Day 314 : Last Saturday

7.4K 365 69
                                    

Last Saturday
-----

Kumaway ako pagkakita ko sa parating na kotse ni Ash sa driveway sa likod ng mall. Tumigil sa harap ko ang kotse at bumukas ang pinto sa passenger's seat.

"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko agad sa kanya habang nagsusuot ng seatbelt.

"Someplace you'll surely like," sabi niya sa 'kin at ngumiti. 

"Nag-lunch ka na?" tanong ko. 

Sa labas kami nag-lunch ng pamilya para sa pag-alis ni Kuya bukas to Stanford University. After ng lunch, pupunta dapat kami sa mga Tito at Tita namin sa Pampanga pero nagdahilan akong masama ang pakiramdam. Ihinatid na 'ko ng driver pabalik sa bahay. Tumakas lang uli ako para sa date namin ni Ash.

"Hindi pa. Walang tao sa bahay, e. Nag-take out na lang ako ng pagkain sa nadaanan ko," sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Wala na agad tao sa bahay n'yo e may party pa lang sa inyo kahapon?"

Napangiti lang si Ash. "Gano'n talaga sa bahay namin. I told you before, 'di ba? Everyone's minding their own life. Hindi nagpapakialaman. Hindi gaya sa family mo."

Nag-pout naman ako at umirap sa kawalan. I didn't know kung alin ang mas worst sa family namin -  'yung sa kanila na sobrang luwag o sa amin na sobrang higpit. 

"Sobra namang makialam," sabi ko. Nakaalala na naman ako ng mga salitang masama sa loob.

Mahina siyang tumawa at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute talaga ng brat ko."

Kinuha ko 'yung kamay niya sa pisngi ko at hinawakan. Napabuntong-hininga ako no'ng magsalabid na ang mga daliri namin. Tumungo ako sa kandungan ko. 

"I miss you..." bulong ko. "Akala ko, forever na 'kong walang gadget. Akala ko pa, kukunan na 'ko ng bodyguard ni Daddy. Naisip pa nga nilang i-transfer ako ng school. Buti na lang, ipinagtanggol ako ni Kuya. Ang O.A. talaga."

Hinatak niya ang magkahawak na kamay namin hanggang sa nakahilig na 'ko sa kanya. 

"I miss you more," sabi lang niya na lumingon sandali sa 'kin.

Hindi na 'ko nagsalita at humilig na lang sa kanya. I wouldn't want to spoil today. Kakalimutan ko na lang muna kung gaano kahirap kausap ang Mommy at Daddy ko. 

***

Sa Makiling Botanic Garden kami nagtuloy. Ang laki ng ngiti ko kay Ash no'ng nag-park na siya. 

"Dito talaga tayo?" tanong ko sa kanya.

Mahina siyang natawa sa 'kin habang pinapatay ang makina ng kotse. " 'Yung ngiti mo talaga e..."

"Bakit?" ani ko at naunang bumaba ng kotse. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kahit na nasa bungad pa lang kami ng forest reserve ng Mount Makiling, kitang-kita na ang kapal ng kabundukan. Nagtataasan ang mga puno. At napakaraming halaman. 

Pumikit ako at huminga nang malalim. Lumingon ako kay Ash nang marinig ko ang paglabas niya ng kotse. 

"Tara na!" aya ko sa kanya.

Nakangiti lang siya sa 'kin na parang hindi makapaniwala. "Magbabayad pa tayo ng entrance. At kakain pa ako."

Nabawasan ang ngiti ko. Oo nga pala. Kakain pa siya. Baka gutom na siya, kawawa naman. 

"Bilisan natin!" sabi ko at humawak sa braso niya para makadikit. Nagdahilan agad ako, in case na sisitahin niya 'ko at padidistansiyahin. "Padikit. Malamig e. Naka-sleeveless ako."

Hindi siya nagkomento. Bitbit ang ilang ecobags ng mga take-out na pagkain at inumin ay lumakad lang kami papasok sa arko na nag-aanunsyo ng pangalan ng lugar. Dumiretso kami sa reception at nagbayad ng entrance fee. May recreation area sa Botanic Garden kung saan may hanay ng mga mesang kainan kasama ng pavilion at fountain. Naupo kami sa isa sa mga 'yun.

Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon