Saturday flowers
-----"Malapit na kami. Ilang liko na lang. Nasa mall ka na?" tanong ni Kuya Harry. Sigurado akong si Ash ang kausap niya sa earpiece niya.
Nakahinto ang sasakyan namin sa traffic. Pero malapit na kami. By estimate, we will be five minutes early for the 2 PM date.
"Ito na nga. Binabagalan ko ang pag-drive para maatat ka lalo." Humalakhak si Kuya. Paglingon niya sa 'kin, pinitik niya 'ko nang mahina sa ilong.
Sumimangot ako. Ang laki siguro ng mata ko sa panonood sa kanya kaya may pitik.
"Ang daming sinasabi" - he hissed- "Kabado, dude? O kinikilig nang labis?" Humalakhak uli siya. "Green light na. Text ako 'pag nasa mall na kami. Sa coffee shop ka na lang maghintay. Magpipirmahan pa tayo ng waiver."
Nag-pout ako sa narinig ko. O.A talaga 'to si Kuya Harry madalas.
"Seryoso nga. May waiver at iba pang papel akong papipirmahan sayo. Dissection agreement in case of emergency. May kasamang donation contract. Para mainit-init pa ang pagdo-donate ng internal organs mo sa ngalan ng Medicine kapag natanggal ko." Halakhak. " 'Ge, labs. Later."
Mabilis na nagmaniobra si Kuya nang magsimula nang bumusina yung ilang sasakyan sa likod. Naglumikot naman sa paglipad 'yung mga paru-paro sa tiyan ko nang matanaw na namin ang Mall of Asia.
"Behave ka, baby a. 'Wag mong tuksuhin si Ash, marupok 'yun," sabi ni Kuya sa himig pabiro.
Nag-pout ako at nagrolyo ng mata sa sinabi niya. Even though he sounded like he was joking, I knew he meant what he just said.
"Ano naman kayang itutukso ko ro'n? Duh. Manonood lang kaming movies at kakain."
Tumawa nang mahina si Kuya. "Basta after this a... stop na sa hunger strike. At 'wag mo nang pakunsumisyunin sina Mommy sa kamote mong grades. Don't think for a second that I'm not aware of what you are actually doing."
"Hala. Ano ba'ng ginagawa ko?"
Lumingon sandali sa 'kin si Kuya habang naghahanap ng parking space. "I'm helping out dahil may tiwala ako sa inyo pareho ni Ash. 'Wag sayangin a."
Ngumiti ako kay Kuya at tumango. Pinatay niya ang makina. Tapos, tinitigan niya ang mukha ko.
"Kapalan mo pa lipgloss mo. Pi-picture-an ko yan. Dapat walang bangas hanggang mamaya."
"Ang O.A. mo na talaga, Kuya. Mababawasan talaga ang lipgloss kapag kumain kami!" reklamo ko.
Tumawa lang siya uli, ikinulong sa palad niya ang mukha ko at nag-squeeze. "Cute-cute ng baby sister ko. Magdi-date na siya tapos iiwan ako. May peace on Earth na!"
Siningkitan ko siya ng mata. Ayoko talaga 'pag pinagmumukha niya 'kong isda sa pamamagitan ng pagpisat.
"Iuwi na lang kita uli. Baka itanan ka ni Ash, e." Nag-baby talk pa sa 'kin.
"Ano ba, Kuya!" sita ko sa kanya.
Binitawan niya 'ko. "First date mo. 'Wag mong masyadong tsansingan si Ash, baka tsansingan ka rin. Mada-dissect siya."
Nakitawa ako sa kanya. "Text mo na. Sayang time, Kuya! Kagabi ka pa nagbibilin."
Umiling lang siya sa 'kin na parang in disbelief.
"Tara. Puntahan na natin. Nasa coffee shop na 'yun," sabi ni Kuya.
Bumaba kami ng kotse.
***
In fairness kay Kuya, totoo 'yung waiver. So, talagang O.A. siya. Nakakatawa sila panoorin ni Ash na magpirmahan ng papel. Seryoso talaga sila habang 'yung kaba at excitement ko, naghahalo naman.
BINABASA MO ANG
Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)
Romanzi rosa / ChickLitI fell in love. An unimaginably naive and crazy love. These were the days I tried to forget. - Helga Lastimosa