"Stella!" sigaw ni Carlos habang sinusundan si Stella.
Nagmamadali naman si Stella sa paglalakad upang iligaw ang lalaki sa barko ngunit sa sobrang pagkalito ay maling daan ang pinuntahan niya dahil papunta pala ito sa deck at wala ng ibang daan.
"Stella, sandali lang." sabi ni Carlos ng maabutan na si Stella.
"Hindi kita kilala. Wag kang lalapit!" Madiin na sabi ni Stella.
"Kahit saglit lang. Pakinggan mo lang ako." Sasagot na sana si Stella ng makarinig sila ng sigawan ng nagkakagulo na tao.
"Ano iyon?" pababa na sana sila ng makasalubong nila ang mga nagpapanic na tao.
"Lulubog na ang barko!" Sabi ng mga tao. Nagkanya kanyang paraan na ang mga tao kung paano nila ililigtas ang mga sarili.
Hindi sapat ang mga lifevests at speedboat para sa mga tao kaya ang maaagap na tao lang ang mga nakakuha noon.
Kanina pa nila hawwak ang kamay ng isa't isa simula ng magkagulo. Hila hila ni Carlos si Stella para makahanap ng paraan upang makaligtas sila ngunit iisa nalang ang nakita nilang lifevest.
"Sige na Stella isuot mo na ito." Pagpupumilit ni Carlos ngunit ayaw ni Stella dahil may pumipigil sa kanyang kalooban na pabayaan ang lalaki.
"Paano ka?"
"Ayos lang ako. Sige na tumalon ka na diyan at makisakay sa speedboat."
"Hindi ako papayag."
Mabilis ang paglubog ng barko at alam ni Carlos na matigas ang ulo ni Stella kaya yinakap niya na ito at sabay na tumalon sa dagat.
Pagkaahon nila ng kanilang ulo bibitaw na sana si Carlos upang lumutang si Stella ngunit minamalas yata talaga sila at na butas ang lifevest na suot ni Stella.
"Kumapit ka lang sa akin." Bilin ni Carlos habang pasan si Stella sa likod niya dahil tandang tanda niyang hindi ito sanay lumangoy.
Lumangoy si Carlos upang maghanap ng kahit na ano upang makapitan nila para hindi lumubog dahil wala siyang matanaw na kahit na ano na malapit na lupain na maari nilang maahunan.
Pinilukat na si Carlos kaya unti unti na silang lumulubog. Nahihirapan pa siyang makakuha ng hangin dahil pasan pasan niya sa likod si Stella.
Ngunit hindi pa rin niya binitawan si Stella. Pilit pa rin siyang gumagawa ng paraan para iligtas ito. Subalit hindi talaga sang-ayon sa kanila ang panahon parehas na silang nauubusan ng oxygen.
"I remember everything you forgot." pabulong na sabi ni Carlos na tila nahihirapan na habang hawak niya ang mukha ni Stella gamit ang isa niyang kamay.
"C-carlos.." mahinang sabi ni Stella habang unti-unting pumapatak ang kanyang luha.
"A-nd if ever I have a ch-chance, I will do eve-rything to remind you about u-us." Kahit na nahihirapan na sa pagsasalita ay pinilit pa rin niyang ngumiti. Isang ngiti na nagpapakita ng sensiridad niya sa kanyang sinabi.
"So-someday.. we will have that chance." Sagot ni Stella ng may konting ngiti at dahan dahan siyang pumikit.
"Someday.. we will meet again my Stella." Nakangiti ring sagot ni Carlos at kagaya ni Stella ay pumikit na din.
BINABASA MO ANG
Addicted To A Memory (McRis FanFiction)
RandomMariestella Racal is a book lover. She loves to read romance novels. A hopeless romantic she is. She falls in love with a fictional character. Yes it's normal for readers but what if that fictional character become real? Read the story to find out. ...