Chapter 11

13 2 2
                                    

"Babae ka! Pasalamat ka at napaki-usapan ko si Mommy na puntahan ka sa office ng Mall na yun kung hindi dun ka magmamagdamag. Hays!" Inis na sumbat sa akin ni Agatha. Nandito na kami sa bahay nila dahil dito na muna ako magpapalipas ng oras bago umuwi sa bahay.

Sila ang tinawagan ko para sunduin ako. Mabuti nalang at mabait si Tita Agathea at napakiusapan na puntahan ako. Hindi ko kasi pwede sabihin kay Nanay na nasangkot ako sa gulong hindi ko naman ginawa.
Mabuti nalang at nag-demand si Tita na tignan ang cctv mula sa Tom's World kung saan talaga ako nanglalaro kanina ng mga oras na yun.

Ang ikina-bigla lang namin ay yung cctv sa isang sikat na department store na may isang babae na namimili sa mga pwesto ng mga pabango. Mayamaya ay nakita namin na may kinuha siyang dalawang bote at agad na sinilid sa kanyang jacket. Napatingin pa siya sa may camera at agad nagmadali umalis dahil may nakahuli sa kanya at saka naghabulan palabas.

Kaya pala ako ang pinag-pipilitan ng saleslady na ito dahil kamukha ko ang babae na nasa record ng cctv.
Paanong nangyari yun na magkamukhang magkamukha kami. Hindi maaring siya si Santa dahil matagal na siyang patay.

"Buti nalang at naisip ni Mami na tignan yung time sa parehong record kaya ka nakalusot!" Patuloy pa ni Agatha habang nilalantakan ang cake na binili namin kanina.

"Pero kamukhang-kamukha mo talaga siya, Puks! Hindi kaya kapatid mo siya? Kasi diba ganun naman yun kapag kamukhang kamukha mo edi magkapatid kayo?" Hirit naman ni Umi na nakikipag-agan kay Agatha sa cake.

"Imposible naman iyon! Matagal nang wala si Santa. Kaya hindi siya ang kapatid ko." Kontra ko. Pero sigurado ako. Nakita ko siya noon wala ng buhay. Napapaisip ako sa mga nangyari. Nakita kong napalingon silang dalawa sakin.

"Hindi siya ang kapatid ko dahil wala na talaga siya. Maaring kamukha ko lang talaga siya." Sigurado ako hindi si Santi yun.

Mayamaya ay nag-paalam na ako sa kanila dahil walang tatao sa bahay. Naroon nanaman si Nanay kina Auntie, napapadalas na siyang naroon.

Habang pauwi ay hindi ko parin maialis sa isip ko yung babae sa record ng cctv kanina.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Nanay kapag nalaman niya ang nangyari kanina sa Mall? Lalo na kapag nakita niya yung kamukha kong magnanakaw. Mapapaisip rin kaya siya?
Malamang maiisip nanaman niya ang kapatid ko.

Merong parte sa isipan ko na gusto ko siyang makita ng personal para makita ko kung talagang magkamukhang magkamukha kami. Gusto kong marinig ang boses niya at makita ang mga mata niya.
Hindi ko maiwasang mabuhayan ng loob na baka nga buhay pa ang kapatid ko.

Hindi kaya palagi ko siyang napapanaginipan..

-------------------

HANSEN's POV

Napaka-boring ng araw na ito. That's why I am here in this Mall touring myself around. Hindi ko mahagilap si Kuya Hans kaya ako nalang ang mag-eenjoy mag-isa.

While I am choosing my favorite brand of shirt in the display racks, someone's catch my attention on the perfume section.
Hindi ako maaring magkamali. Si "door girl" yun! It looks like she's enjoying her day off. Wala kasi siya sa bahay at sabi ay dayoff nga daw.

Inamoy na niya halos lahat ng pabango doon maya maya ay nakita kong lumingon-lingon siya. Nagulat ako nang bigla niyang inilagay sa bulsa ng jacket niya ang dalawang bote ng pabango. Napalingon ako sa isang babae na sumigaw ng "Magnanakaw!"
Pagtingin ko kay door girl ay napatingin din siya sakin at saka nagmadaling lumabas dahil nahuli siya. Hinabol pa siya nung babae pero sadyang mabilis siyang tumakbo.

"Nahuli na yung babae!" Sigaw nung isang saleslady. Napalabas ako para puntahan kung saan nila nahuli. Hindi nga ako maaaring magkamali siya nga talaga yun pero mukhang nagulat siya.
Ang dami nang nakapalibot na tao sa kanya. Meron na ring guard na kumakausap sa kanya. Pero mukhang naguguluhan siya sa mga nangyayari sa paligid niya. Hindi niya ako mapapansin sa dami ng tao. Hindi nagtagal ay halos kaladkarin na siya ng guard.

How could she do that? Wala ba siyang pera para gawin yun?
But, one thing that's confusing is.. how can she changed her clothes that fast? That's not her clothes inside the store.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Selfless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon