Chapter 67

45 4 0
                                    

Ang dumi talaga maglaro ng mga to kahit kailan. Hindi patas ang laban dahil kami lalaban na puro suntok at sipa ang panlaban namin pero sila may dalang base ball bag,and worst tig-2 pa kami kada isang tao. Kailangan kong magingat sa mga to.

Nagsimula na sumugod si Jacob at yung kanang kamay niya sakin. Papaluin na nila ako ng baseball bat pero sinalo ng dalawang kamay ko yon,pucha ang sakit pero hindi ininda yon. Sinipa ko ng malakas ang kamay ni Jacob para mabitawan niya ang baseball bat na hawak niya. Pag kabitaw na pag kabitaw niya ng baseball bat hinampas ko yon sa balikat niya dahilan para tumumba siya. Nakalimuta kong may tao papala sa likod ko,buti nalang nakaiwas ako kasi pag harap ko papaluin na dapat niya ako. Binitawan ko ang baseball bat chaka sinugod ang isang alipores netong ni Jacob, hinawakan ko mulit ang baseball bat niyang akmang dadapo sakin,puta ang sakit na talaga ng kamay ko. Sinipa ko ang sikmura niya dahilan para matumba siya. May biglang yumakap sa likuran ko at naramdaman kong sobrang lapit ng mukha niya,ang higpit ng yakap niya sakin kaya hindi ako makagalaw.

"Ang bango mo Lauren,diba sabi ko naman sayo mamaya mapapasakin kana,mukhang hindi mo na kailangang mag shower mamaya mahal ko." Sabi niya habang nakatapat ang bibig niya sa leeg ko putcha to.

"Ulul mahal ko? Bitch please." Sabi ko. Hindi ko namalayan nasa harap ko na pala tong kanang kamay niya. Agad akong tumalon para masipa ang kanang kamay niya at sinipa ko si Jacob sa paa niya,at nakawala ako. Tiningnan ko saglit sila Georgina mukhang pareho lang kami lahat ng kalagayan,nahihirapan din sila sa mga to. Kailangan ko nang matapos to para magulungan ko sila,at matulungan namin ang isa't isa.

Pagkaharap ko isang malakas na suntok ang natamo ko kay Jacob,susugod nadin sana ako pero isang malakas na suntok din ang natanggap ko sa kanang kamay niya. Ang lakas non sunod sunod ba kaya medyo nahilo ako,lasa ko ang lasang kalawang sa labi ko. Ramdam kong may humagip ng bewang ko at isinandal ako sa pader.

"Sorry about that mahal kong Lauren,kailangan na kitang matalo para naman mapasakin ka na ng tuluyan." Sabi ni Jacob,sobrang lapit ng mukha namin at parang konting tulak nalang mahahalikan niya na ako at yung kamay niya nasa bewang ko at dinkit niya yung katawan ko sakanya, hindi ako makaatake dahil nandidilim ang paningin ko. Bakit ganto. Nakarinig ako ng malakas na pagpalo at naramdaman ko ring nawala si Jacob sa harapan ko.

"No one can do that to my wife, you're dead asshole! Fuck you!" Sigaw ni Stanley,teka bakit sila nandito,sabi kong wag silang susunod. Naramdaman kong may humawak ng pisngi ko,di parin ako makakilos ng maayos,parang nagbablack ang paningin ko,kaya napaupo ako,pucha bat ngayon pa.

"Wifey,are you ok? Namumutla ka. Don't move,let us handle this." Sabi niya at hinalikan ako sa labi. Nakita ko kumpleto sila nandito sila Kuya kasama sila Chris and sila Axcel,ang galing nila makipaglaban.

"Wifey,are you ok? Answer me,im worried." Sabi ni Stanley. Huminga ako ng malalim at pumikit. Baka sakaling umayos ako. At unti unti umayos ang paningin ko. Nakita ko si Stanley sobrang nagaalala ang mukha niya. Sila kuya bahid ang galit sa mukha nila.

"Im ok now. Why are you here? What did i say to you?" Sabi ko.

"We're following you. Kanina pa kami nakamasid sa laban niyo simula nung nagsasagutan palang kayo. Hindi na ako nakatiis na hindi pumasok dahil niyakap ka niya. And no one can touch you except me,your friends and your family, no one can kiss you aside from me." Seryosong sabi niya at hinalikan niya ulit ako

"So this is your boyfriend mahal ko? Ihanda mo na ang speech mo mamaya my loves dahil magpapaalam kana sakanya mamaya." Sabi niya at papaluin sana kami ng baseball bat pero ginamit ko ang talampakan ko para saluhin yon, shit ang lakas pumalo ng unggoy nato. Dali dali akong tumayo at sinuntok siya sa dibdib dahilan para umubo siya ng dugo.

"Wife dun ka na sa isa,ako na dito, magbabayad pa to sa pag tawag niya sayo ng mahal ko and my loves. At sa pagyakap niya sayo." Sabi niya at napasmirked at iling nalang ako,napakaseloso talaga neto.

Pumunta na ako sa isa bago niya pa mapalo sakin yung baseball bat na hawak niya agad ko yong hinawakan at sinipa siya sa betlogness niya, nangmaagaw ko ang baseball bat pinalo ko ng malakas sa katawan niya at hindi pa ako natinag at kinuha ko ang kwelyo niya at pinagsusuntok iyon,and para sa last tinuhod ko ang sikmura ng at sinuntok ang dibdib niya. Tumumba siya at nawalan ng malay.

Lumingon ako kay Stanley na nakatingin sakin,shit! Akala niya natalo niya na si Jacob,nakatayo ngayon si Jacob at may hawak na baseball bat na anytime handang handa ipalo kay Stanley. Nagtaka naman si Stanley sa reaction ko

"Shit!" Huling sabi ko at tumakbo papunta sa likod ni Stanley at niyakap siya. Naramdaman ko ang sobrang lakas na impact ng pagpalo at pagkamanhid ng likod ko,medyo umubo din ako ng dugo at nakaramdam ako ng hilo. Unti unti ako napabitaw kay Stanley at natumba ako sa sahig

"Shit! Baby sis!"

"Best friend!"

"Lauren!"

"Shit! Wife!"

Huli kong nakita si kuya galit na galit ang mukha kay Jacob at pinagbubugbog ito nakisama na rin ang iba.

"Wife,don't close your eyes." Sabi ni Stanley,nakaramdam ako ng basa sa pisngi ko,umiiyak siya. Gago ba to? Don't close your eyes e inaantok na ako chaka wala namang mamamatay sa pagkapalo. Matutulog lang ako saglit dahil pakiramdam kong pagod na pagod ako. Babalikan kita Jacob,tandaan mo yan.

The Gangster Princess is the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon