Day 1051 : Letting Go

7.1K 307 19
                                    

Letting Go
-----

"Papunta ka na ng airport, bunso?" tanong ni Kuya na kausap ko sa cellphone.

I was sitting on my bed. Nakahanda na ang maleta ko sa pinto ng kuwarto. Bihis na rin ako. Today's my flight to California.

"Yes, Kuya."

"Ihahatid ka ni Dad?" tanong niya pa.

"Hindi na. Pinagtalunan na namin kagabi. Magta-taxi lang ako," sagot ko.

Dinig ko ang buntong-hininga ni Kuya sa linya. Napu-frustrate na siguro siya sa amin nina Mommy at Daddy. Pero ano'ng gagawin ko? Kung hindi laging ipinipilit nina Mom at Dad ang gusto nila, hindi naman ako magmamatigas hanggang sa maliliit na bagay.

"Nagpaalam ka ba nang maayos kay Mommy? Alam niya ang tutuluyan mo sa Davis?"

"Sinabi ko naman kahit kay Dad. Alam nilang sa bahay ni Prof. ako tutuloy pansamantala."

"Tapos?"

"Bahala raw ako."

Bumuntong-hininga uli si Kuya. "Hindi n'yo ba aayusin 'yan bago ka umalis? It's been two years, bunso. Walang nagba-back down sa inyo ni Dad."

Hindi na lang ako umimik. Naiiyak na naman kasi ako.

Two years na mula nang umalis si Ash nang walang pasabi. Graduate na 'ko ng BS Biology kahapon. Last December pa, na-receive ko ang approval galing sa University of California Davis para doon magtuloy ng Masteral. Wala kaming bahay sa California pero si Professor Alejar, mayro'n. Gusto niya 'kong tulungan kaya roon ako tutuloy.

Si Kuya, sa Stanford University nag-aaral ng Medicine. Dahil wala siya, sa loob ng dalawang taon ay mas naging madali sa amin sa bahay ang hindi magkibuan. I couldn't handle talking to Dad or listening to him. He couldn't handle me, too. Si Mommy, napagod na ring mamagitan. Hindi ko rin naman itinatago na galit ako.

Galit ako sa kanila, sa sarili ko at kay Ash.

Lalo na kay Ash. 

Wala na akong narinig mula sa kanya mula nang umalis siya. Nahiya na 'kong magtanong sa parents niya at sa mga kapatid na ang hirap hagilapin. Ang nakarating sa 'king balita mula sa mga naging classmates nila, sa abroad siya nag-Medicine. Pero hindi rin nila alam kung saang school. Hindi pa siya nakikita uli nina Kuya, JT o Marcus kahit hinahanap siya. Galit na galit na rin si Kuya.

For two years, I waited for Ash. Everyday. Every moment. I was waiting, looking, for a sign. Everyday, I asked myself kung bibitaw na ba 'ko? Kakapit pa ba? Maghihintay? Tatalikod? Lilimot?

Pagod na 'kong magalit, maghintay at masaktan. I was thinking to start anew once I get to Davis. Sarili ko na lang muna ang iisipin ko, pag-aaral ko at future ko. 

"Bunso?" untag ni Kuya.

"I talked to Dad, Kuya. Sinabi kong magbo-botany ako. Gusto pa rin niya na mag-Med ako but we came to an agreement. Wala na rin naman siyang magagawa dahil accepted na 'ko sa Davis. Sinabi ko na rin sa kanya na hindi niya kailangang suportahan financially 'yung pagbo-botany ko."

"Okay lang 'yun. May pera naman ako para sayo."

"Oo naman. Uubusin ko ang pera mo, Kuya!" sabi ko at nameke ng tawa.

Natahimik kami. Sabay pa kaming nagbuga ng hangin ni Kuya.

" 'Nga pala..." simula ni Kuya.

"Ano?"

"Si Ash —"

"Stop it, Kuya," una ko agad habang nanlalamig ang katawan ko.

"Stop agad? Sigurado ka? Two words pa lang 'yun," sabi niya.

"Sigurado ako. I don't want to hear about him..."

Natahimik uli kami.

"Kung kaharap ko siya... ano'ng gusto mong gawin ko sa kanya?" tanong ni Kuya.

Napalunok ako. Napailing din. Imposible 'yun. Sa sobrang galing ng pagtatago ni Ash sa loob ng dalawang taon, basta na lang ba siyang magpapakita kay Kuya?

"Bugbugin mo," sabi ko.

"Totoo? Bubugbugin ko?" parang may halong biro na tanong ni Kuya.

"Oo. 'Yung bugbog talaga a," bilin ko pa.

Dumaan na naman ang katahimikan.

"I have to go, Kuya. Balitaan kita agad kapag nasa Davis na 'ko," sabi ko sa kanya. 

"Teka..."

"Oh?"

"May red rose ba diyan sa kuwarto mo ngayon?"

"Huh?" I found the question absurd pero luminga ako sa kwarto ko. May isang tangkay nga ng full-bloom red rose sa vase sa side table ko. "Mayro'n. Bakit?"

"Buti naman. Pinalalagay ko 'yan kay Mommy," sabi ni Kuya.

Ngumiti ako. "Sus. May pa-rose ka pa. Thank you, Kuya. I have to go."

"Okay. Ingat sa biyahe. Sabihan mo 'ko agad 'pag nasa Davis ka na. Pupunta ako sayo."

"Okay. Bye! Love you!"

"I love you, bunso. Ingat."

Nang maibaba ko ang cellphone ay bumalik ang tingin ko sa bulaklak sa vase. May nakabiting maliit na card do'n. Tumayo ako at lumapit. Inabot ko ang card para basahin pero blangko lang 'yun.

"Parang sira 'to si Kuya. Nagbigay na ng rose, hindi pa nilagyan ng matinong message," bulong ko. 

Uupo sana uli ako sa kama ko pero naalala ko... Hindi ba at parang lagi namang may rose sa kwarto ko na hindi ko pinapansin? Lagi rin bang may card ang mga 'yun? 

Gusto kong magtanong kay Mommy pero tinawag na 'ko ni Manang Patring. Nasa labas na raw 'yung taxi ko.

Bumuntong-hininga ako at inilibot ang paningin sa kuwarto. Will I miss this room? O hindi? Nakaupo sa sulok ng kama ko si Snoopy. A dull, familiar pain clutched on my chest.

Mahirap kalimutan si Ash dahil nandito ako sa bahay. Nakikita ko 'yung mga lugar kung saan kami may memories. Naririnig ko 'yung mga bagay na nakakapagpaalala sa 'kin sa kanya. Hopefully, pagdating ko sa Davis, makakawala na 'ko sa aming dalawa.

I will forget him once and for all. # 0358pm / 05262016 

Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon