Chapter 80

42 3 0
                                    

Sabrina's POV

Nagulat kaming lahat ng may tumiling babae,pero agad din namang nawala yun.

"Sino yun?" Tanong ni Axcel

Wala namang sumagot dahil lahat tahimik at si Lauren and Sapphire,wala pa ring tigil sa pagiyak,napakalaking kawalan samin ni kuya Elijah, napakabait niya para kunin agad siya. Alam kong may pagka warfreak si kuya Elijah pero mabait siya. Wala Talagang permanente sa mundo.

Napagdesisyunan nila tita na gawing abo nalang ang katawan ni kuya Elijah dahil mas dobleng sakit pag nakikita namin siyang natutulog at walang buhay. Masakit para sa aming lahat ang nang yari kay kuya Elijah,lalo na't kami ang may kasalanan nito. Napatingin kami nung tumayo si tito at pumunta kay Lauren at niyakap ito.

"Lauren,my daughter, im so sorry. Sorry nadala lang kami sa galit ng mommy mo. Nabigla lang kami sa mga nangyari. We're so sorry for hurting your feelings." Tito

"Sorry anak,hindi namin sinadyang pagsalitaan ka nang ganon." Tita

"I-it's ok,I understand." Utal na sabi ni Lauren kasi umiiyak pa rin ito. After few minutes lumabas na ang lalaking nurse.

"Ma'am ito na po and abo ng katawan ng anak niyo." Sabi ng nurse at inabot kay tita.

"Kuya pwede bang matanong? Bakit may sumigaw na babae jan sa loob? Diba dalawa kayong pumasok kanina? Where is she?" Tanong ni Georgina

"Ah yon po ba,first time po kasi nun,tine-train lang po yun, hindi po ata siya sanay makakita ng mga bangkay,kaya pinakalma ko po muna siya at unti unti naman po siyang nasanay, may inaayos pa po sa loob kaya po naiwan po muna siya dun at inaayos pa ang iba. Lumabas lang po ako para ibigay yang abo ng katawan ng anak ni Mrs.Young." Sabi niya. Kilala niya si tita? Sa bagay,ang sikat nga pala ng company nila tita.

"Sige po thank you po." Sabi namin at umalis na. Inayos muna nila tita ang magiging burol ni kuya Elijah. Si Lauren kasama ni Stanley,hindi maiiwan ni Stanley si Lauren lalo na sa kundisyon ngayon. Magkakasama lahat ang bawat couples. Hindi rin namin maiwasan na sisihin ang sarili namin dahil sa nangyare kay kuya Elijah, ngayon pa lang namimiss na namin siya, wala nang nangungulit. Si Sapphire at Jonas kasama ko ngayon.

Stanley's POV

Kasama ko ngayon si Lauren,sasamahan ko siya dahil hindi ko siy pwede iwan ng ganto. Dumaan muna ako sa drive-thru ng Mcdo para bumili ng pagkain namin.

"Hubby." Sabi niya at lumingon naman ako sakanya, nakatingin siya sakin at kitang kota na nanghihina at lungkot ng mata niya.

"Oh? May gusto ka bang puntahan? Kainan? Ano gusto mo?" Sabi ko. Baka gusto niyang mamasyal eh.

"Hindi,dun tayo sa bahay ko. Sa ****" sabi niya.

"Dun ka ba nagi-stay nung pansamantalang lumayo ka samin?" I asked and she nodded. Malayo layo pala,medyo traffic pa. Habang nakahinto ang sasakyan namin dulot ng traffic ay lumapit ako sakanya at hinalikan ang noo niya.

"Matulog ka muna,alam kong pagod ka. Gisingin nalang kita pag nandun na tayo. I love you." Sabi ko at hinalikan siya sa labi.

"Ok i love you too." Sabi niya at ngumiti ng konti. Ang bigat sa pakiramdam,sa lahat ba naman ng pwedeng kunin bakit si Elijah pa? Sabagay hiram lang naman ang buhay natin kaya hindi tayo dapat magreklamo,pag oras na oras na. Pagdating ko sa lugar na sinasabi ni Lauren ay puro puno ang nakikita ko kaya ginising ko na siya.

"Nandito na tayo wifey,saan ang bahay mo dito?" Tanong ko at unti unti niyang minulat ang maga niyang mata.

"Pumasok ka jan." Sabi niya at tinuro ang daan. Pag labas namin ng parang mga puno nagulat ako sa nadatnan ko. Isang dagat at isang bahay,at tingin ko kay Lauren to. Bumaba na ako para pagbuksan siya ng pinto at inalalayan siyang makababa. Kinuha ko ang mga pagkain namin at pumunta na sa bahay niya.

Tama lang ang laki ng bahay niya,parang resthouse to,kumpleto sa gamit.

"Gusto mo bang kumain sa labas? Para sariwa ang hangin. Maglalagay nalang ako ng lamesa." Tanong ko sakanya.

"Hmm,sige." Sabi niya. Pumunta siya sakin at tinulungan ako sa pagaayos ng pagkain pero pinigil ko siya.

"Magpahinga ka nalang dun,or magpalit ka nalang muna ng damit,malamig sa labas baka magkasakit ka pa." Sabi ko at ngumiti siya ng half smile at umakyat sa taas.

Hinanda ko na ang mga pagkain at inalabas ang lamesa at 2 upuan. Pumasok ulit ako sa loob ng bahay para sunduin si Lauren. Umakyat ako sa kwarto niya at nakita ko siyang nakabihis na. Napangiti din ako dahil may picture kami dito sa kwarto niya.

"Tara na?" Sbaay ngiti ko sakanya at lahad ng kamay ko at kinuha naman niya ito. Lumabas kami at nagsimula nang kumain.

"May masakit ba sayo?" Tanong ko

"Meron." Sagot niya

"Ano yun? Bakit hindi mo pinacheck up? Gusto mo ba magset ako ng appointment sa doctor?" Sabi ko nagaalala ako sakanya,baka kasi napapabayaan niya na ang sairli niya, ang medyo pumayat siya ngayon. Ngiti lang ang isinagot niya sakin pero parang may meaning yun.

"Bakit?" Tanong ko at bumalik sa seryoso ang mukha niya.

"Etong puso ko ang masakit." Sabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain.kung titingnan mo soya ngayon nakakaawa siya.

"Wag ka nang malungkot,ayaw ng kuya mong nalulungkot ka diba? At ayaw ko ring malungkot ka." Sabi ko

"Sana nga kung ganung kadali eh. Siya mismo naging dahilan ng lungkot ko." Sabi niya

"Pinahiram lang naman tayo ng Diyos ng buhay kaya hindi dapat tayo magreklamo,pag oras na,oras na. Mabait ang kuya mo kaya siguro kinuha na siya ni God dahil tapos na ang misyon niya." Lintik nagiging maka diyos na ako hahaha.

"Hayaan mo matatanggap ko din,konting panahon lang." Sabi niya at napangiti ako

Sapphire's POV

Hindi ko parin kayang i-digest ang mga nanguayari,lahat to dahil samin eh. Ako dapat ang nawala,hindj si Elijah. Bakit ang daya? Kung kailan mahal na mahal mo na,saka pa mawawala. Ang sakit,sobrangsakit. Sana pinatay nalang ako kung ganto din mararamdaman ko. Ayoko na,hindi ko na kaya,kaibigan at si Elijah nalang ang meron ako tapos nawala pa ang isa? Mahal na mahal ko si Elijah eh..

Gusto ko nang mamatay sa mga oras na ito, tinanaw ko ang baba mula dito sa terrace ng condo nila Sabrina, nasa loob sila ni Jonas.

Napatingin ako sa langit

Asawa ko,ano pa saysay ng buhay ko kung iniwan mo na ako? Gusto pa kitang makasama ng matagal,pero isa nalang ang paraan para magkasama ulit tayo,sana patawarin mo ako at ng Diyos sa gagawin ko. Wala nang saysay ang buhay ko eh,at isa rin ako sa may kasalanan kung bakit ka nanjan,kaya dapat ako din mahirapan. Sabik na akong makita ka muli. Isa nalang ang paraan para makasama kita muli,yun ay ang sumunod ako sayo. Mahal na mahal kota Elijah Young,and i can do everything just to be with you.

The Gangster Princess is the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon