millari.

Gosh, pangalan pa lang niya at profile picture sa messenger, napapangiti na 'ko. Nawawala na agad ang imbiyerna ko sa seen.

Lakas tama.

Nag-type ako ng message.

Hello, Ash!

Nagdagdag ako ng sticker ni Hacker Girl. Tumitig sa message ko.

Isi-seen na naman ako nito.

Seen 07:37pm

'Yun na nga. Sineen na 'ko. Tatadtarin ko na naman ng message 'to para makabawi sa lahat ng seen.

Na-seen mo na! Yey!!!

Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon