"Oopps sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko"
Bigla syang tumungo. I held her chin at inangat ito.
"No it's okay. Tara na kay Martin?"
"Sigesige. (she looks at Bliss grave) Babye Bliss hihiramin ko muna itong si tag-init ha. Wag mo kong dadalawin mamaya"
I laughed silently sa inasal nya. Nagpaalam na rin ako kay Bliss at tumuloy na sa puntod ni Martin.
"Hi babe this is Bricks sya ang tumutulong sakin para pumuslit dito. Dun kami nagtatago sa puntod ng girlfriend nya na si Bliss. Ang bait nya ano?"
Tahimik lang ako na nakikinig sa mga sinasabi nya kay Martin.
"Babe ang takot ko kaya kanina ang tagal tagal kasi nitong si Bricks eh nandito ang mama mo. Susme hindi ko alam gagawin ko eh"
I really admire her gagawin nya lahat para kay Martin. Kung magkwento sya kay Martin parang magkatabi lang sila. Ang childish nya masyado naisip ko nga paano kaya sya hinandle ni Martin.
Nahiga ako sa damo at pinagmasdan lamang sya habang kinakausap nya ang boyfriend nya. I nearly closed my eyes ng biglang.
"ANONG GINAGAWA MO RITO?"
"Ti...Ti-taaa"
"RANIA HINDI KA BA MAKAINTINDI? DIBA SINABI KO NA SAYO NA LUBAYAN MO NA ANG ANAK KO"
"Tita gus..gusto ko lang naman pong maka..makadalaw kay Martin"
Unti unti ng tumulo ang luha nya. Eto nanaman ang kirot sa aking puso tuwing nakikita syang lumuluha.
"AT SINO NAMAN TO? NAGSAMA KA PA TALAGA? ANG LANDI MO--"
Sasampalin na nya si taglagas pero napigilan ko ito.
"Mawalang galang na ho hindi naman po yata tamang ipagtabuyan nyo sya may karapatan din ho sya sa anak nyo. At alam ko kung nasaan man ang anak nyo hindi nya magugustuhan ang ginagawa nyo"
"WALA AKONG PAKIALAM? STEPH TARA NA"
Umalis na sya. Niyakap ko si taglagas at hinayaang sa dibdib ko umiyak.
"Bricks *sob* busy ka ba?"
Umiling lamang ako bilang sagot.
"Halika *sob* samahan mo ako *sob*"
Hinila nya na ako papuntang sasakyan ko at kinuha sa akin ang susi sya na daw ang magmamaneho. Unfamiliar ang mga dinadaanan namin but I let her alam kong this way gagaan ang pakiramdam nya.
After many minutes nakarating din kami. May nagbukas agad ng gate at pinasok nya ang sasakyan ko sa loob. At doon ko nakita ang isang napakagandang bahay.
"Nasaan tayo?"
"Nandito sa bahay namin sa tagaytay. Tara baba na tayo"
Bumaba na kami. Sinalubong sya ng mga kasambahay nila ang sinabi nya lang ay ipaghanda kami ng makakain at hinila na ako pataas.
Wala akong kaide-ideya kung saan nya ako dadalhin nagpatangay na lamang ako sa kanya.
"Andito na tayo. Welcome to my comfort zone"
Inikot ko ang aking paningin. Isa itong kwarto na punong puno ng mga shelves sa gilid na may mga libro para syang library na ang interior design ay galaxy. Makikita mo rin ang iba't ibang paintings. Pero may isang painting na pumukaw sa attention ko isa itong babae na umiiyak.
"Bakit sya umiiyak?"
"Ah yan ba? Imagination ko lang yan habang binabasa ko yung isang wattpad book na "We meet again, Wife?" ganyan kasi diniscribe noong Author yung portrait na Frozen Tears ang pamagat"
"Someday my tears will be frozen and you will never see them fall. Ang lalim naman ng pinang huhugutan. Bat mo naisip ipinta?"
"Wala it hits me bigtime. Napagdaanan ko kasi yung pinagdaanan noong nagpinta nung Frozen Tears"
"Talaga? Kwento mo naman sakin"
"Later. Tara akyat tayo"
At sumunod ako sa kanya. Sabi nya sa attic daw kami pupunta. Pag dating namin dun it was like Romeo and Juliet concept everywhere. Parang pininta sa buong kwarto ang mga unforgettable scenes ng Romeo and Juliet.
"Para ka pa lang si Bliss avid fan ng Romeo and Juliet. Ang gastos nyo siguro sa interior designer ano?"
"Ako ang nagpinta ng lahat ng yan noon. Before I was a avid fan of Romeo and Juliet. I read the book and watch the movie many times hindi ko na nga mabilang eh. I always admires Romeo's love for Juliet. I always dream na sana malaRomeo ang makatuluyan ko balang araw. But one day all those admiration gets down and disappointment raise up"
naupo kami sa may bintana. Sa totoo lang hindi ko sya maintindihan. Every girls is a avid fan of Romeo and Juliet pero bakit yung sa kanya nawala. Hindi ako nagsasalita nakikinig lang ako sa kanya.
"Yung portrait sa baba? It was a portrait inspired by the pain of Romeo's first love"
"Romeo's first love? Eh diba si Juliet ang first love nya hindi ko naman natatandaan na nasaktan sya ni Romeo"
"Hindi si Juliet ang first love ni Romeo there was a girl named Rosaline sya ang first love ni Romeo. Walang nakakaalam kung sino si Rosaline kasi lahat nakafocus kay Romeo and Juliet. Hindi nila alam na bago dumating si Juliet ay may napangakuan na ng kasal si Romeo. Rosaline believes that Romeo was meant for her but Juliet enter the stage and caught Romeo's attention. Sabi ni Romeo kay Rosaline gagamitin nya lang si Juliet but sa huli kinain ni Romeo lahat ng sinabi nya kasi nainlove sya kay Juliet and he left Rosaline with a broken heart"
"Ay ang lungkot naman ng kwento ng portrait na yun"
"Since then I stop admiring Romeo's love for Juliet. Kasi pag naririnig ko ang pangalang Romeo si Rosaline ang naaalala ko hindi si Juliet"
"Bakit sabi mo napagdaanan mo din yun?"
"Yeah napagdaanan ko din sya. I have my own Romeo before Martin came. He was my first love but he left me"
"bakit ka naman nya iniwan?"
"Ewan ko basta ang alam ko lang pagbalik nya meron na syang Juliet. At ako ayun naiwan --"
She stops. Naramdaman ko na lang na dumantay na yung ulo nya sa balikat ko. Nilingon ko sya. She's peacefully sleeping on my shoulders. Bakit ba lagi na lang nya akong tinutulugan pag nagkukwento sya.
Dahan dahan akong tumayo at binuhat sya. Bumaba ako at lumabas sa kwartong yun.
"Anong nangyare?" tanong sakin ng mayordoma yata nila to.
"Nakatulog po habang nagkukwento"
"Hay hindi na nagbago ang batang iyan. Halika sumunod ka sakin ituturo ko sayo ang kwarto nya"
Sumunod ako at narating namin ang kwarto nya. Dahan dahan ko syang binaba at kinumutan. Pinagmasdan ang kanyang mukha. Hinaplos ang kanyang buhok. Habang kinukwento nya ang Romeo nya naalala ko si Neya.
I kissed her forehead and leave her room. Napagpasyahan ko ng byumahe pauwe sa maynila.
Kamusta na nga kaya si Neya?
----------------
Oopps Sino nga kaya si Neya? Ano kaya ang koneksyon ni Neya sa ating mga bida? Keep reading to find the answer 😂😂
Read. Vote. Be a Fan.
You can also comment for suggestion and violent reation 😂😂😂
BINABASA MO ANG
In Between Anger and Love [Turtle Update]
RomantizmA story of a guy who suffer from deep pain dahil sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal sa araw ng kanilang kasal. Will He find another love? Or He will just preserved his heart? Enjoy Reading Date Started: April 27, 2016 Date Finished: ----