Chapter 1

50 3 0
                                    

"Santa, promise ko hindi ko na hahayaan na saktan ka nila kasi diba ako si Darna? Babatuhin ko sila ng stars ko kapag ni-away ka nila ulit!" alo ko sa kanya. Umiiyak parin kasi siya tulo uhog. May nang-away kasi sa kanya buti nalang ni-sundo ko siya dito sa garden.

Nandito kami sa garden ng school hinihintay namin si Nanay nagliligpit pa kasi siya ng mga paninda sa canteen. Nagtatrabaho si Nanay bilang tindera dito sa school kapalit ng pag-aaral namin. Nasa ika'tlong baitang na kami sa elementarya.

"Eh, ni-away na nila ako bago ka dumating! Meron bang Darna na late?
Ang sakit ng pwet ko ni-tulak ako ni Kikang." Reklamo niya habang hinahaplos ang pwet-an niya. Ang cute niya talaga.

Lukot na lukot parin ang mukha niya at ang dungis pa dahil nagpagulong-gulong sila ni Kikang sa lupa kanina.
At dahil kambal kami feeling ko kinakausap ko ang sarili ko. Nakakatawa nga kasi hindi lang sa itsura pati na boses namin ay halos magkapareho. Minsan nga inisip ko kung bakit hindi nalilito si nanay sa aming dalawa samantalang yung iba madalas pagpalitin ang pangalan namin.

Maya-maya ay namataan ko na palabas na si Nanay ng canteen.

"Hayan na si Nanay. Umayos kana para hindi niya malaman na nakipag-away ka. Papaluin tayo pareho sa pwet niyan eh." Sabi ko. Ni-tulungan ko na siya mag-pagpag ng uniporme niya para hindi mahalata ni Nanay.

"Santi, Santa! Halina kayo at uuwi na tayo!" Tawag sa amin ni Nanay. Kaya agad kong hinila si Santa papunta sa kinaroroonan ni Nanay.

"Basta Santa ha, totoo yun ni-sabi ko kanina. Ako si Darna at poprotektahan kita." Nakangiting sabi ko kay Santa bago pa kami makarating kay Nanay. Ngumiti naman siya sakin.

Lahat gagawin ko para hindi na siya umiyak dahil sabi ni Nanay kami ay iisa.

"Santi, gising na!"

Nagising ako sa boses ni Nanay. Napanaginipan ko nanaman siya. Nagmulat ako ng mga mata at ginala ang aking paningin papunta sa orasan. Alas kwatro na pala ng madaling-araw. Kaya kaagad rin akong bumangon para mag-asikaso sa pag-pasok sa eskwelahan.

Pagbaba ko sa kusina naabutan kong nagaayos ng almusal si Nanay. Nang napansin niya ang presensiya ko ay agad niya akong kinausap.

"Hindi nga pala ako uuwi mamayang gabi dito. Doon ako sa Auntie Lira mo matutulog at aalis silang pamilya ako ang tatao doon. Ikaw na ang bahala dito mamaya. I-lock mo nalang ang pinto pag-alis mo." Paalala niya sabay talikod papanhik sa kwarto. Ni hindi manlang ako hinintay na sumagot.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ganyan naman talaga si Nanay sakin simula noong... Hays, ayoko na maalala pinipilit kong kalimutan pero kapag nakikita ko si Nanay pati narin ang tingin niya sa akin parang bumabalik ang lahat sa nakaraan.

Kasalanan ko naman talaga. Kung hindi dahil sa akin hindi sana mangyayari yun. Kahit pa yata buong buhay kong pagsisihan wala na akong magagawa dahil hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan.

Pero lahat gagawin ko manumbalik lang ang kislap sa mga mata ni Nanay.

Kahit ika-sakit ko pa.

One Selfless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon