Chills
-----Martes. Nagising akong mabigat ang katawan. Hindi ko namalayan na nakatulog ako agad kagabi pagpasok ko sa kwarto. I checked my temperature and confirmed that I have a slight fever.
Kainis. Walang pwedeng makahalata nito. Ngayong araw kami pupunta sa resthouse na nabili ng daddy ni Marcus sa Pangasinan. Sayang 'yung chance na makasama si Ash kapag nalaman dito sa bahay na maysakit ako.
Mabilis akong naghanda ng sarili habang hindi pa masyadong mainit 'yung balat ko. Uminom ako ng paracetamol na nasa drawer ko. I wore a loose shirt but I have a cotton undershirt. Nag-pants din ako. Nagchi-chills kasi ako kapag lalagnatin and no number of blankets could make me feel better. I cheated my color using a colored lipbalm and applied some blush-on. Light lang kasi namumutla na 'ko.
Nag-fake ako ng energy nang lumabas ng kuwarto dala 'yung backpack ko. Nagbi-breakfast na sila Mommy, Daddy at Kuya. I kissed Mom and Dad good morning. Dampi lang para hindi maramdaman 'yung init ng balat ko. I kissed Kuya sa cheeks bago ako naupo sa tabi niya. Napakunot pa 'yung noo niya sa 'kin pagdikit ko sa kanya pero wala naman siyang sinabi.
"How long are you going to be there?" tanong ni Dad. Nagko-coffee siya.
"Two days lang, Dad. We'll be back on Thursday," sagot ni Kuya.
"Kasama n'yo rin sina Jeric at Ash?" tanong ni Mommy. Nakangiti.
Tumahimik lang ako sa pagsubo. Ayaw kasi nila kapag excited ako kay Ash. Nagagalit.
"Yes, Mommy. Kasama rin namin si Jenjen. Ipapakilala siya ni honey kay Tito Lorenz."
Nanahimik sa hapag. Nahihirapan akong kainin yung brown rice kasi hindi ko malasahan.
Bumuntong-hininga si Mommy. "Nililigawan ni Marcus si Jenessy, right?"
"Yes, Mom."
"Are they okay? Hindi ba naaapektuhan ang studies nila? Marcus has his thesis. And Jenessy..." dagdag ni Mommy.
Naiinis ako. Iniisip agad nila na kapag mag-i-entertain ng relasyon, makakasira agad sa studies por que mahirap mag-medicine.
"Naku po, Mommy. Si Marcus honey pa? Inspired lagi mag-aral 'yun dahil kay Jenjen. Parang Dean 'yung si Jenessy e."
"He's visiting her during weekends, 'di ba, baby?" untag sa 'kin ni Mommy.
"Yes po, Mommy. They study together," proud na sabi ko. "Unstoppable 'yun si bestie, 'My. Magdodoktor 'yun e."
Ngumiti lang si Mommy pero 'di ko mabasa sa mukha kung anong opinyon niya. Sa bahay kasi, it's either they are supportive of what's happening or not in favor. Black or white lang lagi.
"Ikumusta n'yo ako kay Lorenz pagdating n'yo roon. Dalhin n'yo rin 'yung isang bote ng wine natin para sa pamilya," sabi ni Daddy.
"Yes, Dad," sagot ni Kuya.
That concluded our breakfast. Nauna pang umalis sa 'min sina Mom at Dad para sa duty sa ospital.
Nahihilo na ako at mabigat ang hakbang nang sumakay kami ni Kuya sa unahan ng van na gagamitin namin to Pangasinan. Sila bestie, Ash at Jeric, sa bahay na nila Marcus namin dadaanan.
Nag-text agad ako kay bestie na magdala ng kumot kasi tumataas 'yung temperature ko at nagsisimula na 'kong lamigin.
"May sakit ka?" untag sa 'kin ni Kuya.
Kinabahan agad ako. "Sasama ako sa Pangasi —"
Pinitik ni Kuya 'yung ilong ko kaya napatigil ako sa pagsasalita. "Ang tinis ng boses mo, baby. Alam kong pabebe ka at walang makakapigil sayong pumaraan kaya Ash kaya hindi ako nagsalita kanina kaharap sina Mommy at Daddy. Nagtatanong lang ako kung may sakit ka talaga."
BINABASA MO ANG
Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)
ChickLitI fell in love. An unimaginably naive and crazy love. These were the days I tried to forget. - Helga Lastimosa