Lost Track 14

8 2 1
                                    


Bricks' Point of View

Kasalukuyan kaming nakahiga sa ilalim ng mga bituin. Nilingon ko s'ya at pinagmasdan. Seryosong seryoso lamang siyang nakatingin sa mga bituin na parang napakalalim ng iniisip.

"Napakaganda ng kalangitan ano?" sabi niya habang nasa kalangitan parin ang tingin. "Napakasarap niyang titigan" lumingon s'ya sa akin ngumiti lamang ako sa kanya bilang sagot. Muli niyang tinuon ang kanyang paningin sa kalangitan.

"Bricks anong mararamdaman mo kung ikaw ang naging dahilan ng kalungkutan ng isang tao?" nabigla ako sa tanong nya. "Hindi ko alam siguro masasaktan ako, makukunsensya"

"Paano kung mahal mo na yung taong pinagkaitan mo ng kasiyahan? Anong gagawin mo?" napaisip ako sa tanong nya. Ano nga ba ang gagawin ko? Kasi kung sa akin mangyayari yun siguro mabubuwang ako. "Ewan ko pakiramdam ko mabubuwang ako pag nangyari yun sa akin. Bakit mo natanong?"

"Wala naman. Yun kasi pinagdadaanan ng kakilala ko" aww I feel bad for that person. "Pero kung ikaw ang pinagkaitan ng kasiyahan tapos umamin sayo yung gumawa nun na mahal ka niya. Mapapatawad mo ba siya?"

"Ano ba namang mga tanong yan Taglagas? Siguro hinding hindi ko siya mapapatawad. Lalo na kung siya ang pumatay kay Bliss" tama ba ang nakikita ko o guni-guni ko lang na lumuha siya? Pinagmasdan ko ang mukha nya. Guni-guni ko nga lang yata. "Sandali lang. May kukunin lang ako" sabi ko at bumaba upang kumuha ng gitara.






Autumn's Point of View

Siguro hinding hindi ko siya mapapatawad. Lalo na kung siya ang pumatay kay Bliss

Siguro hinding hindi ko siya mapapatawad. Lalo na kung siya ang pumatay kay Bliss

Siguro hinding hindi ko siya mapapatawad. Lalo na kung siya ang pumatay kay Bliss

Siguro hinding hindi ko siya mapapatawad. Lalo na kung siya ang pumatay kay Bliss

Parang ume-echo ang boses ni Bricks sa utak ko at nagpaulit-ulit. Siguro wala na talagang pag asa. Kahit kailan hinding hindi nya ako mapapatawad sa nangyari kay Bliss.

Naiwan akong luhaan dito sa rooftop. Umalis siya saglit at may kukunin daw.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Masakit, sobrang sakit. Bakit ba ganito ang tadhana? Ang galing galing mo naman maglaro tadhana eh.

🎶🎶 it's her hair and her eyes today
that just simply take me away
and the feeling that i'm falling further in love
makes me shiver but in a good way
all the times i have sat and stared

Hinanap ko ang pinang gagalingan ng boses. Dumako ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng rooftop at nakita ko roon si Bricks na may hawak na gitara at kumakanta. 


as she thoughtfully thumbs through her hair
and she purses her lips, bats her eyes as she plays,
with me sitting there slack-jawed and nothing to say

Nagsimula nanaman bumagsak ang mga luha ko. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayang itago o pigilan pa, walang humpay na s'yang tumutulo sa pisngi ko.


coz i love her with all that i am
and my voice shakes along with my hands
coz she's all that I see and she's all that I need
and i'm out of my league once again 🎶🎶

Nakangiti s'ya sa akin. Isang napakagandang ngiti. Iyan siguro ang ngiting tinago n'ya noong mga panahong nagdudusa sya kay Bliss. Napadako ang tingin ko sa kanyang mga mata, wala na ang yelo at lumitaw na ang natural na ganda nito.

🎶🎶 it's a masterful melody when she calls out my name to me
as the world spins around her she laughs, rolls her eyes
and i feel like i'm falling but it's no surprise
coz i love her with all that i am
and my voice shakes along with my hands

Dapat ba akong matuwa dahil nawala na ang yelo mong mga mata o dapat akong matakot dahil maaring bumalik ang mga matang yun pag nalaman mo ang totoo?

cause it's frightening to be swimming in this strange sea
but i'd rather be here than on land
yes she's all that i see and she's all that i need
and i'm out of my league once again 🎶🎶

Palapit s'ya ng palapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang na-estatwa ako. Hindi ako makagalaw. Mistulang tinutunaw ako ng kanyang ngiti at hinihipnotismo ako ng kanyang mga mata.

🎶🎶 coz i love her with all that i am
and my voice shakes along with my hands
cause it's frightening to be swimming in this strange sea
but i'd rather be here than on land
yes she's all that i see and she's all that i need
and i'm out of my league once again 🎶🎶

Saktong tapos ng kanta ay nasa harapan ko na s'ya. Inalis nya ang pagkakahawak sa gitara at pinunasan ang mga luhang umaagos sa aking mga mata.

"Taglagas alam kong masyadong mabilis. Pero hindi ko na napigilan eh, bigla na lang akong nahulog. I thought hindi ko kayang magmahal ulit pagkatapos mawala ni Bliss pero I just did. Nahulog ako sayo unexpectedly"

"Bricks"

"Shhhhh!! Alam mo bang noong araw na una kong nakita ang mukha mo ay yun din ang araw na nakita ko si Bliss sa aking panaginip at sinabi niya sakin na buksan ko ulit ang puso ko para sa iba. Naiisip ko hindi kaya siya ang dahilan kung bakit tayo nagtagpo?"

Wala parin akong imik. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

"Tapos noong araw na iniligtas kita sa Mama ni Martin, noong niyapos kita. Nakita ko si Bliss nakangiti siya sa akin parang sinasabi niya na masaya siya para sa akin. Autumn tingin ko tinadhana mangyari ang lahat ng ito. Mahal na kita Autumn"

Bigla niya akong niyakap. Dapat sa mga oras na to ay masaya ako at kinikilig pero hindi ko magawa.

"Pwede ba kitang ligawan?"

Nagsimula nanaman bumagsak ang mga luha ko gusto kong sabihing Oo pero hindi kaya ng konsensya ko. Humiwalay ako sa yakap nya at tumungo.

"I'm sorry Bricks pero hindi pwede"

Tumakbo ako. Narinig ko pang isinisigaw niya ang pangalan ko pero hindi ko ito nilingon sa halip ay tumakbo pa ako ng mas mabilis para makalayo sa lugar na yun. Para makalayo sa kanya.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa naabot ko ang dalampasigan. Napaluhod na lamang ako ng maramdaman ko ang pagod at hingal. Umiyak lamang ako ng umiyak. Hanggang sa humangin ng napakalakas at naramdaman ko na lamang ang isang yakap.

"Diba sabi ko ayaw kong nakikitang umiiyak ka? Everything will be fine Rania. Maybe not now but soon"

I closed my eyes. Naramdaman kong ligtas ako sa mga bisig nya. Pinakiramdaman at sinulit ko ang yakap na iyon hanggang sa muling humangin ng malakas at nawala na ang mga bisig na nakayakap sakin.


Salamat Martin. Salamat hindi mo ako tuluyang iniwan.



---------------------

Lumabas na si Bliss sa nakaraang chapters. Papahuli ba si Martin? 😂😂

From 0 to 300+ reads. Taray improving 😊😊
Thanks for Reading. 😘😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Between Anger and Love [Turtle Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon