Pagka-uwi ko kanina ay wala pa si Nanay. Mukhang hindi pa siya nakaka-uwi galing kina Auntie.
Kaya ito mag-isa nanaman ako.
Hinihintay si Nanay para ipa-alam sa kanya na may trabaho na ako.Naisipan kong mag-ayos ng konti sa sala kahit na pagod ako sa mansyon. Ayaw na ayaw pa naman ni Nanay ng marumi.
Nagpupunas ako ng divider ng di sinasadyang matabig ko ang isang picture frame buti at nasalo ko ito.
Picture namin iyon ng kambal ko kasama si Nanay. Naalala ko itong damit na suot namin dito. Iyong fairy costumes.
FLASHBACK
"Santi! Santi! Sabi ni Nanay pupunta daw tayo sa may mansyon yung may malaking gate dun. May birthday party daw doon yun apo daw ng may-ari. Tara! Maligo na tayo!" Pag-aaya ni Santa sa akin.
Kasalukuyan akong nakahiga dito sa duyan na pinagawa ng Nanay para sa'min nang nakita kong humahangos siya papunta sa akin.
"Eh, diba mayaman yun mga nakatira doon sa malaking gate na yun? Edi mayayaman din yun mga pupunta sa party na yun. Ayoko pumunta. Ikaw nalang." Tamad na sabi ko. Pumikit nalang ako para hindi na ako kulitin ni Santa. Mas gugustuhin ko pa na dito nalang sa duyan. Tahimik pati malamig yun hangin.
"Pero, gusto kitang kasama doon. Diba sabi ni Nanay kung nasaan ako dapat nandun ka rin at kung saan ka dun din ako kasi kambal tayo? Kung hindi ka sasama, hindi nalang din ako sasama." Malungkot na litanya niya.
Nagsisimula nang humaba ang nguso niya. Wala naman kaming lahing bibe pero panay ang nguso niya lalo na kapag hindi napag-bigyan ang gusto.
Nagtatampo nanaman siya."Lika na nga! Maligo na tayo. Yang nguso mo ang haba-haba na oh!" Hinawakan ko yun nguso nya. Lalo naman siyang sumimangot. Natawa naman ako. Hinawakan ko ang kamay niya at ginayak na siya papasok.
"Panay mo nalang hinahawakan nguso ko! Ang dumi kaya ng kamay mo! Sabay tayo maligo ah!" Nakanguso parin na reklamo niya.
"Oo na! Sabay naman tayo panay maligo talaga."
-----------------
"Wow! Ang ganda naman ng suot natin. Meron pala tayong ganitong damit eh. Si Nanay talaga tinataguan tayo ng damit" tuwang tuwa si Santa sa mga suot namin. Punong puno ng mga beads tas glitters ang suot namin.
Costume party daw yun kaya ang suot namin ay mga pang fairy. Kulay lavender ang sa akin at sa kanya ang pink. Gusto ko sana yung pink kaso sabi niya siya daw ang magsusuot ng pink kaya hinayaan ko nalang.
Panay siyang tingin sa salamin at paikot-ikot pa. Mukang masaya talaga siya kaya napapangiti nalang ako.
Hinihintay nalang namin si Nanay kasi ihahatid lang daw niya kami at nandun naman daw yun kapit-bahay namin na titingin sa amin. Susunduin nalang daw niya kami pagkatapos.Bago kami umalis ay kinuhaan muna kami ng picture ni Aling Marta. Kaya todo ngiti ang kambal ko. Napangiti na rin ako.
-------------
Santibañez Mansion..
Simoun pala ang pangalan ng may birthday na apo ni Senyor.
Nakita ko siya kanina. Ang cute niya sobrang tangos ng ilong niya tapos ang ganda ng mga mata niya. Kaso mukang suplado. Kaya dedma nalang. Kaya lang naman ako nandito para kay Santa.Nasa table lang ako at nanunuod ng magic show nang napansin kong nawawala sa tabi ko si Santa. Nalibang ako sa pinapanuod ko ang galing kasi. Kaya naisipan kong hanapin siya. Nakita ko siya malapit sa may malaking cake may mga kausap siyang mga bata rin. Lumapit ako at narinig kong sinabi ng kambal ko.
"Tinitignan ko lang naman yun cake ang ganda kasi. Hindi ko naman kakainin eh." Paliwanag ni Santa.
"Anong hindi! Nakita kita hahawakan mo yung cake. Hindi naman sayo palibasa wala kang ganyang cake kaya naiinggit ka!" Sigaw nung batang darna ang costume. Naiinis ako sa batang yun dahil nakita kong tinulak niya ang kapatid ko pati ako dapat ang may suot ng darna na yun kaya lumapit na talaga ako.
Masyadong busy ang mga tao kaya hindi na nila napapansin na may nagaaway na mga bata sa sulok. Bago pa ako makalapit ay nakita kong tinulak naman ni Santa yun batang babae sa may malaking cake. Kaya natumba at nasira ang cake. Nakita kong umiiyak na ang bata.
"Ang yabang yabang mo hindi rin naman sayo yang cake na yan! Buti nga sayo!" Galit na naiiyak na ang kambal ko.
"Santa! Anong ginawa mo!" Nakita kong tinutulungan ng isa pang bata si fake darna. Kaya agad kong hinila si Santa palayo. Mangiyak-ngiyak na siya.
"Santi, anong gagawin natin? Ayoko mapalo ni Nanay. Yun bata naman ang may kasalanan tinulak niya ako kaya nagalit ako tinulak ko siya." Umiiyak na paliwanag niya. Bakas ang takot sa mukha niya. Kailangan kong gumawa ng paraan.
"May naisip na ako! Lika. Magpalit tayo ng damit." Sabi ko sakanya. Hinila ko siya sa lugar doon na walang tao.
"Pero Santi, pag nagpalit tayong dalawa ikaw ang pagagalitan nila.
Huwag nalang kaya. Aamin nalang ako!" tutol niya. Pero desidido na ako ayokong mapalo siya ni Nanay at sigurado na hindi siya panunuorin ni Nanay ng T.V. hindi na niya mapapanuid yung paborito niya. Eh kung ako naman. Hindi naman ako mahilig manuod ng T.V. kaya ayos lang na ako ang ma-grounded."Basta ako na ang bahala. Sundin mo nalang ako!" Sabi ko habang naghuhubad ng damit.
Nakita ko naman na sumunod rin siya sa akin at nag palit na kami ng damit saka kami lumabas.Pag pasok namin nagkakagulo sila dahil sa cake.
"Siya po! Siya po yun nagtulak sakin kaya natumba po ako sa cake! Yung naka pink po." Umiiyak na sumbong ng batang fake na darna. Tinuro pa niya ako. Mang-aagaw!
"Santi.." naiiyak na bulong ni Santa.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko silang mga nakatingin sakin. Pati na rin yung Simoun. Nakatingin siya sakin. Galit siguro siya dahil nasira yung cake niya.
-------------------------
"Lagi ka mo nalang akong binibigyan ng sakit sa ulo, Santina! Sobrang nakakahiya ang ginawa mo. Bakit ba napaka- pala away mo. Alam mo ba kung gaano ka-mahal ang cake na nasira mo? Pasalamat ka at mabait ang matandang Santibañez at hindi na tayo pinag-bayad! Galit na galit si Nanay.
Paguwi namin ay agad niyang kinuha ang sinturon na ginagamit niya pang- parusa sa amin kapag may nagagawang mali. Pinadapa ako kaagad ni Nanay sa sofa at saka pinalo.
"Ta..ma na po, Nay! Hin..di na po ako uulit! promise po. Sorry po.." iyak ko habang pinapalo ako ni Nanay sa pwet.
Pagkatapos ng sampung palo ay tumigil na si Nanay at lumabas ng bahay.
Agad naman ako nilapitan ako ni Santa at tinulungan umupo. Umiiyak rin siya. Ramdam niya rin siguro yung sakit na naramdaman ko.
"Sorry, Santi. Kasalanan ko. Dapat hindi nalang tayo nagpalit para hindi ka napalo ni Nanay." Paumanhin niya sakin. Ngumiti naman ako.
"Basta para sayo lahat ok lang. Di ba nga ako si darna? Pati nayayamot din ako dun sa fake na darna na yun eh.
Basta ako lagi bahala sayo."
BINABASA MO ANG
One Selfless Heart
RomanceKaya mo ba na magpaubaya para sa ikasasaya ng iba? Paano kung may humiling sayo na iwan ang taong nagpapasaya sayo? Gagawin mo ba? Hanggang kailan mo siya susundin? Hahayaan mo nalang ba na mawala ang taong mahal mo dahil sa iisa kayo ng gusto? -l...