"Loi, may sasabihin ako sayo." Sabi ko kay Loisa.
Nandito siya sa bahay namin binibisita ako dahil sembreak na nga namin.
"Ano 'yon?" Sagot ni Loisa na nakahiga rin sa kama ko.
Huminga muna ko ng malalim bago magsalita.
"Nakita ko si Carlos." Seryoso kong sabi kay Loisa.
"Carlos?" Nagtatakang tanong ni Loisa, iniisip kung sino yung sinasabi ko. "Carlos? Carlos de Jesus na kinababaliwan mo?" Napaupo na sabi ni Loisa.
"Oo siya nga." Patango-tango ko pang sabi.
"Nababaliw ka na naman Mariestella." Iiling iling na sabi ni Loisa.
"Seryoso ko best friend. Nakita ko talaga siya at nakausap."
"Akala ko ba magaling ka na diyan sa obsession mo kay Carlos?" Naiistress na siya.
"Wala na naman talaga sa akin. Kaso nakita ko talaga siya. Papalagpasin ko na sana pero tatlong beses ko na siyang nakita. Hindi na tuloy mawala sa isip ko." Paliwanag ko.
Akala ko hindi na ulit kami magkikita pagkatapos nung book encounter namin pero nakita ko ulit siya sa bookstore tapos yung pangatlo noong bumibili siya ng milktea.
Minsan na nga lang ako magpunta sa SM dahil pinagagalitan na ko ni kuya tapos natataon na nandoon din siya kaya nakikita ko siya.
"Dadalhin na ba kita sa doctor?" Tanong niya sa akin.
"Loisa naman." Paghihimutok ko.
"Hindi naman sa ayaw kong maniwala sa iyo best friend pero to see is to believe. Kaya kailangan ko munang makita para hindi ka nagmumukhang baliw sa amin."
"Ok sige. Tara na!" Aya ko sa kanya.
"What? As in ngayon na? Saan mo naman hahagilapin yung lalaki na 'yon?" Pagtataka ni Loisa.
"Sa SM. Doon ko siya madalas makita." Nakangiti kong sagot.
"Hindi mo naman siya siguro iniistalk? Nako ang creepy mo pag nagkataon."
"Hindi no! Grabe ka. Hindi naman ako ganoon." Hampas ko sa kanya ng unan. Tawa ng tawa yung bruha.
"Tara na! Bumangon ka na diyan." Hila ko sa kanya.
"Bawal ka kayang gumala. Lagot ka sa kuya mo." Nakahiga pa ring sagot ni Loisa.
"Kaya nga nandyan ka e. Papayagan ako noon kasi kasama kita." Ang talino ko talaga.
Ayaw kasi akong payagan gumala ni kuya ngayong week dahil last week araw-araw akong gumagala. Mapapagalitan kasi kami pareho ni kuya kapag nalaman nila mama na puro gala ang inaatupag ko.
Pag baba namin sa sala nandoon si kuya na nanonood ng tv.
"Kuya, pupunta lang kaming mall ni Loisa." Paalam ko.
"Bawal kang gumala di ba?" Sabi ni kuya na busy pa din sa panonood.
"Yvespotpot! Pumayag ka na. Gutom na kasi ko. Hindi mo man lang ako binigyan ng meryenda." Reklamo ni Loisa.
"PG mo lychee! Tsaka si Tela may bwisita este bisita sa iyo." Pang-aasar ni kuya.
"Kapal mo!" Sabi ni Loisa. At nagbangayan pa silang dalawa.
"Kuya wala na kasi tayong pagkain. Kailangan na natin maggrocery." Singit ko sa kanilang dalawa. Bakit nga ba ngayon ko lang din naalala na wala na kaming stock ng pagkain? Edi sana kanina pa kami umalis.
"Wala na ba? Sige na nga pumunta na tayong SM." Sa wakas pumayag na din si kuya. "Magpapalit lang ako. Hintayin niyo ko."
Dahil hindi kami kasya sa motor at madaming dalahin mamayang pag-uwi ay nagcommute nalang kami.
BINABASA MO ANG
Addicted To A Memory (McRis FanFiction)
RandomMariestella Racal is a book lover. She loves to read romance novels. A hopeless romantic she is. She falls in love with a fictional character. Yes it's normal for readers but what if that fictional character become real? Read the story to find out. ...