Chapter 7

212 10 3
                                    

"May vacant time na naman tayo ng dalawang oras." Sabi ni Loisa.

"Kaya nga, tara sa Cafe Bliss ng hindi tayo maburyo dito. Dalawang araw na tayong hindi nakakapunta doon." Segunda ni Jane.

"Nako gusto mo lang makita si Mr. Bartender!" Pang-aasar ko kay Jane.

"Ha? Hindi a. Baka kasi sumagot na yung Mccoy mo!" Pang-aasar din niya sa akin.

"Tara na nga parehas naman pala kayong may lovelife doon! Basta ako gusto ko ng iced coffee ng magising ako." Hila sa amin ni Loisa.

Kanina pa kasi muntik makatulog sa klase 'yan. Puyat kasi tsaka nakakaantok talaga magturo yung prof namin sa EE Analysis. Mukhang kailangan talaga namin ng pang-refresh.

As usual si Jane ulit ang oorder. Aalis na sana ako ng magtanong yung
dalawa. "Hi Riva! May sulat ba para kay Maris?"

Natawa nalang si Riva sa kakulitan nung dalawa. "Nauna pa talaga kayong magtanong kaysa kay Maris. Pero oo may sulat ulit siya. Umorder muna kayo para habang prineprepare makukuha ko na yung tissue."

"Ako isang iced coffee." sabi ni Loisa.

"Vanilla Oreo." Order ko naman.

"Yan na naman? Iba naman orderin mo." Reklamo ni Loisa.

"Sige na nga iced coffee nalang." Pagpapalit ko ng order.

"Iced coffee nalang din para di ka mahirapan Riva." Sabi ni Jane.

"Ako ba talaga o yung gagawa?" Pang-aasar ni Riva.

Binigay na ni Riva yung order kay Mr. Bartender at pumasok sa loob doon yata yung locker nila.

"Maris eto na yung tissue este sulat kabibigay lang niya kahapon." Abot sa akin nung tissue ng Cafe Bliss.

"Thanks Riva!" Sabi ko. Nandoon na rin naman yung order namin kaya hinila na namin si Jane na kanina pa nakikipagngitian kay Mr. Bartender.

Pagkaupo namin ay kinulit na ka agad ako nung dalawa na basahin na yung sulat. "Teka lang." Pigil ko sa dalawa na balak pa yatang agawin sa akin yung tissue.

You're welcome Maris! Talaga? I want to try it. Pwede mo ba kong samahan? If yes let's meet tomorrow at 2pm. See you!

- Mccoy


"Mars, magkita daw kayo mamaya!" Sabi ni Jane na kinikilig.

"Ang galing din magbigay ng oras niyang si Mccoy a. Saktong tapos yun ng klase natin. Alam siguro noon sched mo."

"Hindi no. Baka yun lang din tapos ng klase niya." Pagtanggi ko kasi impossible talaga, wala naman siyang kilala na tagaSilverio para malaman yung sched ko. "Pupunta ba ko?"

"Oo naman. Wala namang masama Mars. Kakain lang naman kayo. Tsaka dito lang naman sa Cafe Bliss kaya wala kang dapat ipagalala." Pagpupush sa akin ni Jane.

"Oo nga. Go na. Wala ka namang gagawin after class di ba?" Segunda pa ni Loisa.

"Sige na nga." Excited din naman ako sa mangyayari mamaya pero syempre di naman mawawala ang kaba. First time namin magmemeet ni Mccoy na sinasadya talaga. Kadalasan kasi ng pagkikita namin aksidente lang na nasa pareho kaming lugar.

Sure Mccoy. See you later!

- Maris





* *

Alphabetically kasi ang activity namin ngayon sa AutoCad2, ayaw kasi ni sir ng puno ang computer room kaya hinati niya sa dalawang batch ang section namin. One computer apart din para wala talagang makakapag-usap.

Addicted To A Memory (McRis FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon