Isang buwan na ang nakalipas pero bukang bibig ko pa din si Carlos. Alam kong naiirita na sa akin si Loisa sa kakabanggit ko kay Carlos pero patuloy pa rin ako sa pagkwekwento sa kanya.
Wala naman kasi siyang magagawa syempre papakinggan niya ko kasi bestfriend ko siya, ganyan talaga kami kasupportive sa isa't isa.
"Mariestella! Shh.. Tama na please. Maawa ka naman sa eardrums ko." Pagmamakaawa ni Loisa na nakatakip na ang tenga. "Gets kong mahal mo siya pero bestfriend hindi na maganda yan. Parang nakaprogram na yung utakmo sa kanya."
"Loisa naman e."
"Seryoso ko. O eto, bumili ka ng bagong libro ng makalimutan mo na yang si Carlos."
"Sana ganoon lang kadali 'yon." Paghihimutok ko na para talagang may totoong tao ako na dapat kalimutan.
"Itry mo lang. Kasi hindi lang ako yung naapektuhan, pati yung kuya mo. Lagi nga akong kinukulit para ayusin na daw kita."
"Grabe kayong dalawa. Para naman akong may sakit sa pag-iisip."
"Ganoon na nga ang kalalabasan kung di ka pa titigil. Kaya go na pumunta ka na ng bookstore." Pagpipilit niya sa akin.
"Sige na nga. Susulitin ko na sayang din itong suhol mo na pambiling libro." Natatawa kong sabi. "Teka hindi mo ba ko sasamahan? Sayang yung.. "
"No wag mong sabihin. Ayokong mabribe. Sorry best friend, may kailangan pa akong ipasang assignment." Malungkot na sabi niya.
"Sayang naman." Malungkot kong sabi. "
"Hay nako. Kasi kung sumabay ka na sa akin gumawa nung isang araw sana tapos ka na." Pangongonsensya ko sa kanya.
"Oo na. Wala na tayong magagawa tapos na. Ipagpray mo nalang ako na matapos ko on time. Ayokong masigawan ni Amazona." Litanya ni Loisa.
"Sige na nga tapusin mo na 'yang assignment. Kaya ko na sarili ko. Pero ipagprepray talaga kita na matapos mo iyan. Ayoko pang mawalan ng best friend!" Pang-aasar ko.
"Maris naman e!" Pagrereklamo niya.
"Joke lang. Sige na babush na. Nauubos yung oras natin sa kalokohan natin." Paalam ko sabay beso.
Buti nalang isang sakay lang ng jeep yung SM dito sa school namin kaya hindi masyadong hassle.
Pagdating ko sa SM hindi muna ko dumeretso sa bookstore. Naglakad lakad muna ko, window shopping lang. In fairness, ang daming magagandang damit pero mas bibili pa din ako ng libro.
I prefer books over clothes and foods over boys. Ang saya kayang magbasa madami kang matutunan tapos busog ka pa kasi madaming food.
Nang mapagod na ko kakaikot naghanap ako ng makakainan, gutom na din kasi ako. I'm craving for pizza kaya sa Greenwich ako pumunta.
Ayos lang naman kumain mag-isa. Makakapagmuni muni ka at mananamnam mo ang pagkain pero ang down side nito mukha akong loner.
Namiss ko tuloy si Loisa tsaka kuya Yves. Sila naman kasi talaga ang food buddy ko. Kapag si Loisa kasama ko para kaming baliw kapag magkasama, no dull moments.
Kapag si Kuya Yves naman may instant boyfriend ako. Taga bili, taga buhat, taga pagtanggol at pantaboy ng mga fuck boys ( millenial term para sa mga lalaking poporma sa babae para may ka forever kuno o kaya magpapaasa lang).
Spoiled talaga ko sa dalawang iyon kaya in different ways kaya mahal ko ang mga 'yon. Pero syempre lahat naman ng ginagawa nila nirereciprocate ko lalo na kay Kuya lagi kaming ginagawang pretend girlfriend ni Loisa kapag may baliw na babae na humahabol sa kanya.
BINABASA MO ANG
Addicted To A Memory (McRis FanFiction)
RandomMariestella Racal is a book lover. She loves to read romance novels. A hopeless romantic she is. She falls in love with a fictional character. Yes it's normal for readers but what if that fictional character become real? Read the story to find out. ...