Chapter 28

64 5 0
                                    

Sabrina's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko kulay puting kisame ang nakita ko,bakit ako nasa clinic?

"Buti naman nagising kana." Jonas? Bakit..ay siya nga pala yung sumalo sakin nung nahulog ako.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko

"Nahimatay ka, nahihilo ka na pala tumakbo kapa." Jonas

"E sino ba habol ng habol?" Sabi ko

"E sino bang nagsabing tumakbo ka?" Sabi niya

"Tss. Ok you win sinalo mo naman ako. Salamat ah" sabi ko

"Anong salamat? May kapalit yun no! Bukas sa uwian ililibre mo ko!" Sabi niya, aba tong unggoy na to.

"E sino ba kasing nagsabing saluhin mo ko ha? Unggoy?" Sabi ko sakanya

"E kung hindi kita nasalo? Edi bagok yang ulo mo?" Sabi niya. Oo nga tama naman siya.

"Fine! Sige bukas" sabi ko nalang nang tumigil siya sa pangungulit.

"Yun oh! Tara iuuwi na kita." Sabi niya.

"May kotse ako no."

"E diba nga nahihilo ka? E kung bumangga yung kotse na dina-drive mo? Edi wala na yung libre ko."

"Abay kang unggoy ka! Ok nako! Kulit mo"

"Basta! Wag ka nang pasaway! Ihahatid na kita sainyo." Tapos hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Nabigla ako kaya binitawan ko siya.

"wag kang maarte di ka maganda" sabi niya gagong unggoy na to.

"Hindi man maganda sa iyong paningin, atleast hindi ako unggoy katulad mo!"

"Aish! Wag ka na ngang makulit." Hinawakan niya at hinila ako papuntang kotse ko. Wala nakong nagawa. Sumakay na kami sa kotse at pinaandar niya na.

"San ba bahay niyo?" Tanong niya

"Sa ****"

"K." Sagot niya. Na kzone pako! Tss.

"Sino yung babaeng kasama mo kanina sa court?" Di ko alam kung bakit ko natanong yan.

"Bakit selos ka?" Saka siya ngumiti ng nakakaloko.Assumero neto.

"Ngayon ko lang nalaman na assumero pala ang mga unggoy. Masama bang magtanong?"

"Asusss! Wala yon laruan ko lang hahah!" Hay babaero

"Bakit ba kayo tuwang tuwa paglaruan ang mga babae? Alam niyong pagnagbigay kayo ng motibo syempre hindi namin maiiwasang umasa. Tapos pag na fall na kami,hindi niyo kami sasaluhin" napahugot pa tuloy ako

"Wow hugot 101!"

"Im serious,Jonas."

"Ok sorry na,galit ka ba?"

"Sorry,na carried away lang ako. Ayoko kasi sa lahat yung mga playboy." Seryosong sabi ko.

"Fine, simula bukas magbabago nako."

"Pag nakasanayan mo na,mahirap baguhin yan."

"Pag nagawa ko ililibre mo ulit ako ah!"

"Tss, mukha kang libre."

"Hahaha!de,pero seryoso ako magbabago nako." Seryosong sabi niya.

"Let see." Panghahamon ko. Tumingin ako sa labas ng bintana. Ano yung mga nararamdaman ko kanina? Bakit kinikilig ako sakanya? Bakit napapayag niya akong mahatid niya ako samin? Bakit kahit hate ko siya parang joke lang ang lahat? Ang gulo. Pero sa tingin ko nagugustuhan ko na siya dahil masaya ako pag kasama siya.

"Magbabago ako para sakanya,para mahalin niya ako" jonas, and that makes me stop, pinapatay nako ng curiosity ko. Sinong niya? Sino yung babaeng gusto niyang mahalin siya?

Lauren's POV

Nandito ako ngayon sa condo ko nanonood ng Spongebob Squarepants,favorite ko to eh bakit ba. Iniisip ko yung Black Mamba,almost 1 week na silang hindi nagpaparamdam,baka patay na? hahaha joke. Paano ko kaya mapapabagsak ang black mamba ng hindi napapahamak ang nga kaibigan at pamilya ko.

Nagbihis ako ng pang alis. Black pants,black shirt,black shoes and black jacket at nag cap rin ako,gabi na kaya hindi ako masydong mapapansin ng tauhan don. Nadala ako ng dalawang baril at mga ilang bala,at dinala ko din ang mask ko. Pumunta na ako ng parking at sumakay ng kotse ko at pinaandar ito papunta sa isa sa mga hideout ng Black Mamba. Nagtataka siguro kayo kung bakit alam ko no? Naalala niyo ba yung threat text sakin ng leader nilang si JK? Kahapon tiningnan ko yung text at nakita ko may location galing sa pinanggalingan ng text, masyadong bobo ang leader nila,hindi in-off ang location,tss.

Malayo layo pa ang hide out pinarada ko na ang kotse ko at sa medyo tago ko ito pinarada,baka kasi makita nila at malamang nagiimbestiga ako sakanila. Sinuot ko na ang mask ko at kumuha ng papel at tape for what? Tatakpan ko ang plate number ko,hindi ako bobo,kung makita nila ako edi hindi nila makukuha ang plate number ko, lumabas ako at tinakpan lahat ng pwedeng maging clue kung sino ako. Bumalik ako sa loob ng kotse at kinuha ko ang baril kong nilagyan ko ng silencer, yung isa nasa gilid ko at yung isa naman hawak ko,at yung mga bala nasa bulsa ko sa likod. Binuksan ko ang phone ko at sinaylent , baka kasi tumawag sila kuya.

Nangmasiguro kong ok na ang lahat nagsimula nakong maglakad. Mabuti nalang maraming puno dito makakapagtago ako at walang mga bahay kundi ang hide out lang nila. Di kalayuan nakita ko na ang hide out nila at ang tanga ng mga tauhan,walang nagbabantay sa labas? Tss. Chineck ko nuna kung may mga ilang bantay sa paligid pero wala,magiging madali lang to. May puno na medyo dikit sa pader ng hide out nila kaya umakyat ako sa punong yon sumilip ako ng konti at nakita kong maraming bantay sa loob pero dito sa labas wala maski isa.

"Mag ayos kayong lahat! Darating si boss dito maya maya lang"

And that makes me happy, sa wakas makikita ko na rin ang leader nila. "Masyado kang mabagal JK",sabi ko sa isip ko. Bumaba muna ako ng puno at maya maya lang may naaninag akong kotse na parating kaya agad akong nagtago, hindi ko makita kung sinong nasa loob kasi gabi na at may tint din ang kotse,pero alam kong yan na ang leader nila. Hinintay kong makapasok ang ang kotse. Naririnig ko ang usapan nila.

"Boss"
"Goodevening boss"

Aakyat na sana ako ng biglang nagvibrate ang phone ko,papatayin ko sana kaso isa sa mga tauhan ko ang tumatawag,kaya alam kong importante to. Bago ko sinagot pumunta muna ako sa kabilang lupa at nagtago sa puno, baka marinig nila ang paguusapan namin. Pinindot ko ang accept.

"Lay may p-problema" nauutal niyang sabi.

"Just say it,Im busy." Sabi ko

" S-si Angela (Sapphire), Hera (Zylie),po dinukot, nalaman nalang po namin kasi po may nga lalaking pumunta daw po sa bar at nandun silang dalawa."

The Gangster Princess is the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon