Dance without music
-----"I see you. Don't move from there," sabi ni Ash sa phone.
"What -"
Napahinga ako nang malalim dahil sa narinig ko. Napalingon kay Ash na palapit. Lalong pumatak 'yung luha ko dahil sa titig niya sa 'kin.
Nakatayo ako sa hanay ng malalaking puno malapit sa parking space ng hotel. Doon ako dinala ng mga paa ko at nang pag-iyak. I'm sure by now, I ruined my make-up. Bakit niya pa 'ko hinanap at sinundan? Pagagalitan niya ba 'ko?
As he got closer, I wanted to run away. Para hindi niya ko makitang parang tangang umiiyak.
"Wag kang hahakbang kahit na isa, Helga. Wait for me."
Hindi nga ako makahakbang kahit gusto ko. Dahil lang sinabi niya. Hawak ko lang 'yung phone sa tainga ko at nakatingin sa kanya habang panay ang patak ng luha. Gosh, this was so annoying. Why do I take heed of his words?
"I have my eyes on you."
He's right. He was staring at me bluntly habang malalaki ang hakbang. Why is it that he doesn't look like he's mad anymore?
"Ash..." halos bulong ko.
He hurriedly walked towards me and stopped when he was but a meter away. Napatingin ako sa box at sa camera na bitbit niya sa iisang kamay.
"Why... What are those you're... holding?"
Bumuntong-hininga siya sa halip na sagutin ang tanong ko. Tumitig sa 'kin na halos mapaatras ako.
"Makulit."
Naumid ang dila ko sa mababang tono ng boses niya. What is happening? Bakit hindi siya masungit o galit o scolding? Pagagalitan niya 'ko, 'di ba?
Suminghot ako. Nagpahid ng luha.
"What am I going to do with you, Helga?" Ash asked me in a way that made my knees shook.
Ano ba'ng pinag-uusapan namin? Bakit niya ko sinundan?
"W-what -"
Sa halip na patapusin ako sa sinasabi ko, nagulat ako nang bigla niyang tawirin ang distansiya namin at umangat ang paa ko sa lupa. Napatili ako at napakapit sa batok niya. Sumubsob ako sa sulok ng leeg niya.
Hindi mahabol ng hininga ko ang lakas ng pintig ng puso ko.
"Ash..."
He was not saying anything. Nagsimula lang siyang lumakad... papunta sa parking?
"Hoy, Ashton!"
He hushed me.
Napalunok ako.
"Kumapit ka nang maayos sa 'kin," sabi niya.
Hinigpitan ko ang yakap sa leeg at balikat niya. Isinubsob ko ang mukha ko sa balat niya. Nang subukan ko uling huminga nang malalim, naamoy ko ang pabango niya. He smelled of musk and something kissable. Nakalimutan kong umiiyak ako dapat.
Gosh. Pa'no ako aarte nito? He was so near me. I could feel the heat of his skin. I could feel the rise and fall of his chest as he walked. I could feel his body flexing and relaxing as he carried me.
Naliliyo ako.
"Ibaba mo 'ko..." sabi ko kahit ayaw ko naman.
Nagpatuloy lang siya sa paglakad.
"Ibaba mo sabi 'ko! Sa'n mo 'ko dadalhin?"
" 'Wag kang maingay. Just hold on to me."
Lumiko siya palapit sa isang kotse. Pero ibinaba lang niya ang camera at buhat-buhat pa rin akong dinala sa gitna ng parking.
BINABASA MO ANG
Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)
ChickLitI fell in love. An unimaginably naive and crazy love. These were the days I tried to forget. - Helga Lastimosa