Chapter 64

58 4 0
                                    

Georgina's POV

Pagkagising ko naligo na ako at kumain. Pasok nanaman! Nakakatamad,tss.

*dingdong*

Baka ito nanaman yung nagpapadala,pang lima na ito, yung pang apat 2 bouquet ng flowers at mcdo kay naman tuwang tuwa ako hahaha! Pagbukas ko ng gate hindi nga ako nagkamali.

"Mam pakipirmahan nalang po." Sabi nung delivery boy kaya pinirmahan ko at kinuha ang box. Pumasok na ako sa bahay. Ano naman kaya to? Pagbukas ko omg! Donuts and mcdo !!! Waaa sheeet. Mabaon nga yung iba. Nagayos lang ako saglit at pumasok na

"Hi georginaaaa!" Bati sakin ng barkada

"Hello,grabe naman ang georgina niyo,parang walang katapusan." Sabi ko

"Yung pagmamahal sayo ni Michael wala haha!-- aray tangna!" Sabi ni Jonas nabatukan tuloy siya ni Michael

"Ulol mo Jonas. Sabrina pagsabihan mo yang unggoy na yan ah." Sabi ko sakanya at binatukan ni Sabrina si Jonas hahaha!

"Aray ko naman amazonang babe ko." Sabi ni Jonas habang hinihimas ang ulo niya wawa naman hahaha! Dumating na ang prof at nagsimula na ang klase.

And natapos den sa wakas! Pumunta na kaming cafeteria at kumain. Nanguwian na magmomall daw si Stanley and Lauren,ano pa bang bago? E laging magkasama yang dalawang yan,ito namang isip bata na si Elijah eh selos na selos, paano kay natatagalan ni Sapphire to? Hahaha!

"Baby sis magmomall nanaman kayo? Kaka-mall niyo lang kahapon ah." Elijah

"Itatanan ko na baby sis mo. Byeeee bleeh." Asar naman nitong ni Stanley at mabilis na hinatak si Lauren.

"Hoy! Siraulo ka bumalik ka dito! Tangina mo Stanley Smith!" Sigaw nitong matandang si Elijah

"Hayaan mo na yon asawa ko! Malaki na kapatid mo." Sabi ni Sapphire sakanya

"Baby sis ko pa din yun asawa ko. Tara na nga maghoneymoon na tayo." Sabi ni Elijah kaya namula si Sapphire

"Anong honeymoon! Alis na nga tayo baka kung ano pang masabi mo." Sabi ni Sapphire at nagpaalam na siya

"Bye guys,kunin ko kayong ninang at ninong ah." Paalam ni Elijah at pinalo siya ni Sapphire

"Ulul! Manyak mo! Mauuna si Stanley sayo, kilala ko yon kung manyak ka mas manyak yon. Hahaha!" Pangaasar nila Jonas sakanya

"Subukan niya lang baka putulin ko ang iniingatan non. Tara na nga asawa ko,uunahan natin sila." Sabi ni Elijah,hahaha inis! Umalis na din sila.

"Georgina,anong balak mo ngayon?" Tanong sakin ni zylie

"Hmm,mall boring eh. Sama kayo?" Tanong ko sakanila.

"Ako hindi. Tinatamad ako eh." Sabi ni Sabrina

"Sa condo lang ako ni Sabrina." Jonas

"Food pa  kami nitong baby ko" sabi ni Chris na nakaakbay kay Zylie

"Kami naman magdedate nitong napakaganda kong girlfriend." Sabi ni Axcel. Cheesy nila ah? Tumingin ako kay Michael at nakatingin pala siya sakin,awkward.

"Hindi ako sama,may gagawin pa ako eh. Maybe next time." Sabi niya at ngumiti sakin kaya nginitian ko din.

"Ok lang sanay naman akong magisa." Sabi ko

"HUGOAT" sabi nila at nagtawanan lang kami. Nagpaalam na kami at umalis na ako,magpapahinga muna ako sa condo ko saglit,parang pagod ako ngayong araw na to.

Pagkarating ko ng condo ko nagpalit lang ako ng damit at humiga na sa kama. Hayy! Kapagod mag-aral,kung pwede nga lang hindi na eh. Naisip ko na ako at Michael nalang pala walang partner saming barkada,imposibleng magustuhan ako ni Michael no,tss. Sino kaya yung nagpapadala sakin? Gusto ko na siya makilala,kaso hindi ko naman alam ang number or address niya kay hindi ko mapupuntahan.

Kamusta na kaya ang Black Mamba? Wala lng mga paramdam eh,baka naduwag hahaha! Sino kaya leader non? Gaya gaya ng style namin eh, ayaw din daw nila makilala. Gusto ko na makilala ang mga asungot na yon, sino kay leader non? Mga pogi kaya? Hahaha! Ano ba yang nasa isip ko. Yung rank 3 na lumaban samin biglang sugod eh, nagulat din kami nung nangyare yon. Dun pa natamaan si Lauren dahil sinagip niya si Sabrina,ayaw nanamin maulit yon, ayaw nanaming may masaktan kahit isa samin. Si Lauren mukhang nakalimutan na ang about don, baka maunahan kami ng Black Mamba kung sakali, baka sila gumawa ng first move tapos hindi kami handa edi nakuha nila trono namin,dapat may nakahanda na kaming plano,mukhang malakas ang mga ito eh. At kailangan naming magingat,mamaya nagmamanman na samin pero di namin napapansin. Hay buhay!

Naligo na ako at nagpalit ng pang alis na damit at umalis na ako. Habang nasa daan ako shit! Ano to? Kikidnapin ako? May nakaharang na apat na sasakyan sa kotse ko,nakapalibot sila kaya hindi ako makakaalis. Puta! Wala pa akong dalang baril! Bakit sa lahat yun pa ang nakalimutan ko. Lumabas na sila kaya lumabas na din ako.

"What the hell is your problem?!" Sigaw ko sakanila pero hindi sila nagsalita kaya nung nakalapit sila sinipa at sinuntok ko sila pero tangina mag-isa lang ako sobrang dami nila nasa 20 siguro kaya nahawakan nila ang kamay ko at piniringan ang mata ko. Naramdaman kong nasa kotse na kami ngayon at umaandar ito. Hindi ako umimik dahil nagiisip ako kung paano tatakasan ang mga dugyot nato,nakamaskara sila kaya hindi ko sila makilala. Kakaisip ko lang sa Black Mamba kanina eto na agad?

Shit! Malakas ang kutob ko na tauhan ng Black Mamba to. Patay na! Tangna!

The Gangster Princess is the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon