Chapter 6

10 2 1
                                    

Hansen's Pov

Inutusan ako ni lolo na ihatid si Majja sa school na pinagtatrabahuan niya at para i-guide narin ako. I think lolo is rooting for her and I. She's three years older than me. Well, she's kinda pretty, sexy and nice woman but I don't like her. She's too modess and I don't like her type. I'm into a wild one. Yeah, I prefer the wild and not so boring girlfriend.

Anyway, ako si Kendrick Hansen Santibañez. Nineteen years old and i'm so handsome. I just arrived from New York last night.
Matagal na rin akong hindi nakakauwi ng Pinas. I really super enjoyed my stay at Ny. Anyway, si Majja nga pala ang inutusan ni Lolo Gabriel para i-assist ako rito sa school dahil dito na ako mag-aaral. Of course, I'll take Business course but if I will be the one to decide for my own? I'll choose Photography, because I love capturing moments.

Nagtour narin kami and ok naman maayos naman itong Saint Caroline University. Mukhang maeenjoy ko naman dito sa Laguna and hours drive lang naman to Manila kaya hindi ako mabobore nito.

Sa yaman ng family namin bakit dito ako sa probinsya mag-tatyaga? Well, aside from my Lolo's one of the donators of funds in this University. One of his requirement para makuha ko ang inheritance na makukuha ko sa kanya ay dapat dito ako graduate.
Kaya no choice ako kundi dito mag stay.

Pagkatapos ko maihatid si Majja sa library dahil siya ang librarian rito ay nagpaalam na ako at pagkabukas ko ng pinto ay may narinig akong sigawan sa likod ng pintuan. Kaya kaagad kong tinignan iyon.

May tinamaan pala ako pagka-tulak ko ng pintuan. Mukhang nawala pa sa wisyo iyong babae na inaalalayan ng dalawang kaibigan niya. Kung naiba lang ang situation ay matatawa ako sa kanilang tatlo. Nakatalikod silang tatlo sa akin kaya hindi nila napansin kung sino ang nagbukas ng pinto. Natatarantang pinaypayan ng isang babae ang kaibigan niya.

"Excuse me, Miss. Sorry hindi ko sinasadya." Hingi ko ng paumanhin ng makita kong nakabawi na siya sa pagtama ng mukha niya.

"Hans?" Gulat na sabi ng babae pagka-kita sakin.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong tinawag na Hans. Kilala niya ako? Nang may familiar akong boses na narinig sa likuran ko.

"Santi?"

Pero laking gulat ko ng pagtingin ko ay si Kuya Hans ang nakita ko. Nabigla rin siya nang humarap ako. Nabaling ang attention niya sakin.

"Hansen? Kelan ka pa dumating? And anong ginagawa mo rito sa University? Alam ba ni Lolo na narito ka na?" Sunod sunod na tanong niya sa akin. Sabay yakap. Napayakap na rin ako saglit at saka sumagot.

"Yeah. Actually, he's the reason why I am here. Ano nga palang ginagawa mo dito, Kuya?" sagot ko. Namiss ko rin si Kuya Hans. Ganun parin naman siya handsome like me. Hindi naman maipagkakaila talaga ang gandang lahi naming mga Santibañez sabi nga nila makalaglag panty talaga.

"Ehem! Ehem! Ehem!" Napalingon kami ni Kuya sa mga babaeng nasa likod namin. Oo nga pala nakalimutan ko na yun babaeng natamaan ko ng pintuan.

"Oo nga pala. Sorry, ladies ha. Nakalimutan ko na kayo hindi ko kasi inaasahan na makikita ko si Hansen rito." Hingi ng paumanhin ni Kuya.

Napatingin ako sa babaeng nasa gitna na kitang kita ang pamumula ng mukha niya gawa ng tumamang pintuan. Normal lang naman ang dating niya para sakin. Simply pretty but nothing special.

----------------

"Kuya, kinakamusta ka nga pala ni Mommy. May pinadala nga siya sakin na pasalubong para sayo raw." sabi ko habang nasa sasakyan na kami pauwi sa Mansyon ng Santibañez.
Nakita kong nag-iba ng ekspresyon ang mukha niya.

Alam ko naman na hindi sila ok ni Mom ngayon but still I'm hoping that they will someday.

"How's Ny nga pala? I heard that you won the title as Master Photograpix in there. Sandy told me a month ago. Tuloy pa rin pala." Usisa niya. Nakangisi lang siya.

"Yeah. At first I'm at shock. I still can't believe that I won in that competition. Well, lucky me." Hindi parin talaga ako maka-paniwala until now.

"Here! Take a look at these pictures." Pinakita ko sa kanya ang mga pictures ko sa event na yun na may hawak akong trophy.

"Is that Orin? Still gorgeous huh. What's the score with you two?" He grinned.

Nawalan naman ako ng gana bigla.
"We're friends, Kuya." I said. Hindi naman na siya nagtanong pa.

Orin and I are super bestfriends.
But then one day she kissed me and told me that she's in love with me.

One Selfless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon