Chapter 6

210 6 2
                                    

Patulog na ko ng may tumawag sa cellphone ko. Nang tingnan ko ay si Loisa pala, hindi na naman siguro ito makatulog kaya makikipagkwentuhan muna sa akin.

(Bold letters ay si Loisa ang nagsasalita while italicized are for Maris)

"Hi Mars! Buti gising ka pa."

"Oo nga pero patulog na ko, di ka na naman makatulog no?"

"Oo, kabisado mo na talaga ko. Buti nalang nandiyan ka. May chance na makakatulog na ko." Sabi niya na halatang thankful at gising pa ko.

"Kamusta ba lakad mo kanina?" Pagtatanong ko ng malinbang na siya.

"Ayos naman, buti nalang masasarap yung pagkain at hindi ako nabored. Puro bata at parents kasi nandoon konti lang mga teens kaya wala akong makausap." Paghihimutok ni Loisa.

"Namiss mo kami ni Jane no?" Pang-aasar ko.

"Oo kung pwede nga lang sinama ko na kayo ni Jane o kaya hindi na ko sinama nila mama." Tinawanan ko nalang siya bilang sagot.

"Ikaw ba saan ka pumunta after? O umuwi ka na din kaagad?" Tanong niya.

"Dapat uuwi na ko kaso nadaan ako doon sa coffee shop na lagi nating pinupuntahan ayun nagstay muna ko doon. Grabe Loi, pinagtagpo na naman kami ni Mccoy."

"Talaga? Paano kayo nagkita ulit?"

"Nakishare siya ng table tapos ayun nagkagulatan pa nga kami pero ang bait niya talaga nagkwentuhan lang kami inabot na nga kami ng 6 pm."

"Grabeng kwentuhan 'yon a. Infairness sa strangers talk ang tagal noon. Buti nagkasundo kayo, hindi ka naman ba mukhang creepy na kilig na kilig?"

"Hindi a. Noong una kinakabahan ako na kinikilig pero ewan ko ba may something talaga sa kanya na naging comfortable ako kaya tumagal ng ganoon yung usapan namin."

"Basta hinay-hinay lang a. Kilalanin mo pa din mabuti."

"Oo naman. Alam mo ba ngayon ko lang naalala na sa coffee shop din nagmeet si Carlos at Stella. Kaso lang ibanh iba yung porma ni Mccoy kay Carlos kasi nakasalamin,bagsak ang buhok at simpleng shirt at pants lang siya hindi katulad noong nakita natin siya sa bookstore."

"Magkaibang tao naman kasi talaga si Carlos at Mccoy. Malay mo simple lang talaga si Mccoy. At coincidence lang na sa coffee shop din kayo nagmeet. Tandaan mo na hindi masaya yung ending ng story ni Carlos at Stella."

"Alam ko naman 'yon pero ang ganda pa rin nung ending na iyon kahit pareho silang namatay atleast magkasama sila. Pero hindi naman yun ang goal ko. Basta masaya ako ang gwapo pa din niya kahit nakaeyeglasses siya."

"Hay nako buti nalang wala ako sa tabi mo kundi puro hampas na naman inabot ko sa iyo."

"Hindi naman ito na nga lang unan ko ang pinanggigigilan ko."

"Thank you Mars, inaantok na din ako sa wakas. Good night!"

"You're welcome goodnight Loi!"

At binaba na namin ang tawag. Maganda talaga ang gabi ko dahil sa nangyari kanina. Paniguradong makakatulog ako nito ng mahimbing.

* *

"Mars nakakuha ka na ba ng handouts?" Tanong ni Jane.

"Hindi pa. Kayo ba?"

"Kukuha palang. Pakuha nalang tayo kay Loi."

"Tingnan mo talaga yung babaeng yun. Tsk." Sabi ko pagkakita kay Loisa na nakikipagunahan sa mga lalaki na makakuha ng handouts. Naiiling nalang yung inutusan ni Sir na magdistribute ng handouts.

Addicted To A Memory (McRis FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon