Chapter 87

43 0 0
                                    

Lauren's POV

Nandito na kami sa mall ngayon ni yam.

"San mo gusto kumain?" Tanog niya

"You know the answer to that question bestfriend.." Sabi ko sakanya at natawa kami.

"Hindi pa rin talaga nagbabago yung yam na nakilala ko." Sabi niya sabay akbay sakin.

"Oo naman no! Tara na nagugutom na ako." Sabi ko at lumakad na kami papuntang KFC.

Umorder na siya at ako naman kinuha ko ang phone ko,baka kasi nagtext na si Stanley,and tama nga ako,nagtext na.

From: Hubby
Wifey, kumain ka na ba? Ingat kayo jan ah, i love you :*

To: Hubby
Oo hubby,ikaw din kumain ka na,ingat kadin and i love you too.

Pagkatext back ko sakanya ay saktong dumating si Chris na dala na ang mga pagkain namin. Agad namang nag ning ning ang mga mata ko, akma ko na sanang kukunin pero nilayo niya kaya kinunutan ko siya ng noo.

"What?!" Sabi ko. At natawa siya.

"Hahhaa! Chill best friend! Baka kasi pati pagkain ko sakmalin mo. May dragon ka pa naman jan sa tiyan mo." Sabi niya at inilagay na ang pagkain sa lamesa

"Hay,whatever,kain na tayo kanina pa ako gutom na gutom no!" Sabi ko sakanya pero tumawa lang siya.

"So,kamusta?" Tanong niya habang busy ako sa pagpapak ng manok.

"Ok naman,ikaw ba? Kayo ni Zylie?" Tanong ko pabalik sakanya.

"Ayos ako at masay ako kay Zylie. I mean,kamusta ka? Move on ka na ba?" Tanong niya.

"Hmm,konti." Sagot ko.

"Hindi inaasahan yung nangyari,mula bata bestfriend ko na kuya mo eh. Tapos biglang ganon." Malungkot na sabi niya. Hindi na ako kumibo dahil baka maluha ako ng di oras.

Nakiramdam ako sa paligid ko dahil parang may nagmamasid samin,pasimple akong lumingon sa lugar kung nasaan kami pero wala naman.

Nang matapos kami kumain ay namasyal masyal muna kami. Nararamdaman ko talagang may nagmamasid samin eh. Sa di kalayuan nakita ko si Michael at Georgina, abat magkaholding hands ang lola mo!

"Hoy!" Gulat namin sakanilang dalawa

"Ay kabayo!" Gulat na sabi ni Georgina at si Michael walang imik pero gulat din.

"Kayo ah, date pa more!" Asar ni Chris sakanila, at sinundot sundot ang tagiliran si Michael.

"Tss,stop doing that dude, that's so uncool!" Bulyaw ni Michael sakanya kaya natawa kami.

"Susss,pero pag kay Georgina." Asar pa ni Chris sakanya.

"Ofcourse, she's my girlfriend. Pero maiba nga tayo, bakit kayo ang magkasama? Nasan si Zylie? Nasan si Stanley?" Tanong niya.

"Eh namiss ko tong si bestfriend eh." Sabi ni Chris at taas taas pa ng kilay.

"Don't worry, nagpaalam naman kami." Sabi ko.

"Kay Stanley? Nagpaalam ka? Maniwala ka't sa hindi, selos na selos na yon ngayon." Sabi ni Michael

"Hindi yun!" Sabi ko. Kasi sabi naman ni Stanley ok lang, o edi ok.

"Fine, bye na,istorbo kayo sa date namin eh." Sabi ni Michael.

"Hahaha sige bye na sainyo,enjoy! Walang forever ah." Biro ni Georgina.

"Asus! Sige bye! See you around! Hoy Michael,galingan mo ah!" Ngumisi siya ng nakakaloko kaya siniko ko siya.

"Ulol! Humanda ka kay Stanley." Sigaw ni Michael.

Habang naglalakad kami ay talagang kanina pa eh, kanina pang may nagmamasid samin. Kailan ko maunahan yon.

"Uy bestfriend! Cr muna ako,magliwaliw ka muna jan,may lbm ako." Bulong ko sakanya.

"Pfft.. Sigesige. Text mo nalang ako." Abat tumawa pa ang loko,nabatukan ko tuloy, pag kaalis na pagkaalis niya ay sinundan ko na agad ang nagmamasid saming kanina ko pa napapansin,kala niyo makakatakas kayo ah.

Habang naglalakad ako humihinto hinto muna ako sa mga store na nadadaanan ko para hindi ako mahalata. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nandun parin sila,teka? Parang kilala ko mga to. Lumapit ako sa may fire exit para mabilis ko silang madispatcha. Nararamdaman kong nakasunod lang siya, magisa lang siya at lalaki. Nang makapasok ako agad ay agd akong lumingon at tututukan ko na sana siya ng baril pero nahagip niya ang kamay ko,pilit kong kinakalas pero masyado siyang malakas, hindi ko rin siya makilala dahil naka-cap at naka shades siya. Shit!

The Gangster Princess is the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon