"Hi Riva!" Bati ko sa kanya ng makalapit na ko sa counter ng Cafe Bliss.
"Bakit ikaw lang? Nasaan yung dalawa?" Nagtatakang tanong niya wala namang customer na nakapila kaya ayos lang na magchikahan kami ng ganito.
"May date. Isa ngang Java chip." Order ko.
"Talaga? Lumelevel up ang mga dalaga." Natatawa niyang sabi at binigay yung slip of order ko sa kasama niyang barista.
"Pero syempre joke lang 'yon. Sa katamaran kasi noong dalawa kahapon ayon ngayon naghahabol para matapos yung papers nila."
"Hala, yung dalawang 'yon talaga. Nagbabad na naman siguro sa twitter at snapchat." Naiiling na sabi ni Riva sa madalas gawin noong dalawa.
"Nakuha mo."
"Eto ng order mo enjoy." Sabi niya at inabot na yung order ko pero di pa ko umalis ka agad.
"Nako may hinihintay pang iabot ko. Nasanay ka na no?" Pang-aasar niya.
"Ano ka ba? Wala a. Hindi." Todo tanggi ko.
"Asus. Pero wala kang tissue note ngayon."
"Ok lang hindi--"
"Pero mas matutuwa ka sa paparating." Naguguluhan man sa sinasabi ni Riva ay liningon ko rin ang tinuturo niya.
"Mccoy." Bangit ko sa pangalan niya ng makita ko kung sino yung sinasabi ni Riva. Ewan ko ba kung bakit parang nagslow motion siya. Siguro kulang na talaga ko sa tulog.
"Hi Maris. Buti nalang nagpang-abot tayo. Sorry natagalan yung pagbabalik ko ng payong naging busy kasi kaya hindi na ko nakabalik dito."
"A-ayos lang. Hindi ko naman kinailangan." Nahihiya kong sabi. Ano ba itong nangyayari sa akin?
"Nakakahiya pa din. Upo ka na. I'll treat you para makabawi naman." Sabi niya sabay ngiti na abot hanggang mata.
"Nako. Huwag na. Ok na ko nakaorder na din naman ako." Pagtanggi ko.
"I insist." Tsaka niya ko iginaya papunta doon sa usual spot naming magkakaibigan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman 'yon.
"Wait lang a. Order lang ako." Paalam niya pagkaupo ko.
Hindi ko pa rin maprocess sa utak ko na nandito siya sa harap ko. Kanina lang kasi pinag-uusapan namin siya tapos ngayon ayan na. Alam kong ilang beses na kaming nagkikita pero parang lalo siyang gumwapo ngayon.
Ilang araw lang naman ang lumipas. Nakakaasar naman 'yon tapos ako ang haggard ko ngayon. Malay ko ba naman kasing magkikita pala kami ni hindi man lang ako nakapagpolbo tsaka bakit kung kailan wala yung dalawa?
Natetense tuloy ako. Pero bakit nga ba? Hay.
"Maris." Yung pagtawag niya lang ang nakapagpabalik sa akin mula sa pakikipagtalo ko sa sarili ko.
"A, e. Yes?" Sagot ko.
"Eto na nga pala yung payong mo. Sorry talaga."
"Ayos lang 'yon."
"Thank you nga pala ulit." Ngiti niya na halos mawala na naman ang mga mata siya pagkasingkit niya.
Tulad ng dati nagkwentuhan na naman kami ng mga bagay na maisip namin. A little catch up sa mga nangyari sa buhay namin dahil ilang araw nga kaming hindi nagkita.
A normal conversation with a friend that's how we do it.
"Wala ka bang plano ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Nothing important. Balak ko sana pumuntang book store pagkatapos ko dito."
"May bibilhin ka ba? Samahan na kita."
BINABASA MO ANG
Addicted To A Memory (McRis FanFiction)
RandomMariestella Racal is a book lover. She loves to read romance novels. A hopeless romantic she is. She falls in love with a fictional character. Yes it's normal for readers but what if that fictional character become real? Read the story to find out. ...