Masasabi kong naging magkaibigan na nga talaga kami noong araw na sinamahan niya ko na maglibot sa book stores. Hindi na simpleng magkakilala na nag-uusap kapag nagkikita sa coffee shop.
Nagpalitan na din kami ng cellphone numbers bilang magkaibigan na kami tsaka mahirap naman na sa tissue nalang kami lagi magiiwan ng note para lang makapag-usap.
Marami kaming nalaman sa isa't isa na hindi namin napag-usapan sa coffee shop, mga random na bagay na napagkasunduan namin o hindi man kami parehas ng gusto hindi naging ganoon kaconflict kasi may natututunan kami sa isa't isa.
Kasi yung isang beses na iyon na pagsama niya sa akin ay nasundan pa ng tatlong beses na paglabas namin. Natutuwa nga ako na may kusang sumasama sa akin sa weird kong gawain at hindi ko na kailangan istorbohin si kuya at si Loisa.
Dalawang beses niya lang naman ulit ako sinamahan na maglibot sa mga book stores at nagpapasalamat talaga ko sa kanya noong dinala niya ko sa ibang mall. Kuntento na kasi ko dati sa bookstores sa SM pero mas nakakatuwa palang maglibot din sa iba pang lugar.
Wala kasi kong sense of direction kaya di ko rin sinubukan na maglibot sa ibang lugar. Hindi rin ako sinasamahan ni kuya Yves kasi nga ayaw niya kong maging gala.
Yung huling labas namin ay siya naman ang sinamahan ko para bumili ng regalo para sa pinsan niyang bata na magbibirthday.
Naalala ko pa na magkatext lang kami noong araw na iyon at nagtatanong siya ng magandang pangregalo dahil nahihirapan siya kung ano ba ang dapat ibigay sa bata. Kaya bilang mabait na kaibigan ay nagvolunteer na ko na samahan siya sa paghahanap. Pambawi ko na din sa tuwing sinasamahan niya ko.
Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita mula noon paano sobrang busy na namin midterms na kasi. Pero tuloy pa din naman yung communication namin.
Saktong tapos ng klase namin ng tumunog ang cellphone ko at tumatawag si kuya Yves.
"Hello?" Sagot ko.
"Tela. Wala nga pala si manang ngayon hanggang bukas."
"Alam ko. Bakit?"
"Wala na din pala tayong pagkain kaninang pag-alis ko."
"Edi maggrocery ka. Kuya talaga o."
"Yun na nga. Ang dami ko kasing tinatapos para sa thesis namin hindi ako makaalis dito. Tutal na sa iyo naman yung pera ikaw na maggrocery."
"Kuya naman ang dami ko ding gagawin." Reklamo ko dahil tambak din ako ng gawain ngayon.
"Sige na please sumaglit ka na. Hamo mamaya pag-uwi ko ipagluluto kita ng paborito mo kaya wag mong kalimutan bumili ng ingredients noon."
"Oo na nga. Sige bye." Napa-oo na din ako dahil wala na kong makakain maiistress pa naman ako sa dami ng gagawin ko.
"Bait mo talaga. Ingat!" At binaba ko na yung tawag at kinuha ang mga gamit ko kinawayan ko nalang sila Loisa dahil nagmamadali din silang umuwi.
Kailangan kong magmadali para hindi masayang yung oras na dapat nagsisimula na kong gumawa ng mga activities.
Sa pagmamadali ko ay may nakabangga ako dahilan para mahulog yung gamit ko na hindi ko na nagawang ipasok sa bag ko.
Buti nalang mabait itong nabangga ko at tinulungan ako magpulot.
"Maris, ikaw pala 'yan. Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong niya.
"A kasi ano."
"Relax. Inhale exhale." At ginawa ko naman yung sinabi niya para mabawasan ang pagkatuliro ko. "Okay ka na? Ano nga?"
BINABASA MO ANG
Addicted To A Memory (McRis FanFiction)
CasualeMariestella Racal is a book lover. She loves to read romance novels. A hopeless romantic she is. She falls in love with a fictional character. Yes it's normal for readers but what if that fictional character become real? Read the story to find out. ...