Wrong Kiss
-----Napabuga ako ng hangin habang nakatayo sa tagiliran ng puting mesa. Gumagapang yata sa bawat himaymay ng katawan ko ang lamig ng lab. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Kailangan kong kumalma bago dumating si Ash.
Inayos ko uli 'yung pagkakapatong ng tinidor at kutsara sa pinggan sa mesa. Kanina ko pa 'yun pinagdidiskitahan matapos ihain ang mga dinalang pagkain ni Ash para sa dinner.
Malapit na siguro siya. Kaya... pa'no 'ko kikilos? Ano'ng una kong sasabihin sa kanya?
Gosh. Ano ba 'tong ginagawa ko?
Nababaliw na naman ako. Bakit kasi kailangan kong marinig 'yung mga recordings? Bakit kailangan niyang sabihin ang mga sinabi niya?
Nababaliw ako.
Lumabas ako ng lab at nagpunta sa connecting corridor ng mga laboratory rooms at offices na nagtutuloy sa parking lot. I couldn't afford to be startled by him again. Kanina no'ng dumating siya habang pinapakinggan ko 'yung I love you niya sa recording at tinawag niya ang pangalan ko, muntik kong mailaglag ang lahat ng hawak ko.
Naupo ako sa isa sa mga bench sa connecting corridor at naghintay.
I just want to see Ash again. Kahit sandali lang. Kahit wala akong maisip na sasabihin.
I heard the sound of an engine stopping so I walked towards the glass door. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang hindi pamilyar na kotse sa parking. Still, I stayed by the door.
Bumaba sa kotse si Lance at ngumiti. "Hi! Surprise!"
Napalunok ako habang lumalapit siya. No, this can't be happening.
"Why... are you here?" tanong ko sa kanya.
"You told me to make it soon. So, here I am," aniya.
Halos nakatingala ako sa kanya habang nakatayo siya sa harapan ko. Ibinuka niya ang braso niya.
"Can I get a hug?" nakangiting tanong niya sa 'kin.
Hindi ako nakakibo. Naramdaman ko na lang na ikinulong niya 'ko sa bisig niya.
Bumuntong-hininga siya. "I miss you, H."
Itutulak ko sana siya pero binitawan niya 'ko at tinitigan.
"Huh? Why?" tanong ko.
"I love you."
"Uh..." Sinubukan kong humakbang paatras pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit.
"Where are you going, baby?"
Napalunok ako. Hindi ako makahinga habang sumusulyap sa parking.
Sinapo ni Lance ang mukha ko. "H, Look at me."
Napatingin ako sa kanya. This is a mistake but —
Nanlaki ang mata ko nang lumapat ang labi niya sa 'kin. Ilang sandali akong hindi nakapag-isip at napakapit lang sa sleeve ng damit niya. Itutulak ko sana siya pero may humatak sa kanya palayo sa 'kin.
I watched in horror nang suntukin ni Ash si Lance. Madilim na madilim ang mukha niya. Tensyonado ang buong katawan. I never saw Ash with that expression and stance before. Para siyang bagyo na handang wasakin ang lahat ng nasa daan niya. The two of them were almost similar in built but Lance was caught off-guard.
Nagpambuno silang dalawa habang hindi ako makasigaw. Nagpalitan ng suntok hanggang sa may sugat na si Ash sa labi. Nang matumba si Lance sa damuhan sa labas ng lab, nakasunod pa rin ako ng tingin.
I was so stupid to just watched everything. Pero natatakot ako.
Lumapit si Ash sa akin. His face and his body movements still rigid in rage.
Nagtagpo ang mata namin. Nakikita ko ang paggalaw ng panga niya.
I can't say anything to him. Nakatitig lang ako. Kaya napasinghap ako nang mawala lahat ng galit sa mukha niya at mapalitan ng lungkot.
He's in pain.
"Ash..."
I mean to say anything to make the pain go away. Maybe, I will tell him I'm sorry. Pero sinapo niya ako sa batok at mariing hinalikan.
Then he left without looking back. # 0634g / 05282016
----
Note : Pasingit pala. Uh... bale, isisingit ko in the future yung mga araw nila sa Mt. Apo, ha? Marami-rami ring nangyari run pero kulang pa ko sa supporting data. May mga kailangan pa 'kong i-research para ma-justify ko ang mga isusulat run. Sa ngayon, gusto ko munang tapusin ang GG. Hahahaha. Kaya... isisingit ko na lang in the future yung iba pang araw. Pero yung mga pinakaimportante talaga, ititiyaga ko pa ring isabay sa sulat dito. Ayun lang. Bow. XD
BINABASA MO ANG
Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)
ChickLitI fell in love. An unimaginably naive and crazy love. These were the days I tried to forget. - Helga Lastimosa