Chapter 8

249 10 0
                                    

Wala kaming pasok kahapon kaya ngayon ako kinukulit ng dalawa sa nangyari sa amin ni Mccoy nung isang araw. Hindi ko kasi sinasagot ang mga text at tawag nila sa akin tungkol doon.

Pagkapasok namin sa Cafe Bliss napansin namin na hindi si Riva ang nasa counter kundi si Mr. Bartender. Kaya ang ginawa namin ni Loisa ay pasimple naming tinutulak papunta sa counter si Jane.

"Girls naman. Walang ganyanan. Kayo nalang umorder please." Pakiusap ni Jane.

"Nope. This is your chance. Sige na Jane." Pilit ni Loisa.

"Oo nga kaya mo 'yan Janey." Segunda ko.

Siniko ko si Jane ng hindi pa din siya nagsasalita ng nasa harap na kami ng counter.

"A,e. Hi Jon!" Kinakabahan na sabi ni Jane.

"Hello girls! The usual?" Tanong niya sa amin ng nakangiti.

"Yup. Nasaan nga pala si Riva?" Tanong ni Jane. Infairness hindi halata ang pagkailang niya.

Sasagot na sana si Jon ng may marinig kami. "Bakit ka late? Siguro lagi kang late noong di ako nakakabisita dito sa Cafe Bliss."

"Kaya pala nandito na pala ulit si Josh." Sabi ni Loisa.

"Sir, hindi naman po ngayon lang ako ulit nalate. Nagovertime po kasi yung prof namin. Pasensya na po." Sagot ni Riva.

Si Josh ay ang may-ari ng Cafe Bliss. Ang bata nga niya para maging owner kasi halos kasing edad lang siya ni kuya pero mayaman kasi yung mokong na 'yun kaya hindi na katakataka na magkaroon siya ng coffee shop.

"Doon na kami sa table a. Ikaw na bahala sa order." Paalam ko kay Jane.

"Hoy. Wag niyo kong iwan dito." Reklamo ni Jane.

"Kaya mo na 'yan girl." Sabi ni Loisa at umalis na kami papunta sa spot namin.

Kita namin dito na nagtatawanan si Jon at Jane. Ang cute nila maya-maya ay lumabas na si Riva sa mini office ni Josh at pinalitan na si Ronnie sa cashier upang maayos yung order namin.

"Kayo a. Bakit kayo nagtatawanan ni Jon?" Pangiisyoso ko kay Jane pagkadating niya sa pwesto namin.

"Pinag-uusapan namin si Josh at Riva." Pagpapaliwanag naman niya.

"Ang init kasi ng ulo noon kay Riva, samantalang mabait naman siya. Lagi nalang natatapatan si Riva ng init ng ulo noon." Sabi ni Loisa.

"Speaking of. Ayun na si Josh." Sabi ni Jane.

Nakita nga namin na lumabas na ito ng office niya at nagoobserve sa coffee shop.

"Hi sa mga paborito kong customers." Bati niya sa amin ng makalapit siya sa pwesto namin.

"Hi Josh!" Sabay sabay na bati namin. Kami kasi ang kauna-unahang customers noon ni Josh ng magbukas ang Cafe Bliss. At hindi naman siya nabigo sa amin dahil naging regular customers niya kami.

"It's been a while. I heard kauuwi mo lang galing States." Sabi ko.

"Yup. Binisita ko lang sila mommy." Sagot niya.

"Nice iba na talaga kapag mayaman pabisibisita nalang. Bakit ba ang init na naman ng ulo mo kay Riva?" Sabi ni Loisa.

"Sorry narinig niyo pa 'yun. Late kasi nagdadahilan pa."

"Hindi ba masyado naman yatang sobra yun. Ngayon lang naman nalate yan noong wala ka di naman nalelate yan. Hindi niya pinabayaan yung coffee shop." Paliwanag ni Jane.

"Really? I should say sorry to her. Thanks girls." Natauhan na sabi ni Josh.

"At dahil diyan ilibre mo kami." Pangloloko ko.

Addicted To A Memory (McRis FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon