Napuyat ako kakaisip kung bakit kailangan magsinungaling ni Hans sa akin.
Kaya naman pala hindi siya mukhang driver at palagi siyang mabango.
Mababakas rin sa salita niya na may pinag-aralan siya.Humingi ako ng day off sa mansyon. Kasabay narin ng walang pasok sa school. Kaya naisipan kong mag-gala sa mall para naman makapag-relax.
Narito ako ngayon sa Tom's World para maglibang. Halos lahat na ng games ay nalaruan ko na. Ang pinaka paborito ko rito talaga ay yung Indiana Jones, ito iyong may maliliit na kulay Silver na bola na dapat ay maihulog sa mga number.
Nang magsawa ako ay napagpasyahan kong kumain nalang sa Foodcourt dahil mas makakatipid ako doon kaysa sa mga restaurant sa itaas.
Nakalabas na ako ng palaruan ng mapansin kong may nagsisigaw ang babae na mukhang saleslady at may kasama itong guard na tila may hinahabol kaya medyo tumabi ako.
"Yan! Yan yung magnanakaw! Hulihin mo siya Kuya Guard. Siya yun!"
Pero nagulat ako ng mapansin kong sa direksiyon ko papunta ang dalawa kaya nagpalingon-lingon ako. Hinahanap ko kung sino yung magnanakaw na tinutukoy nila pero wala naman akong nakitang tao sa may pwesto ko.
"Miss, sumama po kayo sa opisina para makapag-usap po tayo ng maayos." Sabi sa akin ni Manong Guard. Lumingon ulit ako sa likod ko baka hindi talaga ako ang kausap niya pero wala talaga eh.
"Miss, narinig niyo po ba ako? Ang sabi ko po ay iniimbitahan ko po kayo sa opisina ng mall po dahil sa ikaw ang itinuturo nitong saleslady na ito."
Ulit na sabi ni Manong. Malinaw naman sa pandinig ko pero bakit parang di ko pa rin maintindihan."Teka, bakit niyo ako iniimbitahan sa opisina? Anong meron? Kilala ko ho ba kayo?" Gulong tanong ko. Ano ba itong nangyayari.
"Wag kana mag maang-maangan pa Miss nakita kita kinuha mo yung pabango sa display rack namin! Magnanakaw ka!" Sigaw naman nung babae sakin.
Magnanakaw? Ako? Paano nangyari yun? Joke ba ito?
"Miss, sumama kana para hindi na tayo makaabala sa mga tao rito." Akmang hahawakan ako ni Manong ng nakita niyang pumiglas agad ako bago mahawakan.
"Teka lang! Hindi ko talaga alam ang sinasabi niyo! Ano ba ito? Joke ba ito? Nasa ang Camera? Hindi na ako natutuwa!" Naiinis na talaga ako. Ang dami nang tao na nakapaligid at nakikiusyoso sa amin.
"At isa pa! Hoy, ikaw na babae ka. Sino ka para sabihan akong magnanakaw? Eh, sa'ting dalawa mas mukha kapang magnanakaw eh!" Naiinis na sigaw ko sa babae.
Lalo namang namula ang mukha niya sa sinabi ko.
"Kuya Guard, hulihin niyo na po yang magnanakaw na yan!" Galit na utos niya. Hinawakan na ako ni Manong guard at halos kaladkarin na ako pero nagpupumiglas parin ako.
"Hindi nga sabi ako magnanakaw. Wala akong kasalanan. Nagkakamali lang kayo. Bitawan mo ako, Kuya!" Patuloy na pag depensa ko sa sarili ko. Hindi tama itong ginagawa nila.
Hindi talaga ako magnanakaw.Ano ba namang kamalasan itong nangyari sakin!
BINABASA MO ANG
One Selfless Heart
RomanceKaya mo ba na magpaubaya para sa ikasasaya ng iba? Paano kung may humiling sayo na iwan ang taong nagpapasaya sayo? Gagawin mo ba? Hanggang kailan mo siya susundin? Hahayaan mo nalang ba na mawala ang taong mahal mo dahil sa iisa kayo ng gusto? -l...