Lost Track 13

10 7 2
                                    

Autumn's Point of View






Naalimpungatan ako sa liwanag na dumadapo sa aking mga mata. Tila ba ay nakikita ko si haring araw na sinasabing imulat ko na ang aking mga mata upang maumpisahan ko na ang napakagandang araw. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Kasabay ng pagmulat ng aking mga mata ay dumapo ang kaba sa aking dibdib.









Kaba na nagsasabing may hindi magandang mangyayari sa araw na ito. Kaba na bumabagabag sa aking isipan. Ano kaya ang mangyayari sa araw na ito? At ganito na lamang ang kaba na nararamdaman ko.









Nanatili akong nakahiga sa aking kama at nag-isip. Muli kong naalala ang mga scheduled meetings ko sa araw na ito. Hindi na bago sa akin ang pagdalo sa mga meetings at pakikipag usap sa mga kliyente pero hindi ko alam kung paano ko haharapin ang huling kliyente ko sa araw na ito.








Si Bricks. S'ya ang huling kliyente na haharapin ko sa araw na ito. Si Bricks na taong mahal ko. Si Bricks na pinagkaitan ko ng kaligayahan simula ng mapatay ko ang dapat na katipan nya sa araw ng kasal nila. Si Bricks na umaming gusto nya ako pero alam kong kamumuhian nya ako oras na malaman n'ya ang totoo.









Hindi ko alam kung paano sya haharapin. Natatakot ako na baka sa muling paghaharap namin ay alam na nya ang katotohanan.











Malungkot akong bumangon sa aking higaan at dumiretso sa banyo at ginawa ang aking ritwal tuwing umaga. Pagkatapos ay bumaba na ako upang kumain ng almusal.










"Good Morning Rania. Tumawag pala ulit si Brenna tayo na rin daw ang mag-a-ayos ng venue para dun sa event ng kapatid nya"












"Good Morning din Ate. Sige iinform ko na lamang ang kapatid nya mamaya sa meeting namin"







~~[NATHALIE CALLING]~~





"Hello Nat?" bungad ko ng masagot ang tawag ng aking sekretarya.










[Miss Rania inilipat daw po ang venue ng meeting n'yo mamaya with Mr. Ford] muli akong kinabahan. Mukhang may mangyayari talaga na hindi maganda.









"Saan inilipat?"







[Sa Safe Haven Hotel and Restaurant po]







"Okay. Bye"









Why I have this feeling na may mangyayari? Sana naman hindi. Sana napaparanoid lang ako.









-------------------------








Time flies so fast it's already 4 pm. Yung kaba ko kanina mas dumoble. 1 hour na lang makikita ko na sya. Makakaharap. Pinaghalong excitement, kaba at takot ang aking nararamdaman.






~~[MARTIN'S MOM CALLING]~~




"Hello Tita?"






[Meet me at the cementery now Rania]







"Okay Tita. Bye"








Inayos ko ang aking gamit at dali-daling lumabas sa aking opisina.









"Nat, pwede bang ikaw na muna ang pumunta sa Safe Haven? Ikaw na ang bahalang makipag negotiate sa kliyente. At pag hinanap ako sabihin mo malalate lang ako. Promise I'll make it"








In Between Anger and Love [Turtle Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon