Day 1821 : Always

7.6K 325 18
                                    

Always 
-----

Lumabas si Ash ng bathroom na halos nasa tainga pa 'yung phone niya. Naka-white coat pa siya galing sa lab duties at meeting niya na dapat ay wala na. Kahapon, nakapag-turnover na siya ng workload. Pero kaninang umaga, after naming mag-breakfast, tinawagan siya sa lab para sa meeting. Halos tapos na naman 'yung araw at kauuwi niya pa lang.

"Si Kuya uli kausap mo? O sa lab?" tanong ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at inabot 'yung sweatshirt na pamalit niya. Tapos, tinulungan ko siyang magtanggal ng coat. 

"Si Harry. Ang kulit e," natatawang sabi niya. 

"Ano'ng pinag-usapan n'yo?" tanong ko sa kanya habang pinapagpag 'yung coat bago i-hanger. Nakalingon talaga ako para makita ko siya kapag hinubad na niya 'yung long-sleeve niya.

Tatawa-tawa siya as if alam niya 'yung inaabangan ko. "Ano'ng tinitingin mo?" 

Umirap ako. "Ano? Para nakatingin lang a! Kung makangisi ka a!"

Feeling ko, mas binagalan niya 'yung pagtatanggal ng butones ng long-sleeve niya. "Gusto mo, tulungan —"

Humagis sa tagiliran ko 'yung long-sleeve na mabilis niyang nahubad. Naghabol naman tuloy ako para sumalo. At pagbalik ng tingin ko sa kanya, ibinababa na niya sa sikmura niya 'yung sweatshirt. 

Napasimangot ako. Ang damot talaga nito kahit kailan! Kung ayaw niya palang panoorin ko siyang magbihis, dapat doon siya sa loob ng banyo. Paasa rin talaga e.

"Ano? Bakit ka naka-pout?" natatawang untag niya sa 'kin.

Umirap ako. Ugh! He's in a playful mood! Tapos, talo na agad ako!

Inilagay ko sa hamper 'yung long-sleeve niya at tumalikod. "Magluluto na lang ako."

"Okay. What's for dinner?" 

" 'Yung ego mo," sabi ko at umirap.

Tumawa lang siya sa 'kin. 

***

Nagpapa-simmer na lang ako nang beef stew na niluluto ko para sa hapunan nang magkalikot ako ng facebook. Since, nakapag-usap na si Kuya at si Ash, safe na uli ako mag-post nang hindi hinahabol ng emote ni Kuya. 

Pinalitan ko 'yung cover photo ko ng in-edit kong image : Always for A.M ang nakalagay. Tapos, tumabi ako kay Ash na nasa couch at nagba-browse din sa cellphone niya. 

"Tingnan mo 'yung bago kong cover pic," sabi ko sa kanya at ipinakita 'yung phone ko. 

Sa mukha niya 'ko nakabantay habang tinitingnan niya 'yung cover pic ko. 

At grabe! Wala na naman akong makita sa mukha niya! Master talaga ng poker face 'to! Parang 'di man lang kinilig kahit kaunti!

"Ang dami agad nag-like a," sabi niya.

Nag-pout ako at humalukipkip sa tabi niya. Hindi naman niya 'ko pinansin.

" 'Yung cover photo mo, luma na 'yun. Past is past pa nakalagay. Palitan mo na!" sabi ko.

"Okay pa naman a," sabi lang niya na sumulyap sa 'kin.

Lalong humaba 'yung nguso ko. "Pangit na. Palitan mo," giit ko.

"Okay. Hahanap ako ng ipapalit."

"Bakit hahanap ka pa?" busangot na tanong ko sa kanya.

Pero hindi niya 'ko pinansin. Panay browse lang siya sa cellphone niya. Hindi naman ako makasilip dahil pinanganagtawnan kong nagmamaktol ako. No'ng hindi na 'ko makatiis, umahon ako sa pagkakasandal ko sa couch at dumikit sa kanya. 

"Ano'ng ipinalit mo?" tanong ko.

"Magandang babae," kaswal na sabi niya sa 'kin.

"Ano?! Patingin!" angal ko at hinawakan 'yung pulsuhan niya para makita ko 'yung ginagawa niya sa phone.

Nakita ko agad 'yung cover photo niyang bago. Black image. Naka-all caps 'yung words na ALWAYS FOR MHL. Matagal akong tumitig sa photo at sa paglitaw ng mga likes doon.

"Okay na po ba, mahal ko?" tanong niya at pinisil 'yung ilong ko bago tumawa. 

"Ewan ko sayo, Millari!" sabi ko at tumayo para sa walk-out. Pero hinawakan niya 'yung kamay ko at hinila ako paupo sa kandungan niya.

"Tantrums agad!" sabi niya at niyakap ako. 

Umangil lang ako at sinubukang pumiksi pero hindi ko mabaklas 'yung braso niya. Ipinatong ko 'yung baba ko sa balikat niya. "May lakad ka uli bukas?"

"Magkasama kami bukas ni Marcus. May aasikasuhin sandali," sabi niya.

Sumitsit ako. "May lakad na naman. Maiiwan na naman kami ni bestie."

Mahina lang siyang tumawa. "I'm sorry. Hindi naman namin agad maiiwan 'yung mga naka-schedule nang conferences at duties sa University. Lalo na si Marcus. Nag-advance ng units 'yun."

Hindi ako umimik.

"Ilang taon na lang naman," sabi niya.

"Ang haba kaya ng neurosurgery," sabi ko.

"Kaya kailangan nating maging matiyaga sa paghihintay."

Umangil uli ako.

"Basta kahit na ano'ng ginagawa ko, I'm for you. Always. So, wait with me for our someday."

Humiwalay ako ng yakap sa kanya at sinapo 'yung mukha niya. Tapos, hinila ko 'yung magkabilang pisngi niya na parang rubber. 

"Pasalamat ka, mahal kita," sabi ko sa kanya bago bitawan ang pisngi niya. "Basta 'wag mo 'kong gawing uugod-ugod bago ka makatapos ng neurosurgery."

"Mag-a-advance na rin ako ng units next year para bumilis."

Tumayo ako at naglakad pabalik sa kusina. "Magdadala ba tayo ng pagkain kina Marcus o..."

" 'Wag na. Sosolohin no'n si Jenessy. Tapos, sosolohin mo 'ko," pabirong sabi niya at mahinang tumawa.

Sumimangot ako at lumingon para umirap. "Ang yabang mo!"

Ngumisi lang siya sa 'kin at kumindat. "Bilis na, Miss. Para masolo mo 'ko."

Nailing na lang ako. Sosolohin ko raw siya e lagi nga niya 'kong pinapauwi sa apartment namin ni bestie, lalo na 'pag sobra na kami sa cuddling. Parehas sila ni Marcus. Magiging sobrang sweet tapos bigla kaming pauuwiin.

'Solo pa more. Tuksuhin kita e. Tss.' # 0756g / 06082016

Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon