Chapter 5

173 7 0
                                    

"TELA!" Nagising ako sa sigaw ng kuya ko. Puyat pa naman ako dahil nagmovie marathon ako kagabi.

Kahit gusto ko man matulog ulit hindi ko magawa dahil hindi titigil si kuya sa kakasigaw. Kaya bumangon na ko at bumaba ng hindi pa nag-aayos ng sarili.

"Bakit ba sigaw ka ng sigaw?" Tanong ko na medyo nakapikit pa at naghihikab.

"MAWITH! Baby mawith namiss kita!" Nagising ako dahil sa sumagot sa akin. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoon.

"Mama?!" napadilat ka agad ako at mabilis na yumakap sa mommy ko.

"Kamusta ka na Mawith? Teka nga gawain ba 'yan ng isang babae? Kadiri mo 'nak di ka pa naghihilamos at nagmumumog tapos yumakap ka na sa akin." Pang-aasar sa akin ni mommy at tinanggal ang pagkakayakap ko.

"Mama naman!" Reklamo ko.

"Mag-ayos ka muna Mawith."

"Ayoko po. Bakit hindi po kayo nagpasabi na pupunta kayo dito?" Tanong ko.

"Ito talagang si Tela di pinapagana yung isip minsan. Natural surprise ito kaya di nagpasabi." Singit ni kuya.

"Mariestella! Mag-ayos ka muna bilis." Tawag ni mommy ng maayos sa pangalan ko kaya alam kong kailangan ko na siyang sundin.

Kaya nagpunta na ko sa cr at ginawa ang inuutos ni mommy na dapat kanina ko pa talaga ginawa.

Pagbalik ko ay nandoon na din si daddy. Kaya excited akong pumunta sa kanya.

"Papa! Pasalubong ko?" Tanong ko habang nakayakap.

"Ito talagang batang ito pasalubong ka agad ang hinahanap. Hindi mo ba ko namiss?" pagtatampo ni papa.

"Syempre namiss kita papa kayong dalawa ni mama." Yakap ko sa kanilang dalawa.

"Sali naman ako diyan." Sabi ni kuya at nakiyakap din.

"Magluluto ako ng mga paborito niyo at magkwentuhan tayo habang kumakain." sabi ni mama ng marinig na kumulo na ang tiyan ko tanghalian na kasi.

Habang nagluluto si mama ay pinakialaman na namin ni kuya ang mga pasalubong nila. Si papa naman ay pinabayaan lang kami kasi sanay na siyang ganoon na kami bata pa lang.

Tuwing uuwi siya galing trabaho ay nag-uunahan kami ni kuya sa pagkuha ng pasalubong niya.

Ang dami nilang dala na pagkain na namiss ko talagang kainin. Hay. Nakakamiss talaga ang Davao.

Kanya-kanya kaming kuha ni kuya sa mga pasalubong buti nalang hindi ako nautakan ni kuya dahil mabilis din akong magtabi.

Pagkatapos namin pagkaguluhan ang mga pasalubong ay iniakyat na ni kuya ang gamit nila mommy at dada sa guest room. Ito talaga ang pinili nila mommy na rent to own house, tatlong kwarto para tig-isa kami ni kuya at may isang guest room para kapag umuuwi sila o kaya ay may bisita kami may matutulugan sila.

Maya-maya lang ay tinawag na kami ni mama para kumain. Masaya kaming kumain at nagpalitan ng kwento. Ang saya na magkakasama ulit kami.





* *
Ngayon nalang ulit ako lalabas ng bahay dahil kailangan ko ng mag-enroll para sa second sem.

Pagdating ko sa school ay sinalubong na kaagad ako ni Loisa at Jane. "Ang aga mo ha. Kanina pa kami dito." Bungad sa akin ni Loisa.

Late kasi ko ng 30 minutes sa oras ng usapan.

"Sorry na. Nalate kasi ako ng gising tapos wala na si kuya kaya naghintay pa ko ng jeep." Paliwanag ko.

"Forgiven. Tara na pumila na tayo." Aya ni Jane.

"Thank you mahal niyo talaga ko." Sabi ko at niyakap silang dalawa.

Addicted To A Memory (McRis FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon