Chapter 5

17 3 0
                                    

Naalala ko nanaman ang mga pinagsamahan namin ng kambal ko.
Kung nandito lang sana siya.

Natauhan ako nang maramdaman kong pumasok sa pintuan si Nanay. Kaya inilagay ko sa ayos ang litrato namin.

Agad akong lumapit para mag-mano.
Pagkatapos ay inabot ang mga dalahin niya para mailagay sa lamesa.

Ngayon palang siya nakauwi simula nang natulog siya kina Auntie. Dalawang gabi rin siya roon kaya hindi niya pa nalalaman na namamasukan na ako bilang katulong.

"Kamusta po kayo roon? Kumain na po ba kayo?" Pangungumusta ko.

"Kumain ako bago umalis roon. Kamusta itong bahay? Baka naman napabayaan mo noong wala ako." Sabi naman niya.

"Maayos naman po rito, Nay. Ay oo nga po pala may sasabihin po pala ako." Simula ko. Umupo si Nanay sa may sofa para makapag-pahinga mukhang napagod sa lakad. Napatingin siya sakin.

"Ano yun? Kung pera yan eh wala pa akong maiaabot sayo dahil wala pa akong sweldo." Sabi niya habang nag-pupunas ng pawis.

"Hindi po. Kasi Nay nung isang gabi po ay pumunta rito si Hans. Yung driver ng mga Santibañez. Eh, kinukuha po nila ako bilang kasambahay. Eh, naisip ko naman po na kung hindi naman makaka-abala sa schedule ko sa school ayos lang naman po sakin." Kwento ko habang inaayos ang mga dala ni Nanay.

"Pumayag ka?" Tanong niya. Pero mukha wala naman sa mukha niya na interesado siya.

"Opo, pandagdag rin naman po iyon pang-gastos natin. Malaki rin po iyong sweldo. Ang sabi sakin ng Senyor ay walong libo po ang sweldo. Kaya po pumayag na po ako. Katunayan nga po niyan ay nagsimula na po ako noong sabado." Sagot ko.

"Siguruhin mo na hindi ka gagawa ng ikakahiya ng pamilya natin. Ayoko ng gulo alam mo yan. Sige na, ako ay magpapahinga na. Matulog kana rin." Paalala niya. Umakyat na si Nanay sa kwarto niya samantalang ako ay tinapos ang inaayos ko at umakyat narin.

Nang nakahiga na ako ay napatingin ako sa picture frame na nasa lamesa na katabi ng higaan ko. Picture namin iyon tatlo nila Nanay at kapatid ko.

Sobrang namimiss ko na siya. Namimiss ko yun lagi kaming magkasama. Yung sabay kumain at magkatabi sa pag tulog. Matagal narin akong nag-iisa kahit na kasama ko si Nanay parang nag-iisa parin ako.

Ano kaya kung hindi siya namatay? Ano kaya ang buhay namin? Masaya parin ba?

Ang hirap kapag may mga what ifs ka sa buhay. Hindi ka matahimik. Ang dami kong naiisip hanggang sa hinila na ako ng antok.

------------------

"Cassie!"

"Peks!"

Nagpalinga-linga ako ng may narinig akong mga boses na tumatawag sa pangalan ko. Naglalakad ako papuntang library ngayon at nakita kong papalapit sina Agatha at Mayumi na todo ngiti.

"Hoy, puke! Namiss kita!" Sigaw ni Mayumi at yumakap pa sa akin. As usual dala nanaman niya ang super laking bag niya. Kung ano ano pa naman ang laman noon.

"Ang ingay mo! Kailangan yan talaga ang itawag mo sakin? Ano ako naglalakad na keps?" Natawa din ako.

"Eh, ano naman ang gusto mong itawag ko sayo? Tit...hmmm!"
Tinakpan ko kaagad ang bibig niya dahil baka matuloy pa ang sasabihin niyang mahalay.

"Mayumi, alam mo hindi bagay sayo yang pangalan mo. Sabihin mo nga sa Mama mo palitan na at gawing Mahalay. Ang halay mo eh!" Naiinis na sabi ni Agatha.

"Teka. Saan ba ang punta mo?" Tanong ni Agatha. Tinanggal ko naman ang kamay ko sa bibig ni Mayumi at nagpatuloy sa pag lalakad.
"Sa library lang isosoli ko itong mga hiniram ko. Eh, kayo? Saan kayo galing at hindi kayo pumasok kay Sir Mat? Nag-cutting kayo no!" Usisa ko. Napa-atras naman silang dalawa.

Tatlo talaga kaming mag kaibigan. Simula pa noong nasa high school kami. Mag ka-klase na kami first year palang. Kaya alam ko na mga ugali nitong dalawa.

"Eh, kasi naman itong si Agatha. Hindi naman dapat kami mag skip ng class kung hindi niya sinundan yung gwapong lalaki sa labas ng school kanina!" Kwento ni Umi. Umi ang tawag namin sa kanya.

"Anong ako! Eh ikaw itong tumulak-tulak sakin kanina eh." Nagsisihan pa itong mga ito.

"Hep! Tama na! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Halika na kayo at samahan niyo na ako sa library." Awat ko. Sumunod naman rin sila sa akin. Nagbubulungan na nagsisisihan pa.

Hanggang sa nakarating na kami sa pintuan ng library. Bubuksan ko na sana ito nang bigla itong bumukas at tumama sa mukha ko buti ay nasalo ako sa likod. Narinig ko ang mga tawag nila sakin pero parang nawala ako sa wisyo.

"Cassie! Uy, Cassie!" tawag sakin ni Agatha habang tinatapik ang pisngi ko.

"Puke! Hoy! Ayos kalang ba? Masakit ba?" Narinig ko naman si Umi. Napadilat na ako ng medyo ayos na ako.

"Natural masakit! Ikaw kaya tamaan ng pintuan! Gamit gamit ng utak ano ba! Oh, ayan. Mag internet ka! Ibenta mo na yan." Asar na sagot ni Agatha. Nakita kong inabot pa niya ang cellphone niya kay Umi.

"Ang hard mo sakin!" Nakasimangot na sabi ni Umi. Umismid naman yung isa. Inalalayan nila ako.

"Excuse me, Miss. Sorry hindi ko sinasadya." Narinig kong boses ng lalaki na nanggagaling sa likuran namin. Sabay sabay kaming napalingon.

"Hans!" Gulat na sigaw ko. Anong ginagawa niya rito at sa library pa.


One Selfless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon