Masakit parin ang mukha ko at pulang-pula parin ito hanggang sa ngayon. Mas masakit pa ito sa mga palo sa akin ni Nanay noong bata pa ako. Kung hindi ba naman kasi babara-bara yung lalaking nagtulak sa pinto kanina hindi ako masasaktan ng ganito.
Ang buong akala ko pa ay si Hans ang nagtulak nun. Yun pala eh yung kapatid daw niya na Hansel yata ang pangalan, parang biscuit lang.
"Cassie, hindi ka man lang nag kukwento puke ka! May kakilala ka palang ganun ka-gwapo." Kinikilig na sabi ni Umi sakin at may pag palo pang kasama. Palabas na kami ng school ngayon dahil uwian na namin.
At ako naman ay diretcho na sa mansyon para mag-trabaho."Ah, si Hans ba? Kelan ko lang din naman siya nakilala. Family driver siya doon mansyon ng mga Santibañez na pinapasukan ko." Sabi ko. Kahit kelan talaga kerengkeng itong babaeng ito. Napailing nalang ako.
"Ano naman kung may kilalang gwapo si Cassie? Hindi naman iyan tulad mong kerengkeng no!
Makakita ka lang ng gwapo wala ng usa-usap eh mukhang sasama ka agad. Wag ganun! Pag ikaw na gang rape ewan ko nalang." Sabat naman ni Agatha na hinila pa ang buhok ni Umi."Napaka-sadista mo talaga! At isa pa hindi ako basta sumasama no. Kahit pa naglalandi ako hindi ako easy to get! Sungit! Tomboy!" Bawi naman ni Umi.
"Hay nako, kayong dalawa talaga oh! Tama na yan. Dito na tayo maghiwalay at sasakay nako ng jeep para maaga ako sa trabaho ko. Sige na beso na!" Awat ko. Nagpaalam naman na kami sa isa't-isa.
Nang makasakay na ako ng jeep ay natanaw ko parin ang dalawa na hindi parin maawat sa pag aasaran nila.
Kahit ganyan silang dalawa ay mahalaga rin sila sa akin.
-----------------
"Santi! Nagawa mo na ba yung pinalilinis ko sayo sa itaas?" Tanong sakin ng mahaderang si Soccoro.
"Tapos na po. Kaya nga nandito na ako sa baba eh." Pabulong kong sabi. Nakapamaywang nanaman siya. Minsan naiisip ko na hindi kaya siya ang amo ko talaga at hindi ang mga Santibañez.
"Bakit mapula iyang mukha mo? Hindi ka ba naturuan ng tamang pag ba-blush on at sa buong mukha mo nilagay!" Puna pa niya. Ll
Kung umasta kasi talaga eh manggigigil ka talaga. Kung pwede nga lang na i-mop ko ang pasmadong bibig niyan eh ginawa ko na.
"Pagkatapos mo linisan yang mga vase eh isunod mo ang cr dito sa ibaba. Ayusin mo yang trabaho mo." Tumalikod na siya kaagad. Ang hilig niya mag walk out.
Walk out queen talaga!
Natapos ko na punasan ang mga malalaking vase kaya lilinisin ko naman ang C.R..
Habang naglilinis ako ay naalala ko ang nangyari kanina. Oo gwapo si Hans pero ayoko mang aminin pero mas gwapo yung Hansel biscuit.
Ngayon lang ako nakakita ng ganung klase ng nilalang. Perfect! Yan ang masasabi ko."Hans?" Bulalas ko ng makita ko si Hans na lumabas ng pinto. Medyo malabo ang paningin ko dahil sa pagtama ng mukha ko.
Narinig kong tinawag niya rin ako pero nabaling sa iba ang atensyon niya na dahilan ng pag lingon ko sa lalaking parang isang anghel na bumaba sa langit at tinawag ito ni Hans na Hansel.
Noong una ay nakalimutan ako ni Hans. Pero kalaunan naman ay naalala niya ko nang pekeng umubo ang dalawang kaibigan ko.
Pinakilala niya sa amin ang katabi niyang lalaki. Nakatitig lang ako sa kanya kaya hindi ko masyado narinig ang pangalan nito.
Hindi pala si Hans ang dahilan ng pagtama ng aking mukha sa pinto kundi ang mukang anghel na iyon.
Nang masiguro nila na maayos naman ako ay nagpaalam na silang dalawa. Pero sa tingin ko ay naniniwala na ako sa forever.
Naalala kong nabanggit niya na kapatid niya iyong gwapong biscuit na iyon. May kapatid pa pala siya. Sabagay wala naman akong masyadong alam kay Hans dahil ang alam ko lang ay driver siya rito sa mansyon.
Nakapagtataka at iyong kapatid ni Hans ay panay ang salita ng English. Napansin ko rin na bahagya ang pag salita ni Hans ng English. Ang porma at kilos nila kanina ay parang mga anak mayaman.
Para kasing may mali.Ewan! Ayoko na mag-isip.
Natapos ko na linisin itong C.r. kaya sa kitchen naman ako mag-iimis.Pabukas na ako ng pinto nang bigla itong bumukas ng malakas kaya tumama nanaman sa mukha ko ito.
"Aray! Lord, pinto nanaman po. Masakit pa rin po ang mukha ko tapos ito nanaman." Daing ko. Naramdaman ko naman na nakapasok na ang nagbukas nito. Kasalukuyan akong nasa likod ng pinto.
"It's you again! The door girl!" Turo pa niya sakin. Walang iba kundi yung lalaking biscuit.
Lord, crush ko lang naman siya. Hindi pa kami pero sinasaktan na kaagad ako. Nasaan po ang hustisya?
Umalis ako sa likuran ng pinto at dinuro siya. Kahit pa na-crush at first sight ako sa kanya hindi ko na palalampasin ito.
"Hoy! Ikaw nanaman! Aba, durog na durog na ang mukha ko sayo. Hindi pa ako nakaka-move on sa sakit ng mukha ko kanina dinagdagan mo pa! Sira ulo kang biscuit ka!" Sigaw ko sakanya at saka ko tinapakan ang paa niya. Napa-aray siya sa ginawa ko. Dapat lang sa kanya yun.
"What the hell, door girl! It's not my intention to hurt you.." sabi niya habang hawak ang paa niyang tinapakan ko. Nakakatawa siyang tignan.
"Asus! Ganyan naman kayong mga lalaki! Lagi niyong sinasabi yang linyang yan! Not intention, not intention ka pang nalamaman d'yan. Lagi niyo nalang kaming sinasaktan mga babae!" Putol ko sa kanya.
"Teka, yung pagtama ng mukha mo sa pa pintuan parin ba ang pinag-uusapan natin o humuhugot ka?" Seryosong tanong niya sakin. Ang gwapo niya talaga.
"Argh! Nakakainis ka! Hindi ka gwapo!" Inis na sabi ko sabay labas.
Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko bukod sa pagtama nito sa pinto. Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
One Selfless Heart
RomanceKaya mo ba na magpaubaya para sa ikasasaya ng iba? Paano kung may humiling sayo na iwan ang taong nagpapasaya sayo? Gagawin mo ba? Hanggang kailan mo siya susundin? Hahayaan mo nalang ba na mawala ang taong mahal mo dahil sa iisa kayo ng gusto? -l...