Chapter 3

223 10 2
                                    

Busy na kami sa pagrereview dahil finals na namin this week at effective ito na way para makalimutan ko ang tungkol kay Carlos.

Tuwing may exam ay naggrogroup study kaming tatlo nila Loisa at Jane, close friend din namin. Every night ay nagoovernight kami sa bahay ng isa't isa.

Nung monday kila Jane kami tapos nung tuesday kila Loisa naman kaya ngayong gabi sa amin kami magoovernight.

Buti na nga lang hindi gaanong nagsabay sabay magpaexam yung mga prof namin. 2 to 3 subjects lang per day kaya medyo na babalanse pa namin.

"Maris paturo naman kami dito sa moment forces." Sabi ni Loisa.

"Oo nga kasi naman yung dalawang unang lesson lang talaga naintindihan ko ng ayos." Segunda ni Jane.

"Sige. Wait lang tatapusin ko lang itong problem 5." Sagot ko habang sinosolve yung final answer.

"Okay na. Sige di ba dito sa problem 1. Nagmoment tayo dito sa A kaya equals yung B sa 5 Newtons tapos clockwise yung assume direction ko kaya positive." Pag-eexplain ko sa kanila ni Jane. Buti nalang nagegets nila ka agad.

"Bakit nung ikaw yung nagexplain mas naintindihan ko?" Reklamo ni Jane.

"Tama ka dyan Janey. Nako may shortcut naman pala yung pag-aanalyze doon. Pinahirapan lang natin yung sarili natin." Sang-ayon ni Loisa.

"Maris." Katok ni kuya sa kwarto ko.

"Bakit? Pasok ka kuya." Sagot ko.

"Baka kasi gusto niyo ng snacks. May inayos kasi si manang na snacks bago umalis."

"Savior ka kuya. Kailangan muna namin ng break from this." Sabi ni Jane na tuwang tuwa na lumapit sa pagkain.

"Oo nga. Buti nalang tapos na itong Statics." Sabi naman ni Loisa at kumuha na din ng pagkain.

Tumayo na rin ako sa kama at nakigulo sa pagkain. Buti nalang gumawa si manang ng clubhouse kundi magugutom kami o kaya magtyatyaga kami sa chichirya.

"Loichi lychee dahan dahan sa pagkain parang uubusan ha." Pang-aasar ni kuya kay Loisa.

"Grabe ka. Hindi ako PG!"

"Hindi daw. May kinakain ka pang isang cubhouse tapos hawak mo na ka agad yang isa." Pagpuna ni kuya.

Pinagtatawanan na lang namin sila ni Jane. Iyan talaga hobby ni kuya ang asarin kaming tatlo at mukhang si Loisa ang target niya ngayon.

"Bakit ba ako nakikita mo ngayon? Ayan si Jane o! Wag ako, stress ako." Reklamo ni Loisa.

"Nako wag ako. Si Loisa nalang talaga." Pagtanggi din Jane.

"Kuya doon ka na nga. Di ba busy ka din sa finals niyo?" Pananaway ko kay kuya.

"Tapos na ko magreview. Ewan ko ba kasi sa inyong tatlo kanina pa kayo nagrereview isang subject palang natatapos niyo."

"Kasi inaaral talaga naming mabuti." Sagot ko.

"Inaaral. Wag niyo nga akong pinaglolokong tatlo. Bukod kasi sa pagrereview nagkwekwentuhan pa kayo. Mga babae talaga." Hinaing ni Kuya Yves habang tinutulak ko na siya palabas ng kwarto ko.

"Matulog na din kayo mamayang 12 a. Hindi maganda ang sobrang puyat. Good night!" Paalam ni kuya.

* *

Bukas ang last day namin ngayong hell week bago magsembreak pero 'yon ang pinakamahirap dahil hindi written ang exam namin dito kundi performance sa minor subject namin na Rizal.

Haggard na kaming lahat dahil ngayon palang namin gagawin ang props at nagfafinalize na rin kami ng mga gagawin.

"Hala sino bibili ng props? Hindi ako pwede nagpatawag si Sir Fernando ng emergency meeting para iupdate siya sa gagawin ng bawat group." Sabi ni Jane dahil halos lahat ay busy sa kanya kanyang gawain.

Addicted To A Memory (McRis FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon