Lost Track 4

39 15 16
                                    

Its been a week after our dinner. Masaya ako na ayos na kami. I choose to stay there again. Dun na ulit ako umuuwi sa bahay ng magulang ko. Nandito ako ngayon sa sementeryo dinalaw ko ulit si Bliss.


"TITA YOU CAN'T DO THIS TO ME. PLEASE"


"NO HE DIED BECAUSE OF YOU. WAG KA NG BUMALIK PA DITO. I LOST MY ZACHARY NG DAHIL SAYO"


Hinanap ko kung saan nagmumula ang boses. Hindi naman sa tsismoso ako. Gusto ko lang malaman kung anong nangyayare. Nagulat ako sa nasaksihan ko. Somehow naaawa ako dun sa babae. Actually she looks familiar.


"IT'S AN ACCIDENT TITA. PLEASE HINDI KO NAMAN KAYO GINUGULO. HAYAAN NYO NAMAN PO AKONG DALAWIN ANG BOYFRIEND KO"


"I LOST ZACHARY BECAUSE OF YOU. I DON'T CARE KUNG SINO KA SA BUHAY NG ANAK KO. LET'S GO"



Naiwang nakasalampak sa lupa yung babae habang umiiyak. Now I remembered kung sino sya. Siya si Autumn yung babaeng tumulong sa akin. I came near her pero masyado syang occupied kaya hindi nya ito napansin.


ZACHARY MARTIN SANTIAGO. Yan ang nakasulat sa lapida na kung saan nakapatong ang kamay ni Autumn habang umiiyak.


"Martin did I really killed you? Ako ba talaga ang pumatay sayo? Sana nandito ka hindi mo ako naipagtanggol. Alam mo namang ikaw ang knight in shinning armor ko. Ako ba talaga ang dahilan kung bakit ka nawala? Diba hindi ko naman sinasadya. Martin alam mo namang hindi kita kayang patayin diba? Mahal na mahal kaya kita"


Naaawa ako sa kanya. Sya ang sinisisi sa pagkawala ng pinakamamahal nyang tao. Kung ano mang nangyari alam kong hindi nya ginusto yun. Wala namang taong gustong patayin ang mahal nila.


"Martin, Babe pinagbabawalan na ko ng mama mo na pumunta dito pero wag kang mag alala pupuslit parin ako para makita ka. Hindi ko kayang hindi ka dalawin"


She manage to speak. Naisip ko mas kawawa pala sya sakin, mas mahirap pinagdadaanan nya. Pero nakakangiti parin sya.


"Panyo oh. Ayaw ni Martin na umiiyak ka"



Tinitigan nya yung panyo bago itaas ang tingin sa akin. I smiled when her gaze reach my eyes.



"Bricks?"


"Alam kong nasasaktan ka ngayon pero mas masasaktan sya kung sisisihin mo ang sarili mo sa pagkawala nya" I smiled once again.



"You smiled?"


Amazed nyang tanong sakin. May sapak rin pala sa ulo ang babaeng ito halip na yung sinabi ko ang pansinin yung pagngiti ko pa talaga. Ganon ba kabig deal?


"Narinig ko yung sigawan nyo"


"Ah yun ba? Wag mo na intindihin yun sanay na ako. Simula noong mawala sya ganun na naging turing sakin ng mama nya. Hindi ko naman sya masisisi eh unico iho yung nawala sa kanila at ako ang kasama nya noong araw na yun"


I was amazed by her attitude. She's telling me everything ng hindi lumuluha. Nasasabi nya sakin lahat ng nakangiti. Hindi ako nagsalita pinakinggan ko lang sya.


"Mahal na mahal nila si Martin. He's the successor of their company in the future but in one snap nawala sya. Kaya kahit ang sakit sakit dito *turo sa puso* tinitiis ko na lang kasi nangako ako kay Martin na aalagaan ko sila. Na ako na ang bahala sa mga magulang nya"


Now She's crying. Ang bilis nya magchange ng emosyon. She reminds me of Bliss.


"Alam mo bang mahal na mahal ko sya. Sya ang first ko sa lahat. Pero hoy syempre hindi pa ang bataan"


"Bataan?"


"pffft!! HAHAHAHAHAHAHAHA"


"May sayad ka ba? Kanina umiiyak ka ngayon tumatawa ka naman"



"ikaw kasi hindi mo alam yung bataan. What I mean is hindi ko pa naisusuko sa kanya ang bataan, yung vigninity ko. Baka kasi kung ano isipin mo. Si Zachary Martin sya yung tipo ng lalaki na hindi basta basta. Punong puno sya ng surpresa sa katawan yung tipong parang hindi nauubos sa dami. When it comes to attitude katulad mo sya cold, tahimik, pero pag dating sakin sobrang daldal nya. Ang hirap hirap nyang kalimutan"



Kumikinang yung mata nya habang kinukwento nya yun. Makikita mo na talagang mahal na mahal nya yung lalaki.



"It was all perfect not until that day. Tinuturuan nya akong magmaneho, madali naman akong natuto kaso----"





Naputol yung pagkukwento nya. Kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. Nakaub-ob sya sa tuhod nya. Im still waiting sa susunod kaso ang tagal bago nya sundan ito.



Nag-iintay parin ako ng bigla syang natumba. Nagpanic naman ako. Chineck ko kung may sakit ba sya. Pero wala naman.










A smile form in my lips. This girl is unbelievable she fall asleep in the middle of her story telling.




-------------------
Author's Note:

Wala paring bumabasa 😂😂 pero okay lang. Sanay naman akong maghintay 😂😂

READ. COMMENT. VOTE.

Thanks 😘😘

In Between Anger and Love [Turtle Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon