Nagising ako na nasa isang napakagandang paraiso. Isang mapayapang hardin na may sariwang hangin. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at naglibot sa hardin. Paano kaya ako napadpad rito?
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng may matanaw ako na isang babaeng nakatayo malapit sa isang batis. Likod pa lamang ay alam ko na kung sino sya. Hindi ko maaaring makalimutan ang features nya.
"Bliss"
hinawakan ko sya sa balikat. Humarap sya sa akin ng may ngiti sa labi. Ang ngiting nais ko laging makita. Ang ngiting mistulang nagsasabi na wala akong dapat alalahanin. Niyakap ko sya.
"Bliss miss na miss na kita"
A tear fell down on my cheeks. I really miss her. I really do. Humiwalay sya sa aking
Yakap at hinawakan ang aking magkabilang pisngi at pinunasan ang luhang pumapatak galing sa aking mga mata."Shhhh! Bricks don't cry. How many times do I have to tell you na ayokong nakikita kang umiiyak? Tahan na. I'm sorry for leaving you that day. I didn't expect that to happen. I'm sorry"
She cried. I wiped those tears and hug her.
"Bliss shhh! it's okay. It's not your fault. Just wait for me konting panahon na lang magkakasama na ulit tayo"
"I really want that to happen but not now Bricks I want you to live your life. I want you to be happy. I want you to erase all those sorrows and pain. I want you to open your heart again. I love you Bricks and don't ever forget that. In the right time we will be together again but for now I want you to find your happiness"
Unti unti nyang binitawan ang kamay ko at unti unting naglakad palayo sakin. Gusto ko syang habulin pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.
"BLISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!!!"
Napabangon ako. Panaginip lang pala. Sana pala hindi na lamang ako nagising. Nilibot ko ang aking paningin. Hindi ko kwarto ito. Biglang bumukas ang pinto.
"Oh gising ka na pala"
"Sino ka at nasaan ako? Paano ako napunta dito?"
"Autumn ang pangalan ko. Nandito ka sa bahay ko specifically sa kwarto ko. Nakita kita sa sementeryo para kang baliw dun nagpapaulan kaya pinayungan kita tapos maya maya bigla ka nalang nawalan ng malay. Inakay kita papunta sa sasakyan ko. Hindi ko naman alam kung saan ang bahay mo kaya dito na lang kita dinala. Oh eto kumain ka na muna tapos inumin mo itong gamot para bumuti yang pakiramdam mo"
"Salamat"
"I saw you miserable back there. Ano mo sya?"
"Girlfriend. Soon to be wife dapat"
"Ikaw bakit ka nandun?"
"Ah pinuntahan ko yung pinakamamahal ko"
"Ah matagal na syang namatay?"
"Last year lang. Pero kahit naman maglupasay ako dito, kahit mag iiyak ako hindi nanaman sya mabubuhay eh. Aaminin ko miss ko na sya at mahal ko sya pero wala naman akong magagawa pa eh. Hindi na sya babalik pa. Kaya eto ako nag aadjust alam ko namang ayaw nyang malungkot ako eh"
Nakita ko yung sakit sa mga mata nya. Pero bakit ganun kaya nya? Parehas lang kaming isang taon nang nawalan pero bakit sya hindi katulad ko?
"Because I learned to accept it. Ikaw kaya ka ganyan kasi kinulong mo yung sarili mo sa Lungkot. Ako I still want to be my old self kasi alam kong yun ang gusto ni Martin. I still remember noong nabubuhay pa sya ayaw na ayaw nyang umiiyak ako. Kaya nagpapalakas ako kasi alam kong mas malulungkot sya dun kung malulungkot ako dito"
Nagulat na lang ako sa sinabi nya mind reader ba sya? Paano nya nalalaman yung iniisip ko. Ang weird naman nya
"HALA!!!! Bakit ganyan ang mata mo ang lamig? Hindi naman yan ganyan kanina noong nakita kita sa sementeryo ah"
Nagtataka nyang tanong. Ganun na ba kalamig ang mata ko at napakabig deal sa lahat ng taong makakita sa mata ko.
"I'm already okay. Uuwi na ako"
"Sige ingat ka. Nasa labas na yung kotse mo"
"Salamat"
"Sana pag nagkita tayo ulit tunaw na yung yelo mong mata. Teka ano palang pangalan mo?"
"Bricks"
"Bricks hayaan mo na syang maging masaya kung nasaan man sya ngayon. Palayain mo na yung sarili mo sa lungkot"
Nginitian nya ako. Hindi ko na lamang yun pinansin at naglakad pababa sa bahay nya. Siguro pareho kaming nawalan pero wala syang alam. Magkaiba kami kaya wala syang karapatang turuan at pagsabihan ako tsk.
Ako nga pala si Bricks Summer Ford ang lalaking walang pakialam, walang emosyon pag dating sa ibang tao, may yelong mata ayon sa kanila. Simula kasi noong namatay sya parang dinala na rin nya sa hukay ang puso at emosyon ko. Habang nagmamaneho ako hindi ko mapigilang hindi maalala ang mga memories namin sa sasakyan kong ito. Kung gaano sya kakulit at kalambing pag nandito kami.
Bliss Samantha Montes-Ford ka na dapat ngayon Hon kung hindi ka nawala. Siguro sa mga panahong to nasa sinapupunan mo na ang magiging anak natin. Siguro masayang masaya tayo ngayon. Bakit mo kasi ako iniwan Bliss.
Tumutulo yung luha ko habang nagmamaneho ako. Naalala ko nanaman yung panaginip ko. Sorry Bliss pero hindi ko pa kaya yung pinapagawa mo. Hindi ko pa kayang palitan ka.
Nakarating na ako sa bahay. Dumiretso lang ako sa aking kwarto, humiga sa aking kama at nakipagtitigan sa kisame. Tumutulo nanaman yung luha ko. Naiinggit ako kay Autumn hindi ko alam kung paano nya nagagawa yun. Di ba dapat sya yung mas mahina, sya yung dapat mas malala kung magdrama sakin kasi babae sya.
Basta hahanapin ko yung may ari ng sasakyan na yun. Dapat nyang pagbayaran ang nangyari kay Bliss. Hindi ako titigil hanggang hindi ko sya nakikita. Pagbabayaran nya lahat. Dahil kinuha nya ang lahat sa akin. Pinagkait nya sa akin ang maging masaya. Dahil sya ang bumawi ng buhay ng pinakamamahal kong si Bliss.
Humanda ka hindi kita sasantuhin mapababae ka man o lalaki wala akong pakialam dahil sa kapabayaan mo nawala sya. Nawala ang babaeng pinakamamahal ko. Nawala ang babaeng dahilan ng mga ngiti ko. Ikaw ang dahilan ng lahat.
--------------------------------
Author's Note:
Kyaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!! Tapos na ang first chapter. Sana magustuhan nyong mga babasa 😂😂
BINABASA MO ANG
In Between Anger and Love [Turtle Update]
RomansaA story of a guy who suffer from deep pain dahil sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal sa araw ng kanilang kasal. Will He find another love? Or He will just preserved his heart? Enjoy Reading Date Started: April 27, 2016 Date Finished: ----