Lost Track 10

28 13 10
                                    


dedicated to Giannetanshiro thanks for the comments and votes. 😘😘

---------------------------------------

Autum's Point of View:

Umuwi akong hinang hina. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Sabay namatay si Bliss at Martin. Magpapakasal si Bricks at Bliss noong araw na yun. Ibig sabihin nasa bridal car si Bliss noong maaksidente ito. At bridal car din ang nabangga ko.







Anong gagawin ko? Ako. Ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni Bliss. Hindi ako mapapatawad ni Bricks. Nakita ko kung gaano sya kamiserable. Kung gaano kalamig ang mata nya. Nung makita ko yun. I want to hurt kung sino man ang gumawa nun sa kanya.







Sa panahon na nakasama ko sya nakita ko kung gaano nya kamahal si Bliss. Nakita ko yung pakiramdam na pinagkaitan sya ng kasayahan. Pero damn ako pala. Ako pala ang dahilan. Ako ang nagkait sa kanya ng kasayahan. Ako ang may dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nya.








Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Simula noong mawala si Martin hindi na ako tinigilan ng konsensya ko sa nadawit sa aksidenteng yun. Nakokonsensya ako pero natatakot rin ako sa maaring maging reaction ni Bricks pag nalaman nya ito.








Hindi ko kayang malaman ang magiging reaksyon nya. Ngayon pa na mahal ko na sya. Damn tama nga sila sobrang liit lang ng mundo.






Kinuha ko ang cellphone ko kasi naramdaman ko ang vibration nito. May nagtext. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa kung sino ang sender nito.







Bricks:
Can we meet? Asap. I need you 😔😔 same place. Maghihintay ako.







Agad akong nag ayos ng sarili at pumunta sa tagpuan namin. Bliss wag mo kong mumultuhin ha? Magpapakaselfish muna ako. Mahal ko na talaga sya eh.








Parang sasabog ang puso ko ng matanaw sya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng mapansin ang lungkot sa mga mata nya. Sa mga panahong nakasama ko sya naging madali na para sakin ang mabasa ang emosyon nya. Tila ba hinayaan nyang makita ko ang mga emosyong tinatago nya.







Agad nya akong niyakap at umiyak sa braso ko. Nanlambot ang tuhod ko.







"Autumn hindi lang sya ang namatay noong araw na yun. At ang masakit pa beginner driver ang nagmamaneho ng nakabangga sa sasakyan nya. Autumn hindi ko matanggap. Hindi ko hahayaang maging masaya ang taong yun. Oras na makilala ko sya pagbabayaran nya ang ginawa nya kay Bliss"






Parang kutsilyo ang mga salita nya na tumatarak sa puso ko. Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Kumalas sya sa yakap at tumitig sa aking mga mata.







"Pagbabayaran nya lahat Autumn. Pinagkait nya sakin ang maging masaya. Pinagkait nya" parang naestatwa ako sa titig nya. Ang mga matang yan. Ngayon ko na lang ulit nakita. Ang malamig nyang mata. "Autumn wag mo kong iiwan please hindi ko mapigilan ang galit ko. I can't afford to lose you too. Hinayaan kitang pumasok sa buhay ko Autumn. Medyo pangit mang tignan kasi parehas tayong nangungulila sa kanila pero gusto kita Autumn. Please don't leave me dahil sa panahong ito ikaw na lang ang dahilan ko kung bakit ayaw kong magising ang demonyo sa loob ko"







Unti unting dumikit ang labi nya sa labi ko. Para akong kinukuryente. Hindi ko na napigilan umagos na ang mga luha ko. Pinaghalong sakit at konsensya ang nararamdaman ko.







Pinaupo nya ako malapit sa puntod ni Bliss at nahiga sya sa lap ko.







"Bliss, Hon, diba sabi mo buksan ko muli ang puso ko. Bliss nagawa ko na. Nabuksan ni Autumn ang puso ko. Sana maging masaya ka" muli kong pinahid ang nagbabadyang pumatak na luha para hindi nya mahalata. "Taglagas let's stay like this for a while gusto kong matulog" tumango na lamang ako at hinaplos ang kanyang buhok.







Pinagmasdan ko syang mabuti. Kinabisado ang bawat parte ng perpekto nyang mukha. Marahil ay pagod sya kaya ang lalim na ng tulog nya. Muli kong hinaplos ang buhok nya.








"Bricks magustuhan mo pa kaya ako pag nalaman mong ako ang may gawa ng aksidenteng kumitil sa buhay ng Bliss mo? Will you let me stay o mas gugustuhin mong patayin ako para makabawi sa nangyari sa kanya. Bricks I'm sorry" humagulgol na ako ng iyak. Hindi ko na napigilan. "Bricks mahal na mahal kita. Parang hindi ko kakayanin pag nalaman mo ang katotohanan"













Samuel's Point of View:






Pag sinuswerte nga naman ako. Tignan ko lang Autumn Rania Villamayor kung hanggang saan dadalhin si Bricks ng pagkagusto nya sayo. Dahil habang nabubuhay ako hinding hindi ko hahayaang maging masaya si Bricks at ikaw Autumn dahil kasalanan nyo ang pagkawala ng kapatid ko.






Pareho kayong magdudusa. Tignan ko lang kung magustuhan ka pa nya oras na marinig nya ang video na ito. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA?

In Between Anger and Love [Turtle Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon