Chapter 9

8 2 0
                                    

Santi's Pov

Kanina pa ako bwisit na bwisit habang nag ma-mop ng sahig. Paano naman kasi kanina pa pabali-balik tong lalaking biscuit na ito kita naman na naglilinis ako, nagpuputik na itong sahig kakalakad niya.
Kanina pa ako nakakahalata eh!

Ayan nanaman dadaaan nanaman siya! Nang makalagpas siya sakin ay saka ko nagsalita.

"Ano ba! Nakakahalata na ako sayo eh. Ang laki laki ng daanan dito ka talaga sa minamop ko nadaan.
Nananadya kana eh." Sita ko. Nakita ko namang huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Bakit ganun
pakiramdam ko matutunaw ako sa lagkit ng titig niya.

Shit na malupit talaga oh oh!
Tinalo pa kalamay sa lagkit!

Lumakad siya palapit sakin ng hindi inaalis ang titig niya at parang biglang bumagal ang takbo ng oras. Bakit ganito? Bakit may iba akong nararamdaman.

Nakita kong tinatanggal niya isa-isa ang mga butones ng polo niya habang papalapit sakin. O hindi! Nakikita ko ang kaakit-akit na abs niya.
Hindi maaari ito. Nagkakasala ang inosente kong isipan.

Sobrang lapit na niya sakin at konting konti nalang ay mahahalikan na niya ako. Iiwas ba ako o hahayaan ko nalang na halikan niya ako?
Pero teka hindi nga pala ako marunong humalik. Nako naman bakit nababaliw ako ng ganito.

Bahala na! Ito ang aking unang halik.
Napapikit na ako dahil sa excitement na nararamdaman ko.

Ayan na...

"Hey!"

"Hello!"

Bakit ang tagal naman yata. Nangangalay nako dito pero wala paring humahalik sakin. Kaya hinabaan ko pa ang nguso ko baka kasi hindi maikli kaya hindi pa nalapat sa labi niya.

May naririnig ako mahinang tawa, kaya napadilat na ako.

Kitang kita ko kung paano siya halos hindi na makahinga sa pagpipigil ng tawa. Parang gusto ko ng lamunin nalang ng tiles na minamop ko sa sobrang pagkapahiya! Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko.

Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang timba na pinag-sasawsawan ko ng mop saka ibinuhos sa kanya.

"Ano ba! Fuck! How dare you? Are you trying to kill me?" Galit na sigaw niya sakin. Hindi makapaniwala na kaya kong gawin sa kanya iyon.

"How dare me? Ikaw ang how dare you! Bagay lang sayo yan!" Ganti kong sagot sa kanya.

"Kendrick! Anong nangyayari rito?" Agad naman akong napatingin sa pinanggagalingan ng boses na iyon na si Senyor Santibañez.

"Lolo! This girl is trying to kill me by pouring me a pale of dirty water." Sumbong niya. Parang bata!
Tama ba ang narinig ko? Lolo?

"Lolo?" Tanong ko habang palipat lipat ng tingin sa dalawa.
Napatawa naman ang matanda.

"Yes, Santi. Siya si Kendrick Hansen, isa sa mga apo ko." Nakangiting paliwanag niya sakin.

"Teka po. Eh kapatid po siya ni Hans di po ba? At driver siya dito?" Nagsinungaling sakin si Hans? Kung kapatid niya si Hans meaning apo rin siya ng Senyor.

"Oo, magkapatid kami at apo rin siya ni Lolo. Isa pa, hindi siya driver dito. Sinabi lang niya yun dahil hindi niya ugaling ipagmalaki ang lahat sa kanya." Paliwanag naman ng kupal na ito.

Bakit kailangan niya magsinungaling sa kung sino talaga siya?

One Selfless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon