Chapter 34

65 2 0
                                    

Sapphire's POV

After 3 Days

Nandito parin kami sa hospital hanggang ngayon, hindi pa kasi nagigising si Lauren eh. Sila Zylie,Zandra and Georgina umuwi muna para kumuha ng damit,sila nalang din kukuha ng damit ko kasi ako nagbabantay dito ngayon. Kasama ko sila Sabrina,Elijah and Chris,sila Stanley bumili kakabalik lang galing sa pagbili ng pagkain. Hindi kami pumapasok ngayon pero nagpaalam naman kami sa teacher at kung tinatanong niyo kung sinong nanalo sa pageant,wala pa dahil sa Friday pa yung partner performance at saka ia-announce yung winners, sana magising na si Lauren para makasali siya.

"Oh, kumain muna tayo" sabi ni Jonas

"Wala akong gana" Sabrina

"Kahapon hindi ka na kumain ah? Wag ka ngang pasaway Sabrina kumain ka jan" Jonas

"E sa wala nga akong gana eh!" Inis na sabi ni Sabrina

"Bakit ka walang gana? Dahil ba sinisisi mo pa rin ang sarili mo dahil kay Lauren, sabrina naman walang may kasalanan at walang may gusto non. Sa tingin mo ba yang hindi mo pagkain makakatulong sa paggising ni Lauren?" jonas

"Tama siya Sabrina,kumain ka na jan. Im sure hindi matutuwa si Lauren pag nakita ka niyang hindi kumakain,ang payat payat mo na agad oh. Kumain ka na jan." Elijah. Walang nagawa si Sabrina kundi kumain nalang. Si Elijah kahit nang ookray yan kita mo parin sakanyang malungkot siya. Si Stanley at Chris naman tahimik lang simula nung kinausap nila si Lauren habang tulog. May alitan kaya sa dalawang to? Sila lang yung hindi nagsasalita eh. Sila kasi yung dalawang magkasama nung pumasok sila sa kwarto ni Lauren, ano kayang napagusapan ng dalawang to?

"So can you tell us kung sinong may gawa niyo?" Ayan nagsalita na rin si Stanley. Pero nagkatinginan kami ni Sabrina kinakabahan kami kung sasabihin ba namin.

"Gangster Fight" sabrina, oo nga pala hindi namin pwedeng sabihin na Mafia kami dahil magiging kumplekado ang lahat pag nalaman nila at baka pati sila madamay.

"Gangster fight? May mga barilang naganap?" Axcel, shit pano ba to.

"A-ah yun nga eh nadaya nila kami di namin alam may baril pala yung isa sakanila kaya nabigla kami nung may narinig kaming baril,di namin nakita nasa madilim palang parte yung isang lalaking kasama nila at si Lauren lang nakakita nun,buti nalang may dala ding baril si Lauren kaso nagkasabay sila ng putok ng baril kaya muntik nang tamaan si Sab pero hinarang yun ni Lauren." Pagpapalusot ko.

"E si Zylie? Bakit may tama siya?"Elijah. Puta paano ko ieexplain yung kay Zylie.

"Guys!" Para akong nabunutan ng tinik ng dumating sila Georgina.

Zandra's POV

"Uy Honeybunch kumain kana,tara tabi tayo." Ayan ni Axcel sakin. Shit bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko.

"O-o sige" ano ba Zandra wag kang mautal! Pagkaupo ko kinuhanan ako ng pagkain ni Axcel

"Oh lumain ka ng madami honeybunch ha! Okay ka na ba talaga?" Tanong niya

"Oo nga! Kulit mo!" Sabi ko, nung isang araw pa yan tanong ng tanong.

"Naninigurado lang naman honeybunch!" Sabi niya at di ko na pinansin at kumain nalang ako. Dito kami sa canteen kumakain ngayon. Sana naman gumising na si Lauren nang makasali pa siya sa pageant ng Mr and Ms Campus. Wala lang gusto ko sila makita ni Stanley na magperform eh, bagay kasi sila. Pero hindi naman sa hindi ako voteness kay Chris, gusto ko kasi akin siya,pogi kasi hiihi. PERO SYEMPRE JOKENESS LANG YUN! loyal ako dito kay Axcel no, malakas ang kutob ko na the feeling is mutual din kami nito ni Axcel syempre mababase ko yun sa mga ginagawa niya sakin, sana nga tama yung nasesense ko about sakanya.

Zylie's POV

"Bespren Zylie kumain kapa jan!" Kulit naman netong ni Jonas.

"Ang kulit mo Bespren Jonas! Kumain na nga ako diba?" Ako

"E konti lang yun eh! Kumain kapa!" Jonas

"Hayy kulitttt!" Ako

"Bilis na para gumaling na yang sugat mo."

"Bakit? Gamot ba ang pagkain ng manok sa sugat?"

"Ay basta wag kanang makulit,kumain ka ulit!"

"Oo na!oo na! Tss kulit."

"Ayun oh! Sabi ko na nga malakas ako sayo eh!" Sabay pisil ng ilong ko

"Oo na kumain ka na rin jan hahaha!" Sabi ko. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, ang sarap pala sa pakiramdam ng may Boy Bestfriend ka no? Pero feeling ko habang tumatagal naglelevel up eh,hahayaan ko nalang maglevel up tong feelings ko kay Jonas,sana lang saluhin niya ako pag nahulog ako sakanya. Wala namang nagkakagusto sakanya sa mga kaibigan ko eh so siguro naman pwede ko siyang gustuhin, si Sab naman imposibleng magkagusto yan kay Jonas e halos hambalusin niya na ng kaldero si Jonas pag nagaasaran sila eh. Wala namang masama kung umasa ako diba? May motibo naman kasi kung bakit ako aasa sakanya.

Stanley's POV

Kailan kaya gigising si Lauren? Sana gumising na siya. Pumunta aong chapel at umupo saglit dun.

"Lord, alam kong hindi ako pala simba at pala dasal at alam kong malaki ang kasalanan ko sainyo dahil pumapatay ako ng tao, pero medyo nagbago nanaman ako eh at yun ay dahil kay Lauren kaya sana pagbigyan niyo ako sa hiling ko ngayon, pabalikin niyo na po si Lauren." Sabi ko habang kinakausap ko siya sa isip ko. Bumalik na ako kung san kami nag-stay nila Elijah.

"Family of Lauren Young?" Nagulat kami ng may doctor na dumating, bigla akong kinabahan.

"Im her brother, doc" sabi ni elijah.

"You have to go in her room now" sabi ng doctor,mas lalo akong kinabahan

"Why doc? What happened?" Sabi ko

"you have to go in her room now because she's awake. Mauna na kayo sa room niya ammay kukunin lang ako sa offic." Sabi ng doctor at ngumiti. Parang nabuhay ang diwa naming lahat at mabilis na pumunta sa kwarto ni Lauren. And sumasaya ako lalo nung nakita ko siyang gising na.

"Omygod Lauren im sorry bes! Buti naman gumising kana!" Sabrina

"Thank God!" Zandra

"Waa Lauren! Namiss ka namin!" Zylie

"Okay ka na ba?" Georgina

"Hay nako Lauren! Kala ko madedeadness ka na eh!" Sapphire

"Hay salamat!" Sabay sabay na sabi nila Axcel at Jonas. Si Michael di nagsasalita pero nakangiti siya.

"Yam! I missed you!!! Anong nararamdaman mo ngayon? May kailangan kaba?" Sabi ni Chris.

"Waaa baby sis! Pinaiyak mo nanaman ako eh!!! May kailangan kaba? Tubig? Juice? Milk? Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng Mcdo? Or Kfc? Or Pizza? Ano?" Elijah.kaso si Lauren parang naguguluhan kaya nagsalita na ako

"Wait guys mukhang naguguluhan si Lauren, pagsalitain niyo naman." Sabi ko. Feeling niyo siguro wala akong pake dahil hindi ako nagrereact no? Di ako makapag react dahil sobrang saya ko at hindi sapat yung saya sa nararamdaman ko ngayon

"Ay oo nga, ano baby sis? Miss ka na ni kuya. Miss mo rin ako diba?" Elijah at salamat magsasalita na rin si Lauren dahil ibubuka niya na yung bibig niya
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sino kayo?" (lauren)

The Gangster Princess is the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon