Loss
-----Halos lumipad ako pababa sa taxi na sinakyan ko pauwi. Mabibilis ang hakbang ko papunta sa study room ni Dad. He's in the house dahil flight ni Kuya mamayang five ng hapon.
Halos ibalibag ko ang pinto ng study room pagpasok ko.
"What did you do, Dad?! Anong pinagawa mo kay Ash?!" tanong ko sa kanya.
Pakiramdam ko, sasabog ang dibdib ko sa galit at sama ng loob. Kagabi pa hindi nagre-reply si Ash sa mga messages ko. Kaninang umaga, deactivated na ang facebook account niya. Pumunta ako sa bahay nila kaninang lunch para magtanong dahil nag-aalala ako... pero ang sabi sa 'kin ng parents niya, flight niya kagabi to USA. Doon daw mag-aaral ng Medicine pero hindi nila alam kung saan eksakto tutuloy o kung aling school. Ayaw raw kasi magsabi ni Ash.
Gosh! How could they not know about him? It's unbelievable! I don't know what to do. Pakiramdam ko, mababaliw ako.
Si Dad, kalmado lang na nakaupo. He looked at me as if he was not seeing how unruly I look. Basang-basa sa luha ang mukha ko. I have a runny nose for crying inside the taxi after visiting Ashton's house. Magulo rin ang buhok ko sa ilang ulit kong tangkang pagsabunot sa sarili ko.
Why didn't I see the signs yesterday? Dapat naramdaman ko na, kahapon pa lang na aalis si Ash. He was going away that's why he looked at me like he was already missing me. Kaya lagi siyang nakadikit o nakahawak. Kaya lagi niya kong yakap! And that kiss...
"What did you do..?" sumisigok na tanong ko. Halos hindi ko na makita ang facial expression ni Dad.
"What exactly are you asking me about?" seryosong tanong ni Dad.
Suminghot ako. "Ash is gone..."
"That's good."
"How could you say that?!" sigaw ko. Sumisigok. "Alam mo ba? Kaya mo binalik... 'yung mga gadgets ko? You sent him... away?"
"Kung umalis ang nobyo mo, dahil 'yun sa sarili niyang pagdedesisyon!"
"No! You must have said something... did something... that made him go away..."
"Ang ginawa ko lang ay kausapin siya nang humarap siya sa akin. Sabi niya, payagan kitang mag-aral ng botany. Ang sabi ko, pinili mo na siya kaysa sa kursong sinasabi mong gusto mo. Nagsabi siyang lalayo muna siya para sayo. Bakit ko siya pipigilan?"
Umiling ako.
Imposible 'yun, 'di ba? Kasi magsasabi si Ash kung gano'n lang ang nangyari. Hindi niya 'ko iiwan nang walang pasabi.
Pero napapagod na 'kong makipag-away at makipaggiitan ng rason para lang malaman ang totoo.
"Bakit ka ganito sa 'kin, Dad? Bakit ang hirap maging anak mo?" tanong ko kay Dad. "Ang dami mong expectations... ang dami mong gustong makita sa 'kin... I'm sorry, okay? Sorry na hindi ako decided maging doktor. Sorry kung hindi ako kasing-talino ni Jenessy o kasing-galing ni Kuya. Sorry kung wala sa Med ang puso ko... Kung may choice ako, lagi kong pipiliin na i-impress ka kahit mahirap. May limitations ako, Dad. Hindi mo naman kailangang iplano ang buong buhay ko, dahil lang tingin mo, wala akong plano..."
Hindi nagsalita si Dad. Unang beses yata na nakita kong lumambot ang ekspresyon niya sa mukha para sa 'kin.
"Ayoko lang... na magkamali ka ng desisyon, Helga. Bata ka pa. You only make decisions based on how you feel at the moment. Pero lahat ng desisyon na gagawin mo, may long-term na resulta."
Umiling ako sa kanya.
"Hindi kami matatakot kung nakikita naming balanse ka pang mag-isip diyan kay Ashton! But look at you... look at what you do. Nagtago ka ng pakikipagkita at pakikipagrelasyon. Kahit pagbawalan ka, hindi ka sumusunod. Nagpunta ka pa sa bahay nina Jaime para maghanap sa nobyo mo. Ilang taon ka lang bang maghihintay para umedad nang tama? Isang taon lang pero hindi mo magawa! Lagi kang nakikipagsagutan sa akin at sa Mommy mo! Mas magalang pa sayo ang nobyo mo!" dagdag niya.
Kagat-kagat ko lang ang labi ko. Kung iiyak ba 'ko mula ngayon hanggang sa mga susunod na araw, babalik ba si Ash? O totoo 'yung sinabi ni Dad? Nilayuan niya 'ko para hindi ako matuloy sa Medicine?
Ilang minuto na walang nagsasalita sa amin ni Dad. Umiiyak lang ako hanggang sa pumasok si Kuya.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Kuya habang salitan ang tingin sa amin ni Dad. Hinawakan niya ako sa braso. "Ano'ng nangyari, bunso?"
"Si Ash..."
"Pinaiyak ka ni Ash?" madilim ang mukhang tanong niya.
Umiling ako. "Wala na si Ash. Umalis siya kagabi..."
Nakita kong naguluhan si Kuya. "Anong wala?"
"Alam mo ba kung nasa'n siya? Para pupunta ako sa kanya..."
Kinuha ni Kuya ang cellphone niya at nag-dial. Tatawagan siguro si Ash. Pero alam ko... wala nang sasagot. Kagabi pa 'ko sumusubok tumawag.
"Unattended..." bulong ni Kuya na gusot ang mukha. "Takte 'tong Ash na 'to. Nawawala nang hindi nagsasabi? Mabubugbog ko 'to."
Nag-dial uli si Kuya ng number. "Tawagan ko si JT."
Hindi ako makapaniwala na kahit si Kuya, hindi sinabihan ni Ash kung saan siya pupunta. Sumulyap ako kay Dad na seryoso lang sa pagkakaupo.
I'm starting to really hate him for everything. # 0942g / 05232016
BINABASA MO ANG
Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)
Genç Kız EdebiyatıI fell in love. An unimaginably naive and crazy love. These were the days I tried to forget. - Helga Lastimosa