Chapter 8

9 3 0
                                    

Fuck! Bwisit na door girl yon. Sabihan ba naman akong pangit! Never pa ako nasabihan ng panget. Bukod sa tinapakan niya ang pagkatao ko sa pag-tawag niya ng pangit ay tinapakan pa niya ako.
Tinawag rin niya akong biscuit! Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko naman sinasadya na saktan nanaman siya ng literal. Kung bakit ba naman kasi kung kelan ako magbubukas ng pinto ay palagi siyang nasa likod.

Kaya pala magkakilala sila ni Kuya ay dahil sa rito pala siya nagpa-part time as maid. So, that means na everyday ko siya makikita. Now, I'm wishing that we're in different department so that I seldom see her. Alam kaya niya na amo niya ako? Obviously, not. Kasi kung alam niya hindi niya ako tatapakan because she's just our maid. Kailangan ko siyang maturuan ng leksyon.

Mukang nakakita na ako ng gagawin kong laruan. I'm excited!

"Hansen! Naayos mo na ba ang mga gamit mo sa room mo? If not, I'm here volunteering myself. " Tanong ni kuya. Tumabi pa siya sakin. Bagong paligo siya at mukhang nakapantulog na siya. Narito kasi ako sa garden at nagpapahangin masarap ang simuy ng hangin rito lalo at gabi.

"Yeah, naiayos ko naman na kanina. Saan ka galing? Hindi na kita nakita kanina dito after kong dalhin sa room ko ang mga gamit ko." Usisa ko. Bigla nalang kasi siyang nawala. Tinanong ko ang mga katulong pero hindi raw nila alam.

"May inutos kasi sakin si lolo kaya umalis din ako kaagad. Alam mo na ako lang ang katulong niya rito sa mga negosyo." Nakangiting sagot niya. Mukang busy siya masyado dahil saming magka-kapatid ay siya lang ang namiling dito nalang mag stay kasama si lolo. Samantalang kaming magpipinsan ay mas pinili na manirahan sa malalayong lugar.

"Gustong gusto mo talaga rito. Kahit noon pa. Anyway, anong ginagawa mo sa library kanina? And that door girl, maid pala natin yun?" Nakita ko namang napangiti siya nang banggitin ko ang babaeng yun. I feel something.

"May sinoli lang akong books at si Santi naman bago lang siya rito satin namamasukan. Nag-aaral siya sa umaga tapos dito na siya didiretcho. Kailan ko lang rin siya nakilala noong nagka-bungguan kami sa mall. Nakakatuwa nga siya eh. Napaka-natural at walang arte talaga. Magkasing-edad lang kayo nun." Ngiting-ngiti pa siya habang kinukwento si door girl.

"Type mo siya no?" Agad na tanong ko. Ngumiti lang siya bilang sagot sa tanong ko. Well, it's confirmed.

"Ganung babae pala ang mga type mo, Kuya." Napasimangot ako.

"She's cute. Ang pakilala ko nga ay driver ako dito sa mansyon. Kaso mukhang mabubuking na niya ako at alam na niyang kapatid kita. Balak ko kasi siyang ligawan kaya nagpanggap ako na mahirap lang din." Kwento niya pa. Nag buntun-hininga pa siya.

"Well, you have to face your consequences. I'm sure naman na sasagutin ka nun kung hindi ka nagpakilalang driver. Sa gwapo at yaman mo eh hulog na hulog na yun sayo." Sabi ko. Ang yuck ng taste ni kuya.

"Paano kung hindi? Isa pa, kaya ako nagpanggap na driver kasi ayokong magustuhan ako dahil sa isa akong Santibañez. Gusto ko yung ako ang gugustuhin nila hindi ang pera o pangalan ko." Aniya pa. Lumungkot ang itsura niya.

"Eh, kung ako nga nag-eenjoy sa pangalan ng pamilya natin tapos ikaw nagtatago? Sinabi mo na bang gusto mo siya?" Parang diring-diri naman ako sa topic namin ngayon. Hindi ko alam na torpe pala itong Kuya ko. Kung anong kina-tinik ko sa chicks eh siya naman itong torpe.

"Hindi. I don't know how to tell her. Kapag nakaka-usap ko siya nauutal ako. Can you do me a favor? Please, help me. Be our love bridge, brother." Medyo nagulat pa ako sa huling sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya.

Nakatingin siya sa akin at naghihintay ng sagot.
Maisip ko lang na liligawan siya ni Kuya eh nakakadiri na. Yun pa kayang magiging sila at worst maging wife na niya in the near future. And lastly, as much as I want to be far from her eh ito naman ang nangyari. I'll be their love bridge.
But, ngayon lang siya humingi ng pabor sakin. Ang hirap tumanggi. Bahala na.

"S..sure. Ofcourse I'll help you." I'm doomed.

One Selfless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon