Chapter 1

367 11 0
                                    

"Someday.. we will meet again my Stella." Basa ko sa huling sinabi ni Carlos habang umiiyak. Namatay sila ng sabay pero umaasa pa rin sila na magkikita pa rin sila balang araw.

Ang ganda nung story nila kahit na tragic yung naging ending.

"Hoy Maris! O bakit ka umiiyak?" Tanong sa akin ng bestfriend kong si Loisa na nakapasok na pala sa kwarto ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Kasi naman namatay silang pareho!" Pagwawala ko dahil sobrang apektado talaga ko sa naging ending.

"Sinong namatay?" Pagtataka niya.

"Yung mga bida dito sa Someday." Sagot ko sa kanya sabay pakita nung libro na binabasa ko.

"Nako naman! Akala ko kung ano ng nangyari sa iyo kung makaiyak ka diyan." Iiling iling na sabi niya.

"Kapangalan ko kasi yung babae kaya feeling ko talaga na ako yung nasa story. Tapos lahat pa ng gusto ko sa lalaki nandoon sa bidang lalaki."

"Coincidence lang 'yon. Alangan namang ikaw talaga iyon e hindi ka nga kilala niyang author."

"Sabagay. Pero inlove na yata ako!"

"Kanino naman? Bakit hindi ko alam iyan? Bestfriend mo pa ba ko?" May himig na pagtatampo sa boses niya.

"Eto naman siyempre bestfriend kita ngayon ko lang naman narealize kaya ngayon ko lang sasabihin." Pangaamo ko sa kanya.

"Sino ba kasi yung lalaki na 'yan? At ng makilatis ko na."

"Si Carlos!" Kinikilig na sabi ko sabay higa sa kama at niyakap ang unan.

"Carlos? Sino naman iyon? Saan mo nakilala?" Pagtataka ni Loisa lalo na nung tinawanan ko lang siya bilang sagot.

"Bakit ka tumatawa? Mariestella sagutin mo ko!" Pangungulit niya sa akin.

"Si Carlos. Carlos de Jesus ang bidang lalaki dito sa libro na Someday." Nakangiti kong sabi.

"Seryoso?! Oh my gosh!" Sabi niya sabay hampas sa akin ng unan na hawak niya. "Tama na nga ang kalokohan. Ano nga?"

"Seryoso ko bestfriend. Siya talaga yung mahal ko."

"Nababaliw ka na naman Maris!" Hindi makapaniwala na sabi ni Loisa.

"Hindi kaya! Sino ba naman ang hindi maiinlove sa chinito,moreno,may pamatay na ngiti, sweet, gentleman, maalaga at gagawin lahat para sa taong mahal niya." Kinikilig ko pa ding sagot sa kanya.

"Mawawala din iyan girl. Ilang beses ka na bang nagkagusto sa mga fictional character na binabasa mo? Bawat panibagong libro naman na binasa mo ganun ka."

"Hindi e. Alam kong iba ito. It's love na talaga Loisa!"

"Kaloka ka girl tara na sa baba magmeryenda na tayo at gutom lang iyan." Pag-aaya niya sa akin.

Nagpatianod nalang ako sa kanya dahil ayaw kong magtalo pa kami.

"Ang tagal mong bumaba kaya sinundo na kita sa kwarto mo." Sabi niya habang pababa kami.

"Bakit wala bang tao? Nasaan si kuya?"

"Nandyan yung kuya mo may dala ngang pizza kaso ayoko namang kumain ng wala ka."

"Naks ang sweet talaga ng bestfriend ko." Sabi ko sabay yakap sa kanya ng patagilid dahil bumababa pa nga kami ng hagdan.

"Hoy kayong dalawa tama na lambingan! Tara na dito lalamig na yung pizza! " Tawag sa amin ni kuya Yves.

"Selos ka lang kuya!" Pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi no. Tsk. Kulit mo talaga Tela!" Sabi niya habang nakapalupot ang braso niya sa leeg ko at ginugulo ang buhok ko.

Addicted To A Memory (McRis FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon