Saint Lorenzo University
"Santina Cassandra Arguelles!"
"Ms. Arguelles!"
"Uy! Cass, tawag ka ni Ma'am!" Kalabit sakin ni Agatha.
Attendance na pala. Hays. Wala nanaman ako sa sarili. Halos lahat sila nakatingin na sa akin. Nandito pa naman kami sa likod naka-upo. Nahiya naman ako."PRESENT po, Ma'am!" Apologetic na sagot ko sabay yuko.
"Ikaw, lumilipad nanaman yang isip mo ha. Kapag ikaw napagalitan nanaman nako nako nako!" Inis na bulong niya. Sabay patuloy sa pagreview.
Pagkatapos ng attendance ay hinayaan na kami ni Ma'am na mag-review para sa darating na exam namin. Hindi naman ako makapag-concentrate dahil hindi ko makalimutan ang panaginip ko kanina.
Napapadalas na kasi ang pagpapakita niya sa panaginip ko.
Hindi kaya dahil sa malapit na ang pang siyam na taong kamatayan niya?-------------------
Kasalukuyan akong nakatambay dito sa may garden ng school. Uwian na pero hindi ko pa gustong umuwi dahil wala naman akong kasama sa bahay ngayon kaya dito na muna ako.
Bigla ko naalala ang kakambal ko.Siyam na taon na ang nakalipas pero parang pakiramdam ako hindi naman siya namatay. Nararamdaman ko sa puso ko na buhay pa siya na binabantayan lang niya ako.
Noon madalas sabihin sa amin ni Nanay na kami ay iisa na ang puso namin ay iisa. Naaalala ko pa noon kapag may naramdaman akong kakaiba si Santa kaagad ang naiisip ko at kaagad ko siyang pupuntahan. Hindi ako nagkamali dahil madalas ko siyang naabutang umiiyak at inaaway ng mga classmate niya.
Yun nga yata ang sinasabi nilang connection naming dalawa. Na kapag nasasaktan ang isa ay mararamdaman naman iyon ng isa.Sa aming dalawa, si Santa ang mahina ang loob. Ako ang palaging sumasalo sa kanya. Kapag may nagawa siyang kasalanan ay kaagad siyang umiiyak at hindi ko naman kayang nakikitang nasasaktan siya kaya nakikipag-palit ako sa kanya. Inaako ko ang kasalanan na dapat sana ay sakanya.
Tinitiis ko ang sakit ng palo ni Nanay. Madisiplinang tao ang Nanay kaya hindi niya hinahayaan na lumaki kaming matigas ang ulo.
Kapag pinaparusahan na ako ni Nanay ay nakatayo lang sa gilid si Santa at umiiyak. Siguro nararamdaman niya din ang sakit na nararamdaman ko at pagkatapos noon ay magsosorry siya sa akin kaya ayos lang sakin na saluhin siya.
Siguro kung nandito parin siya sabay namin pagsisikapan maabot ang mga pangarap namin. Ang gusto niya kasi maging isang pastry chef, paborito niya kasi iyong cake lalo na yung strawberry flavor at ayaw na ayaw niya ang chocolate. Hindi katulad ko wala akong hilig sa matatamis.
Sa ngayon, pipilitin kong makapagtapos para makapagtrabaho sa isang malaking kumpanya.
Nasa ika'tlong taon na ako sa kolehiyo sa kursong Business Administration.
Nakakapag-aral ako ng libre dahil sa amo ni Nanay si Mrs. Chua. Mabuti nalang at may mabait na puso na nagpa-aral sakin dahil hindi naman kakayanin ni nanay ang gastusin sa school. Namamasukan si Nanay bilang katiwala sa bahay ng pamilya Chua. Matagal na siyang naninilbihan doon dalaga palang daw siya kaya malaki ang tiwala sa kanya ng pamilya.Naaalala ko kapag tinatanong naman namin siya ni Santa noon kung sino ang Tatay namin pero hindi naman siya sumasagot panay iniiba niya ang usapan hanggang kahit sa paglaki ko hindi naman niya sinasagot.
Naiisip ko habang lumalaki ako na baka may hindi magandang nangyari sa nakaraan nila kaya ayaw ni Nanay na ungkatin at makilala namin ang Tatay. Nilalawakan ko nalang ang isip ko para maintindihan si Nanay. Pero syempre gusto ko rin namang makilala ang Ama ko, kung ano ang pangalan niya at kung kamukha ba namin siya ni Santa.
Umaasa parin naman ako na balang araw ay malalaman at makikilala ko rin ang tunay kong Ama.
----------------
Kasalukuyan akong naglilipit ng pinag-kainan kinagabihan ng may kumatok at tumatawag sa labas ng bahay kaya agad kong tinungo at sinino ang nasa labas. Si Hans pala.
"Tao po! Santi! " patuloy na tawag niya.
"Oh, Hans. Anong atin? Gabi na at napasugod ka? Halika, pumasok ka." Tanong ko pagkabukas ko ng pintuan. Napaka-gwapo naman talaga nitong lalaki na ito. Walang tulak-kabigin. Ang alam ko namamasukan siya sa pamilya Santibañez bilang driver.
"Eh, ano.. ah.. kasi.." pautal-utal na sabi niya.
Gwapo na sana kaso parang mahiyain masyado. Narinig ko naman kung paano siya makipag-usap sa iba pero hindi naman siya nauutal."Ay, teka. Ikukuha muna kita ng maiinom para naman kumalma ka at masabi mo sa akin ang sadya mo. Dito kalang muna ha." Paalam ko bago tinungo ang kusina.
Habang nagtitimpla ako ang juice ay napapaisip ako kung ano ba talaga ang sadya niya.
Pagkatapos ko ihanda ang maiinom ni Hans ay dinala ko na ito sa sala.
"Oh, inom ka muna." Abot ko sakanya ng kalamansi juice. Kinuha naman kaagad at agaran ding ininom.
"Grabe, ang sarap mo.." sambit niya. Teka!
"Anong sabi mo?" Tanong ko. Para kasing iba ang narinig ko na masarap. Nakita ko namang parang natauhan siya.
"Ah.. eh.. ang sabi ko ang sarap ng calamansi juice mo, Santi." Pinagpapawisang sagot niya.
"Ah, akala ko ang sabi mo masarap ako eh." Paliwanag ko.
May problema na yata ako sa pandinig kung ano ano na ang naririnig ko."Oo nga pala. Kaya nga pala ako narito kasi pinatatawag ka ng amo ko. Nangangailangan kasi sila ng kasambahay at baka daw gusto mo kahit pagkatapos nalang ng klase mo ang magiging duty mo. Alam naman kasi niya na nag-aaral ka. Ayaw naman kasi nila sa iba ang gusto nila eh yun kakilala narin nila." Mahabang paliwanag niya. Nakilala ko ang Senyor noong nagtitinda ako ng meryenda sa hapon dahil paborito nito iyong banana cue at turon ay napapadalas ang punta ko sa mansyon para maghatid. Mabait ang Senyor. Mapagkumbaba siya sa lahat ng nakakasalamuha niya. Mahirap man o mayaman.
Napaisip ako maganda din ang inaalok nila sa akin. Bukod sa makakalibre din naman ako ng pagkain ko sa mansyon eh makakatulong pa ako kay Nanay sa mga gastusin dito sa bahay.
"Sige, payag na ako. Pakisabi nalang na bukas na ako mag rereport sa kanila at wala akong pasok." Payag ko.
Tuwang-tuwa naman ang makikita sa mukha ni Hans.
"Sige, ipaparating ko nalang sa kanila ang sinabi mo. Paano, aalis na ako. Bukas nalang." Paalam niya.
"Ihahatid na kita. Salamat, Hans." Sabi ko. Habang hinahatid siya papunta sa pintuan.
"Alis na ako, Santi na masarap." Paalam niya. Hindi ko nanaintindihan yun huli niyang sinabi.
Excited na ako para bukas. Ipapaalam ko pa nga pala kay Nanay ang pag payag ko sa alok ng mga Santibañez.
BINABASA MO ANG
One Selfless Heart
RomanceKaya mo ba na magpaubaya para sa ikasasaya ng iba? Paano kung may humiling sayo na iwan ang taong nagpapasaya sayo? Gagawin mo ba? Hanggang kailan mo siya susundin? Hahayaan mo nalang ba na mawala ang taong mahal mo dahil sa iisa kayo ng gusto? -l...