Chapter 3

14 3 0
                                    

Kinabukasan.

"Hija, paano ngayon kana magsisimula kung ayos lang sa'yo." Nakangiting sabi ni Senyor Santibañez.

Nandito kami ngayon sa hardin. Napaka-ganda ng lugar. Ngayon palang ako nakapasok dito kaya sobrang nagagandahan ako. Paraiso pala ang nakatago sa malakaing gate ng mga Santibañez.

Dito ako pinatuloy ng isa sa mga naninilbihan dahil narito raw ang Senyor. Pagkarating ko kanina ay naabutan ko siyang nag aalmusal habang nag babasa ng dyaryo. Malayo palang ay bakas na sa mukha ng matandang lalaki ang kabaitan nito at kahit na matanda na ay hindi maiaalis rito ang kagwapuhang taglay. Siguro maganda ang lahi nito.

Nakapag-usap na kami kanina ng tungkol sa pagpasok ko rito bilang isang kasambahay. Naipaliwanag na niya sakin lahat ng kundisyon ng pamilya.

"Opo, Senyor. Maari na po akong magsimula. Salamat po at binigyan niyo po ako ng chance na makapag-trabaho rito sa inyo habang nag-aaral po ako. Malaking tulong po ito para sa akin." Pasasalamat ko sa matandang Santibañez.

"Sige, hija. Pumasok kana sa loob at hanapin si Socorro, ang mayordoma at dahil siya na ang bahala sa iyo sa mga gawain rito." Utos niya. Napakabait niyang kausap. Ang buong akala ko ay isang masungit at mapagmataas ang makakausap ko. Nagkamali ako.

Nagpaalam na ako at iniwan na ang Senyor sa hardin.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi igala ang aking paningin sa mga magagandang bagay na naroon. Grabe pala talaga ang yaman nila.

Habang papasok sa loob ay may nakasalubong akong isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang rin. Maganda siya, matangkad at sexy pero mukang mataray. Base sa pagkakatingin niya sa akin eh parang lalamunin niya ako ng buhay.

"Miss, ako nga pala si Santi. Bago akong katulong rito. Itatanong ko lang sana kung saan ko maaaring makita si Manang Socorro. Sa kanya kasi ako pinapupunta ni Senyor para itanong ang mga gagawin ko ngayong araw." Pagpapakilala ko. Nakita kong sumimangot ang mukha niya.

"Hindi ako Manang! Ako si Socorro! Ma'am ang itatawag mo sa akin dahil under kita. Maliwanag?" Nanggagalaiti ang mukha niya. Malay ko ba na bata pa pala ang mayordoma rito. Akala ko naman kasi matanda na. Ganun naman talaga kadalasan diba pag mayordoma eh may edad na.

"Ay, Ma'am. Pasensya na po! Ang akala ko po talaga ay matanda na ang mayordoma rito. Masungit pala. "
Sabi ko.

"Anong sinabi mo?" nakataas-kilay na tanong niya.

"Wala po. Ano na nga po pala ang una kong gagawin ngayong araw?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Magpalit ka muna ng damit mo. Nakita mo yang daan na yan? Pang apat na pintuan pumasok ka roon at magbihis. Naroon ang mga maid's uniform. Pagkatapos ay una mong linisin ang CR sa unang kwarto sa itaas. Wag kang magkakamaling makialam ng ibang gamit roon at malilintikan ka!" Utos niya sakin. Sabay alis.

Ang sungit naman nun. Parang mahihirapan ako na pakisamahan siya. Akala mo naman siya ang amo ko. Ayokong masira ang araw ko kaya magpapalit nako ng uniform. Sinundan ko naman ang instruction ni Sungit kanina. Namangha ako pagkabukas ko ng pintuan dahil napakaganda ng loob ng kwartong iyon.

May malalaking salamin sa loob. Mukha itong dance studio eh.
Nakita ko bandang kaliwa ang mga maid's uniform at napaka rami talaga. Lumapit ako roon at kinuha ang isang plastic na may nakasulat na Medium. Yun kasi ang size ko. Agad akong nagbihis. Humarap ako sa salamin at natuwa naman ako sa nakita dahil bumagay sa akin itong suot ko. Ang cute nga eh! Parang anime lang ang datingan. Paikot-ikot ako dahil hindi ako mapakali sa suot ko sa sobrang cute nito. Nang magsawa na ako ay napagpasyahan kong lumabas na at simulan ang unang araw ko bilang katulong.

----------------

Alas otso na pala ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras. Ang dami kasi ng pinagawa sa akin ng sungit na yun eh. Parang ako lang yata ang gumagawa lahat rito. Hindi pa pala ako nag hahapunan.

Pumunta ako ng kusina para kumain hanggang 8:30 lang kasi ang oras ko kaya gagamitin ko ang natitirang oras ko sa pagkain.

Nako, mapaparami ako ng kain nito. Ang sabi naman ni sungit kanina ok lang daw kumain ng marami.
Kaya naghain nako ng kakainin ko at nagsimulang kumain. Mukang lamon ang gagawin ko ngayon. Sa sobrang gutom ko sunud-sunod ang ginawa kong pag-subo. Ang sarap ng sinigang talaga. Susubo ulit ako ng biglang may nagsalita.

"Ehem, dahan-dahan naman. Baka naman mabulunan ka niyan eh!"

Napalingon ako sa nagsalita. Para akong nakakita ng anghel na bumaba sa langit. Ang gwapo. Nakatayo siya sa may pintuan ng kusina at nakasandal. Ang mga kamay niya ay nakasuksok sa dalawang bulsa niya.
Lord! Penge pa pong kanin!
Ang yummy nitong nakikita ko!

Si Hans ito ah! Pero bakit ang ayos niya yata manamit ngayon. Hindi na siya mukhang driver eh. Para na siyang isang model ngayon.

"Hans? Ikaw ba yan?" Tanong ko.
Lumapit naman siya at umupo sa harapan ko.

Hala! Mas gwapo siya sa malapitan. Kanin pa po talaga mga isang kaldero!

"Ah.. eh ako nga! Kamusta naman ang first day mo rito? Hindi ka ba naman nahirapan?" Paguusisa niya sakin.

"Ayos lang naman ang daming pinagawa sakin. Nakalimutan ko na ngang kumain kaya ngayon lang ako kakain. Maya-maya ay uuwi narin ako. Kain ka!" Sagot ko.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko para matapos na at makauwi na.

"First day mo palang ah. Bakit marami kaagad pinagawa?" Kunot noo nyang tanong.

"Oo marami talaga. Siguro may dalaw yang si Ma'am Socorro kaya pati ako eh dinadamay sa init ng ulo niya." Panay parin ang subo ko.

"Hindi bale sa mga susunod na araw ay gagaan na rin naman yang gawain mo." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Sana nga, Hans. Oo nga pala. Bakit bihis na bihis ka yata ngayon. Akala ko pa naman kung sinong modelo ang pumasok rito. Ikaw lang pala. Day off mo ba?" Usisa ko habang nagliligpit ng pinagkainan. Ngumiti lang sya at saka ako tinulungan magligpit.

"Ah.. Eh.. Oo. Day off ko ngayon. Lumabas lang ako para makapag relax." Aniya. Umiwas siya ng tingin sakin.

"Alam mo bagay sayo iyang mga ganyang porma. Mukha kang amo kaysa driver. Panay kang mag porma ng ganyan panigurado marami kang mabibihag." Payo ko. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw ba? Hindi pa?" Tanong naman niya. Napalingon ako sa kanya habang nagpupunas ng kamay.

"Huh?" Takang tanong ko.
Hindi ko kasi naintindihan talaga.

"Wala. Uuwi kana ba? Hatid na kita." Alok niya.

"Oo, uuwi na ako at maaga pa ang balik ko bukas dito. Pati hindi na kaya ko naman na umuwi mag-isa. Sanay ako. Magpahinga ka nalang at bukas eh panigurado may lakad kayo nila Senyor." Pagtangi ko.

Ayoko rin naman ng nakaka-abala ako sa ibang tao. Naalala ko nga pala si Nanay hindi pa niya alam na nagta-trabaho na ako. Hindi pa kasi kami nagkita dahil maaga akong umalis kanina. Malamang nakauwi na sa bahay si Nanay.

"Sure ka? Hindi ka na magpapahatid? Last chance." Ulit pa niya. Maypag-taas pa ng kilay. Ang gwapo niya talaga.

"Nako, hindi na talaga. Ok lang ako. Sige na. Tapos na ako rito at kailangan ko na magpaalam kay Miss Socorro." Sagot ko.

"Umuwi na siya. 6pm kasi ang out niya kaya hindi mo na kailangan mag-paalam. Ako na ang bahala magsabi. Ingat ka pag-uwi." aniya.

"Ay ganun ba? Sige, Hans. Aalis na ako. Salamat." Paalam ko. Ngumiti at nag wave pa siya sa akin. Ngumit rin ako pabalik bago tuluyang tumalikod. Lumabas na ako ng kusina at nagbihis na.

Hays. Grabe ang pagod ko talaga. Malamang pagkauwi ko makatulog ako kaagad sa tindi ng pagod ko.

Kaya ko ito.

One Selfless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon